chapter 7: Heartbeat...again?

31 0 0
                                    

[Author’s POV]

Sorry po for this super late update. Gala galore po kasi these past few days. At dahil po diyan I’ll update 4 chapters. Mwahness!

Thank you nga po pala sa mga silent readers. And super thank you po kay ate ShanaG!!!!  Mwahness po sa iniyong lahat! :*

Chapter 7: Heartbeat…again?

[Brye’s part]

Nakalabas na sila Brye at Stephen sa boutique nang mapansin niyang hawak niya ang kamay nito. Binitiwan niya iyon at tumingin kay Stephen. Nakita niyang nakangiti ito na para bang tuwang tuwa sa paghawak niya sa kamay nito.

“Bakit ka nakangiti?” –mataray na tanong niya dito.

“Kinikilig kasi ako.” –sabi naman nito na nakapag-pabilis na naman sa heartbeat niya. He winked at her while smiling.

~~dugdug…dugdug…dugdug~~

Tumalikod siya dito at naglakad na papalayo. (SHEYT!)

“Wait lang, Brye!” –agad naman itong sumunod sa kanya. “San ka pupunta?”

“May bibilin lang akong libro sa national. Bilisan na natin para makauwi na tayo agad.” –sagot na lang niya para di nito mapansin na umiiwas siya.

“Uuwi na tayo agad? Ang aga naman.” –narinig niya pang reklamo nito.

“Bakit? May pwede pa ba tayong puntahan?” –tanong niya naman dito.

“Sa arcade.” –suggestion nito habang nakangiti pa rin.

Iniwas niya ulit ang tingin dito tsaka naglakad na ulit. “Pambata naman yan.” –Brye

“Bata pa naman tayo ha. You’re eighteen and I’m twenteen.” –confident pang sabi nito.

“Para kang baliw.” –sabi niya na lang.

Natuloy din sila sa arcade dahil na rin sa pagpupumilit nito. Pero bago yon ay dumaan muna sila sa National Bookstore para bilin ang kunwaring libro na bibilin niya.

Nang makarating sa arcade ay bumili ito ng maraming token at hinila siya sa isang machine na may dalawang baril. Kinuha nito ang dalawang baril at binigay sa kanya ang isa.

“Just shoot the zombies.” –utos naman nito sa kanya.

At yon nga ang ginawa nila. Tili siya ng tili sa tuwing malapit na kunwari sa kanila ang zombies. Tawa naman ito ng tawa dahil para siyang thirteen year old kung matakot sa mga kunwaring zombies na nasa loob ng screen. Marami ng nanonood sa kanila ng maubos ang mga token na binili nito.

“They looked good together.” –narinig niyang sabi ng isa sa mga taong nanonood sa kanila.

“I know, right? Para silang love team sa isang palabas.” –dagdag pa ng kausap nito.

“Let’s go?” –tawag pansin naman sa kanya ni Stephen.

Tumango lang siya dito at nauna ng naglakad. (Shemay! Ayaw ko man aminin but I really enjoyed his company).

“Gusto ko pa sanang bumili ng token kasi mukhang nag-eenjoy ka naman kakatili.” –Sabi nito at nang-asar pa. Sinimangutan niya lang ito.

“Bakit di ka bumili?” –naisipan niya itanong dito ng ngumiti lang ito.

“Kasi po gabi na. It’s already seven pm na kaya.” –Stephen

Napatingin siya sa wristwatch niya. Seven o’clock na nga at di niya man lang napansin na ganun na pala sila katagal magkasama ni Stephen.

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon