chapter 9: Family and relatives' vote

25 1 0
                                    

Chapter 9: Family and relatives’ vote

[Brye’s part]

*SECOND DATE’s FLASHBACK

“Good morning mommy!” –bati ni Brye sa mommy niya habang nagdidilig ito ng mga halaman sa garden.

“Good morning baby!” –bumaling ito sa kanya tsaka ngumiti. “Kumain ka na ba?”

“Opo.” –sabi niya tsaka lumingon sa paligid. “Nasan po si ate tsaka anderson? Tahimik po ata ang bahay.” –tukoy niya sa dalawang kapatid dahil si Tin-tin ay may pasok. Fourth year high school pa lang kasi ito.

“Ang ate mo sumabay sa daddy mong umalis. Nagpapasama daw si Lharrah mamili ng mga gamit para sa baby niya.” –tukoy nito sa kaibigan at kasosyo sa negosyo ng ate niya na buntis. “Si Anderson naman kakaalis lang at may swimming daw silang ng mga high school friends niya sa Zambales.”

“Ang aga naman pong umalis ni ate.” –Brye

“Susunduin niya pa daw kasi si Lharrah.” –Brye’s mom

“Eh kailan po balik ni Anderson?” –Brye

“Sa Monday pa daw ng umaga.” –Brye’s mom

“Ah. Sige po. Maliligo muna po ako.” –Brye

“Okay.” –sabi naman nito tsaka na siya umakyat sa kwarto niya. Tanghali na kasi siyang nagising kaya di siya nakasabay sa almusal sa mga ito. Friday kasi kahapon at alas dos na ng madaling araw siya nakauwi dahil nag-bar sila at pinanood ang gig nila Jee.

Kumukuha siya ng damit sa cabinet niya ng mag-ring ang cellphone niya. “Hello.” –sagot niya na lang at di na tinignan pa kung sino ang tumatawag.

“Good morning, my lady.” –bati sa kanya ni Stephen sa kabilang linya.

“Pwede ba Stephen, wag mong umpisahan ang araw ko sa kakornihan mo.” –sabi niya tsaka ni-loud speaker na lang para kahit kausap niya ito ay nakakakilos pa rin siya ng maayos.

“Ang sungit mo naman. Kakagising mo lang?” –Stephen

“Oo, kaya mag-ingat ka sa mga bibitawan mong salita.” –pagbabanta niya naman.

“Oo nga pala. May gig pala si Jee kahapon kaya nag-bar kayo. Anong oras ka na bang nakauwi at kakagising mo lang? Eleven na ah.” –Stephen

“Actually kanina pa kong ten nagising. Kakakain ko lang.” –sabi niya naman mayamaya.

“Kanina pa palang ten, kung makapagsungit ka naman sakin.” –nahimigan niya pa ang kunwaring pagtatampo nito.

“Eh ganun ata gagawin ng kahit sino kapag narinig yang my lady, my lady mo.” –Brye

“Gusto lang naman kitang makita.” –Stephen

“Kakakita pa lang natin nung Sunday ah. Isang araw mo pa nga akong nakasama.” –Brye

“Sunday pa yon. Mag-iisang linggo na rin kaya. Saturday na po ngayon.” –Stephen

“Edi sana pumunta ka kahapon sa gig nila Jee.” –Brye

“Yon na nga ang nakakaasar dahil may gig din kami kagabi sa ibang bar.” –Stephen

“Bakit naman kasi di na lang sa bar ni kuya Nathe?” –Brye

“Bago ko pa kasi masabi kay Cedric na sa bar na nga lang sana ni Nathe ang gig ay may nauna na siyang deal sa ibang bar.” –Stephen

“Okay.” –Brye

“Teka lang. You sounds like you want to see me too?” –napatigil siya sa panunudyo nito at tsaka niya lang narealize ang mga pinagsasasabi.

“Hindi ah. Tigilan mo nga ako.” –Brye

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon