chapter 5: Jealous?

34 2 0
                                    

[Author’s POV]

Yey! Thank you po sa mga silent readers ng aking istorya at sa mga nag-vote po. I really appreciate it po talaga.

God Bless po sa lahat! Mwahness!!!! :*

Chapter 5: Jealous?

[Brye’s part]

“Wahhh!!!! Brye nginitian ka niya!!!!” –Jee.

“Oo nga Brye!” -Hyuu

“Oh? Di ko nakita.” –sabi niya kunwari kahit na nakita niya naman talaga. Kala niya talaga ay namalikmata lang siya pero pati pala sila Hyuu at Jee ay nakita rin iyon. Kasama na nila ulit ngayon sila Jee at mga kabanda nito.

“Wuhhh! Di nakita. Eh samantalang titig na titig ka nga sa kanya kanina. Umiwas ka lang nung ngumiti siya sayo.” –panghuhuli pa sa kanya ni Hyuu. Inasar naman siya ng mga kasama nila.

“Hindi kaya. Tsaka pwede ba tantanan niyo ko sa pang-aasar sa kanya. Kaya ko lang naman siya tinitigan kasi siya yung lalaking nakabunggo ko kanina Hyuu.” –Brye. Naisip niyang kaya siguro siya nginitian ng Stephen na yon ay para asarin siya.

“So sinisigurado mo lang na siya nga yon?” –nagulat siya ng biglang magsalita si Nathe sa likod niya. Umupo ito sa vacant space na katabi ni Jee. Sofa kasi ang upuan nila na nakaikot sa lamesa kaya naman di nila napansin ang presensiya nito.

“Yeah.” –simpleng sagot niya na lang.

“Weh? Tinitigan mo pa rin siya at nakita mo ang pag-smile niya sayo.” –di pa rin naniniwalang sabi ni “Jee

“Guys, just let it be. Narinig niyo naman si Brye, diba?” –pagtatanggol sa kanya ni Nathe. Buti na lang talaga at nandito si Nathe dahil kung hindi ay di niya alam ang isasagot kay Jee. Because no matter what her reason ay tinitigan niya pa rin si Stephen dahil sa ganda ng boses at kagwapuhan nito.

“Fine.” –Jee.

“Sabihin mo nga Nathe. May gusto ka ba kay Brye?” –tanong ni Cha kay Brye. Magkasing-edad lang ang mga ito at matagal na ding magkaibigan.

“What are you talking about Cha. Brye was like a younger sister to me. Don’t be so malicious.” –tinignan niya lang si Nathe at nginitian. Yon lang naman din ang iniisip niya para dito, isang nakatatandang kapatid.

“Okay. Wala na kong sinabi.”

[Stephen’s part]

Nasa may isang room na sila ngayon na kakatapos lang tumugtog. Nilapitan niya ang manager nila. “Ced.” –tawag niya dito. Matanda lang ito sa kanya ng isang taon at matagal na rin nilang kaibigan ng mga kabanda niya. Ito na ang itinuring nilang manager dahil ito ang nag-aasikaso ng mga gig nila. Kung tutuusin ay magaling din itong kumanat tulad niya pero tumigil ito sa pagakanta dahil sa isang pangyayari sa buhay nito.

“What is it Stephen?” –Ced

“I have a favor.” –sabi niya dito kahit naghe-hesitate siya. Para kasi sa lalaking tulad niya ay mahirap humingi ng favor sa iba, pero dahil kaibigan niya naman din ito at may gusto talaga siyang makuha ay sasabihin niya na din ang favor niya dito.

“What?” –Kahit kailan talaga ang poker face ng lalaking to.

“Pwede bang mamaya na tayo umalis? Samahan muna natin sa table yung banda ng mga babae kanina sa table nila. You know, ‘getting to know each other’.” –palusot niyang sabi dito.

“‘Getting to know each other’? Eh may gusto ka lang dun sa isa nilang kasama eh.” –singit naman ni Elver na kabanda niya.

“Siya ba yung napagkamalan mong pinsan mo?” –singit din ni Harry na isa din sa mga kabanda niya.

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon