chapter 8: Fireworks

24 0 0
                                    

Chapter 8: Fireworks

[Brye’s part]

“What is the only English word that ends in the letters ‘mt’?” –tanong ni Brye kay Stephen na nasa kabilang linya.

“That would be dreamt.” –kampanteng sagot naman nito sa kanya. “Ang dali naman ng tanong mo. Hirapan mo naman. Gusto mo lang ata na magdate na naman tayo eh.”

“Kapal mo. Wala lang akong maisip na mahirap na pwedeng itanong ngayon.” –sabi niya dahil totoo naman tsaka kahit naman mahirap ang itanong niya dito ay masasagot pa rin nito iyon. “And for your information, those dates were just a friendly date. Okay?”

“Para sayo lang. Sakin with malisya.” –sabi pa nito tsaka tumawa.

Simula ng mag-semester break ay dalawang beses niya na itong nakakasama. Kung tutuusin ay tatlo na kung isasama pa ang pag-iwan sa kanilang dalawa noon sa mall nila Hyuu.

“Baliw ka talaga. San naman tayo this time?” –tanong niya mayamaya.

“Nag-aaya kasi sila mom and dad sa Batangas. At gusto ka nilang isama para na rin makilala ka na rin nila.” –Stephen

“Hala. Nakakahiya naman.” –Brye

“Okay lang yan. Sige ka, mas nakakahiya kung tatanggihan mo sila mommy na makilala ka.” –pilit pa rin nito sa kanya. “Tsaka unfair naman kung kilala na ko ng parents mo tapos ikaw di ka kilala ng parents ko.” Nakilala na rin kasi nito ang parents at mga kapatid niya. Pati na nga rin ang ibang kamag-anak niya.

“Fine, fine. Mangonsensiya pa daw ba.” –Brye

“Alright! I’ll catch you on Friday after lunch.” –excited na sabi nito. “Pero pano sila tita?” –tukoy nito sa mommy niya.

“Papayagan naman nila ako. Kilala ka naman nila tsaka kasama pa family mo.” –assurance na sabi niya dito.

“Sige. I’ll just call you later. I’m sure na matutuwa sila mommy sa ibabalita ko.” –Stephen

“Okay.” –sabi niya habang nakangiti naman. Naipagpasalamat niya na sa phone niya lang ito kausap dahil paniguradong aasarin na naman siya nito kapag nakita siyang nakangiti ng dahil dito.

“Bye! Take care!” –Stephen

“Bye.” –Brye

Sa loob lamang ng isang linggo at limang araw ay dalawang beses niya na itong nakakasama. At dalawang beses na din nitong nakita ang parents at mga kapatid niya. Ang una ay ang kapalit nung trivia na nasagot nito noong ihatid siya nito sa condo nila tatlong araw pagkatapos silang iwan ng mga kaibigan nila sa mall.

*FIRST DATE’s FLASHBACK

May kumatok sa kwarto ni Brye habang nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili.“Brye, nandiyan na ata yung sundo mo.” –sabi ni manang Nabelle na matagal na nilang kasambahay pagkabukas sa pinto ng kwarto niya at sumilip.

“Sige po manang Nabelle. Paki sabi na lang po pababa na ko.” –magalang naman na sabi niya dito.

“Sige hija.” –yon lang tsaka na ulit nito sinara ang pinto.

Tinignan niya ang relo na suot. Maaga ito ng limang minuto sa oras na napag-usapan nila. (Nahiya naman daw ako na laging late. Hehe)

Pagbaba niya sa sala nila ay nakita niyang kausap nito ang mommy at daddy niya.

“Good morning po ma’am and sir! I’m Stephen Joe Hernandez po. The number one handsome suitor of your daughter.” –pakilala nito sa mga magulang niya na kampanteng nakaupo sa sofa nila. And daddy niya ay nakaupo sa pang-isahang sofa habang ang mommy niya naman ay nakaupo sa tabi ng daddy niya at nakaakbay dito sa may gilid ng sofa.

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon