chapter 10: Enchanted

32 1 0
                                    

[Author’s POV]

Wag po sana kayong malito sa mga pangalan. Pasensiya na po at malaki talaga ang pamilya ni Brye. papakilala ko naman po sila sa dulo ng chapter na ito. Without info nga lang po. ^_^ May mga nakaabang po kasi akong istorya para sa kanila. Hehe!!!

Chapter 10: Enchanted

[Brye’s part]

“You really surprised us, hija. Kay gwapo naman nitong bisita mo.” –sabi naman ng lola niya. Timingin pa ito kay Stephen at ngumiti. “Suitor ka ba ng apo ko, hijo?”

“Opo. I’m Stephen Joe Hernandez po. Number one handsome suitor po ni Brye.” –pakilala naman nito sa mga tao doon na ikinatawa naman ng mga ito.

“We have a funny guy here, huh?.” –sabi naman ng tita Norie niya na abala sa pag-lalagay ng ulam sa lalagyan.

Ngumiti lang si Stephen at napayuko na parang nahihiya pa.

“And really handsome.” –dugtong naman ng lola niya.

“Lola talaga.” –lumapit siya sa mga ito at isa-isang pinakilala ang mga doon pwera lang sa mommy niya na kilala na nito.

“Sige na at tawagin niyo na sila. Kakain na tayo at paniguradong gutom na kayo.” –utos naman sa kanila ng mommy niya.

Di niya na pinasunod sa kanya si Stephen at tinawag na ang mga iba pa niyang kamag-anak. Nagpadagdag ng upuan sa dining table para lahat sila ay makaupo.

Habang paupo na sila sa harap ng dining table ay panay ang usisa ng mga pinsan niya kay Stephen except kay Drazen dahil magkaibigan ang mga ito. Tahimik lang ang pinsan niya at ngumingiti lang sa tuwing inuusisa ng iba niyang pinsan si Stephen. Nagpakilala na naman ito sa mga pinsan niya bago sila umupo pero panay pa din ang tanong ng mga ito dahil ngayon lang daw siya nagpakilala ng lalaki sa kanila.

“Schoolmate ka ni Brye?” –tanong ng pinsan niyang si Fae na kasing matanda lang ng isang taon sa kanya.

“This coming semester ko pa lang siya magiging schoolmate, kakalipat ko lang kasi.” –Stephen

“Ang gwapo gwapo mo naman po. Ano pong nagustuhan mo kay ate Brye?” –tanong naman ni Faith na sampung taong gulang habang ngumunguya. Nagtawanan ang lahat dahil sa tono ng pagkakasabi noon ay parang masiyado itong gwapo para sa kanya.

Kahit ito ay nakita niyang napangit sa tanong ni Faith kaya naman tinignan niya ito ng masama. “Nagustuhan? I don’t know too. Pero nung una ko siyang nakita para bang may tinali na siyang lubid sa katawan ko ata hinihila ako palapit sa kanya.” –dahil sa sinabi nito ay nagtawanan na naman ang buong pamilya niya habang ito ito naman ay kinidatan pa siya.

“Yabang! Ako pa ang humila sayo ah.” –sabi niya naman tsaka kumuha ng vegetable salad.

“Naku baka ginayuma ka lang ni ate Brye.” –pang-aasar pa ni Tin-tin na lalong kinatawa ng mga nandoon.

Natapos silang kumain ng nagkukwentuhan na may kasamang asaran at tawanan. Kasalukuyan silang nasa back porch at nagvi-videoke. Habang kumakanta ang pinsan niya ay naisipan ng lola niya na pakantahin si Stephen.

“Sige po lola. Para po sa iniyo.” –tanggap naman nito sa hiling ng lola niya.

Kumanta ito ng isang old song na makakarelate ang lola at kahit sila. Pagkatapos nitong kumanta ay nagpalakpakan ang mga kamag-anak niya.

“Ate Brye! Kumanta ka din!!!!” –Faith. (Bakit ba ang kulit ng bata na to ngayon?)

“Oo nga, Brye.” –sabi naman ng daddy niya at sinang-ayunan pa ng iba pa niyang kamag-anak.

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon