chapter 3: Friends' instinct

57 1 0
                                    

[Author’s POV]

Pakilala ko lang po sila Venus Chlae Vernez and Dawn Jay Hernandez from chapter 2. :))

Venus Chlae Vernez (Vee/Chlae) >> cousin of Brye. She has this kind of job that should be a secret to anyone.

Dawn Jay Hernandez (Jay) >> cousin of Stephen. Friend of Brye, Jee and Hyuu.

Di ko na din po sila pinakilala ng bongga dahil may sarili silang story. And I will use my character’s nickname na po every time it’s their time to talk. Hope you like this chapter. ^_^

Chapter 3: Friends’ instinct

[Brye’s part]

“Oi! Ano na?” –Hyuu. Nasa cafeteria sila ngayon at kasalukuyang kumakain.

“Sandali lang. Di pa kasi nagtetext si Kuya Nathe.” –Jee. May banda kasi si ito at kumakanta kanta sila sa bar na pagmamay-ari ng manager/cousin ni Jee. Ngayon ay tinatawagan nila ito upang tanungin kung wala bang gig mamayang gabi dahil tuwing biyernes ay tumutugtog sila at ngayong araw ay biyernes nga. Di pa kasi ito nagtetext para sabihin kung anong oras sila tutugtog. At di rin naman parepareho ang oras ng gig nila dahil may mga kasabay pa silang ibang banda para tumugtog.

“Sige. Para makapagpaalam na ko kay mommy kung makakauwi pa ba ko o sa condo muna ako matutulog ngayong gabi.” –Brye. Magkakasama kasi silang tatlo na magkakaibigan sa isang condo sa Pasay tutal ay malapit lang naman iyon sa eskwelahan nila. Kung tutuusin ay di naman iyon sobrang layo sa mga bahay nila pero ginusto rin nilang tumira sa iisang condo para matuto sila na maging independent. At every weekends nga ay nag-i-stay sila sa mga bahay nila.

Mayamaya pa ay nagtext na ang pinsan ni Jee. “Oh friends! 9 daw kami tutugtog so before 8 nandun na tayo at ang mga ka-bandmates ko para makapaghanda pa kami before our gig.” –sabi ni Jee ng mabasa ang text ng pinsan.

“So your band will not be the last this night?” –tanong ni Hyuu.

“Yeah. Sabi ni kuya Nathe may nag-recommend daw sa kanya na friend ng isang band na magaling talaga at mabubuhayan ng bongga ang crowd. He also said na gwapo daw ang mga members.” –Jee

“Baka naman mamaya puro gwapo lang yan, tapos wala naman pala talagang talent.” –comment niya naman.

“Magtiwala na lang tayo sa pinsan ko Brye. Kilala mo naman si kuya Nathe hindi basta basta o-oo yon ng hindi niya napapatunayan na magaling talaga yung band na yon.” –Jee

“Oh right! Wag ka munang umuwi mamaya Brye. Party party tayo mamaya. Tomorrow ka na lang umuwi and sasama kami ni Jee. Namimiss na naming ang luto ni tita.” –excited naman na sabi ni Hyuu. Kahit kalian talaga ang mga kaibigan niya hindi nakakalimutan ang mommy niya, lalo na ang luto nito. (Well, I can’t blame them. The best ata luto ni mommy! hahahaha)

“Susumbong ko kayo kay mommy. Luto niya lang pala namimiss niyo ha.” –umakto naman siya na kunwari ay tatawagan ang mommy niya para magsumbong.

Pinigilan naman siya ni Hyuu at Jee tsaka tumawa. “Sus! You’re just jealous! Siyempre namimiss din namin si tita mismo. She’s really a mother to us na kaya.” –pang-aasar pa ni Jee tsaka bumawi. Di niya din naman masisi ang mga ito. Open minded kasi ang mommy niya at di sila pinaghihigpitan magkakapatid. Kaya dahil mababait silang magkakapatid na mana sa mommy and daddy nila ay alam rin nila ang mga limitations nila.

“Okay fine. Wala na kong sinabi.” –nasabi niya na lang.

[Jee’s part]

“Sandali lang. Di pa kasi nagtetext si Kuya Nathe.” –Jee

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon