Chap. 8 - Bestfriend

25 1 0
                                    

A/N:

Bigyan natin ng moment si Benedict at Bridgette kahit konti lang muna. =)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

- At the School's Gymnasium -

"Bridge! wait up!" hingal na hingal na sigaw ni Ayah sa kaibigan. Napahinto naman sa paglalakad si Bridgette at nilingon ang kaibigan.

"Hayy!! Kanina pa kita tinatawag, di mo ba naririnig?" nakatungkod pa ang dalawang kamay ni Ayah sa tuhod nito at hinahabol ang paghinga. Nang bumalik na sa normal ang paghinga nito, "Saan ka ba pupunta?" umayos na siya sa pagtayo nang tuwid.

"Nagtext si Besty, may sasabihin daw siya e. Nga pala, pasensya kana kagabi kung hindi na kita nareplyan." malungkot na boses ang namayani kay Bridgette habang sinasabi ang mga iyon.

"Okay lang iyon. May bago naman akong tinataguan ng sikreto. Hihi." napakamot siya sa ulo nang tignan siya ni Bridgette ng isang may-hindi-ka-sinasabi look.

"Na-wrong sent kasi ako sa kuya mo dahil nga sa.. super excited akong sabihin sayong.. inadd na ko ni Ryan sa fb." nakayuko lang siya na parang nahihiyang sabihin iyon sa kaibigan. (A/N: See whole story of Ayah at the external link)

Napatitig lang si Bridgette kay Ayah at maya-maya'y sumabog ito sa kakatawa, "HAAHAHA!! Ayah naman! Bakit kay kuya pa? HAHA! Saka alam mo hindi siya yung taong dapat mo pagtaguan ng sikreto! Best friend pa naman nun si Ryan! HAHA" namula bigla si Ayah sa narinig mula sa kaibigan. Magsasalita sana siya nang may lumapit na lalaki sakanilang dalawa.

"Besty.. kanina pa kita tinext na bumaba sa ground diba? Nag-alala na ako sa'yo kaya sinundo na kita dito. Akala ko dinumog ka na ng mga langaw eh!" pabirong sabi ni Benedict sa best friend niya. Napangiti nalang si Bridgette at napaisip, Akala ko concerned ka na talaga sakin. 

"Ah.. Sige, Ayah. Tatawagan nalang kita mamayang gabi, magkukwento ka pa sakin e. Bye!" paalam ni Bridgette sa kaibigan at masayang tumango si Ayah sakanya.

Habang naglalakad ang dalawa, makakasalubong nila si Joshua na naghahabol  ng hininga dahil siguro sa pagtakbo nito. At nang makalapit ito, humarap siya kay Bridgette at nagsalita, "Bridge.. uh.. let's.. let's talk.. please?" pakiusap nito. Lumingon si Bridgette kay Benedict at sumenyas na iwan muna sila para mag-usap. Galit na nakatingin si Benedict kay Joshua, bumulong na din siya nang lagpasan niya ito, "2 minutes lang p're."

Nang nakalayo na nga si Benedict, unang nagsalita si Bridgette, "Josh, hindi ako galit kaya kung magpapaliwanag ka man ngayon, wag nalang.. ano ba naman ang laban ko sa girlf----" pinutol ni Joshua ang sasabihin nito at siya naman ang sumagot, "No, Bridge. I need to explain."

Napilitang ngumiti si Bridgette at sumagot, "Joshua, if this is about yesterday. You don't have to. Maybe I should go, hinihintay na ako ni B----" hindi niya ito natapos dahil nagsalita si Joshua, "I chose her because I'm protecting you.." napatitig nalang si Bridgette sakanya at naghihintay ng iba pang sasabihin ngunit nang nabalot sila ng katahimikan, "Kung wala ka ng sasabihing iba, mauuna na ak---" hinarang siya ni Joshua gamit ang dalawang kamay nitong nakatungkod sa pader kaya napasandal nalang si Bridgette at kita sakanya ang pagkagulat. Saglit silang nagkatitigan sa kanilang mga mata. Tila ang kanilang mga mata ang nag-uusap sa mga oras na ito.

"Besty, tara na! Hindi pa b---" biglang sigaw ni Benedict ngunit nang maabutan niya ang pwesto ng dalawa ay nanahimik siya at nagulat. Tanging ang dalawang mga mata niya ang naging saksi sa kanyang mga nakita. Nakalapat na ang labi ni Joshua sa labi ng best friend niya. Nabalot ang kanyang sarili ng matinding kaba at sakit sa dibdib. Hindi ba dapat maging masaya siya dahil sa wakas nagkakamabutihan na ngayon ang best friend niya at ang super crush nito?

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon