Chap. 9 - One Night With Him

21 0 0
                                    

- Keanston High School -

Tuk. Tuk. Tuk. (high heels clicking on the floor)

Nakangising sumisilip ang isang babae sa isang siwang ng pintuan ng Gymnasium. She's alone. All alone. Saisip nito.

Dali-daling bumaba ng hagdan si Benedict upang puntahan ang Dad niya sa bahay nila. Hindi na siya nagtaka kung ano man ang ikinagagalit nito. Tanging ang Mom niya lang ang nakakaintindi sakanya, sa kung anumang mga bagay ang magawang kasalanan nito.

"Putek naman! Uuwi ako ng bahay nang hindi dala ang bag ko? Nandun yung susi ng kotse! Tanga naman!!" inis na sabi ni Banedict sakanyang sarili habang naisampal pa ang kanyang palad sakanyang noo. Bumalik siya paakyat ng Gymnasium dahil malapit doon ang locker niya kung saan naroon ang bag niya.

"Hello, Ayah! Ano na yung ikukwento mo? Okay na ang mood ko ngayon kesa kanina.. Yun nga lang, hindi ko pa din nasabi sakanya kasi nagmamadali siyang umalis kasi--- Teka, ikaw muna magkuwento bago magkadayaan dito! HAHA!!" masayang bati ni Bridgette sa kaibigan. Sa katunayan, si Ayah nalang ngayon ang napagbibitiwan niya ng mga sikreto niya simulang nalaman niyang may guso pala si Benedict kay Alice na pareho niyang mga bestfriends.

"Ganito kasi yun... asdfghjkl......" boses ni Ayah sa kabilang linya. Ang mga sunod na sinasabi nito ay hindi na marinig at maintindihan ni Bridgette dahil may naramdaman siyang nagtakip ng isang panyo sa kanyang ilong na sanhi ng pagkabitaw niya ng cellphone na kanina'y hawak niya. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit nalalanghap na niya ang kakaibang amoy sa panyong nakatakip sakanyang ilong at tuluyan nang nawalan ng malay.

Gotcha. Masayang nasa isip ng taong nagtakip ng panyo sa ilong ni Bridgette. Nakatakip ito ng isang itim na maskara sa kanyang muka at nakasuot ng itim na coat. Luminga-linga muna siya sa paligid bago ini-dial ang number sa cellphone niya. "Labas na kayo dyan, tulungan niyo ko dito." utos nito nang makausap na ang sa kabilang linya.

Ilang segundo pa lang ay naglabasan na ang mga katulong nito para alalayan siyang mailayo si Bridgette, patungo sila sa kabilang pintuan ng Gymnasium kung saan naroon ang storage and utility room.

BLAG! (locker closed)

"Hay naku naman! Bakit kasi nandito ka sa loob ng locker ko? Ugh!" pagmamaktol ni Benedict at agad ding nagmadaling humakbang papalayo ng locker ngunit bago pa siya makalayo, nakarinig siya ng isang malakas na tunog na nanggagaling sa Gymnasium. Bridgette?

Akmang tatakbo na sana siya papunta sa loob ng Gymnasium nang may isang taong pumigil sakanyang braso at agad itong pinalo ng baseball bat sakanyang ulo na sanhi ng pagkawala ng malay nito.

"Mangingialam pa kasi e. Bwisit." inis na sabi ng lalaking humampas ng baseball bat at agad na ikinaladkad ang walang malay na katawan ni Benedict papalayo sa locker area.

----------------

- Coffee Shop -

Dialing Bridgette....

RiNG! RiNG! RiNG!

"May nasabi ba akong mali sa kwento ko at binabaan ako ng babaitang yun?" nag-aalalang tanong ni Ayah sakanyang sarili habang paulit-ulit na idinidial ang number ni Bridgette ngunit hindi na ito sumasagot.

TiNG! (store chimes)

Napalingon si Ayah sa kung sinumang taong kakapasok lang ng shop. Wala naman siyang hinihintay para maging alerto sa kung sinuman ang pumasok ng shop ngunit may kutob lang talaga siya na may darating na kakilala niya sa coffee shop na iyon anumang oras sa araw na ito.

His Bridgette (On Hold)Where stories live. Discover now