Chap. 12 - Off the Deal

10 0 0
                                    

- Keanston Highschool -

"Bingi ka ba? Sabing OO.. OO na talaga!! As in OO, tayo na.. OO, ikaw na ang boyf----" hindi na natuloy ni Ayah ang susunod niyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni Ryan sa sobrang tuwa.

"A-araaaayy! Syado! W-wait.. h-hindi ako makahinga eh!" pilit na itinutulak ni Ayah si Ryan sa pagkakayakap dito. Nang matauhan si Ryan, bumitaw na ito at puminta sakanyang labi ang malapad na ngiti. "I love you." sabi pa nito.

"Hep! Hep! Hep! Bawal PDA sa school!" sigaw ni Clark, isa sa mga classmates nila na kanina pang naiirita sa kakapanood sa dalawa. Sabay namang napahalakhak ang dalawa sa pagkakasigaw ni Clark sakanila.

Sa loob lang ng dalawang linggo nanligaw si Ryan kay Ayah. Napaikli man ng mga araw na iyon pero pursigido ang dalawang magtagal hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Samantala, habang masayang nagngingitian ang dalawa, kasunod naman ang pagpasok ng mukang abot ang sahig sa sobrang kalungkutan. "Oh, anong problema friend?" tanong ni Ayah sa kaibigan niyang si Bridgette na agad ding umupo sa kanyang upuan. Umupo din siya sa tabi nito bago pa man siya magpaalam kay Ryan na kakausapin lang nito si Bridgette.

Bilang tugon, umiling lang si Bridgette na parang tuliro pa din sa kanyang pinagdadaanan. "Benedict?" tanong ni Ayah, kasabay ng pagpasok ng isang mukang abot naman ang langit dahil sa sobrang kasiyahan. "Oh? Anong nangyari bessy?" tanong naman ni Alice habang nawala ang kumurbang ngiti sakanyang labi. Umupo na din ito sa katabing upuan ni Bridgette. Katulad ng tugon nito kay Ayah kanina, umiling lang din ito.

"No means suffering a lot.." sabat naman ni Blake na nasa likuran lamang nila kasabay ang paghalukipkip nito. Napalingon sina Bridgette, Ayah at Alice sakanya.

"Haba kasi ng hair eh.." sabat naman ni Leighton habang nakangiting nagreretouch ng kanyang make-up.

Lumingon si Blake at Leighton kay Taylor na tila nagtataka dahil hindi man lang ito sumabat kaya kinalabit siya ng mga ito at pinanlisikan ng mata. "A-ah.. yeah..right.." napabuntung-hininga naman ang dalawa dahil sa tugon ni Taylor at inirapan ito.

Nabaling muli ang atensyon nina Alice at Ayah kay Bridgette. "Bidjie, bessy mo ako diba? You can tell me.. Right, Ayah?" pag-aalala ni Alice sa kaibigan, tumango naman si Ayah bilang pagsang-ayon nito.

"Masaya kasi kayo.. Ikaw, Alice.. kayo na ng Besty ko. Si Ayah naman, sila na ni Ryan. E ako? Kailan ba m---" naputol ang sinasabi ni Bridgette nang biglang napasigaw si Alice, "Joshua! Don't worry. Kaming bahala sa inyo. Tiyak, magiging kayo din! Hehe.. Diba Ayah?" masayang sabi nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Alice ang pagkakagusto ni Bridgette kay Joshua kaya iyon na lamang ang naisip nitong paraan para sumaya ang kaibigan.

"Tamang-tama.. Birthday pala ng pinsan kong si Arthur this Sunday.. swimming iyon.. sama ka Bessy.. Aayain ko naman si Joshua eh.. Ikaw din Ayah, sama mo si Ryan.. masaya yun!" masayang pag-aya ni Alice sakanila. Agad namang tumango si Ayah pero si Bridgette ay wala pa ring emosyon bagkus nakapalumbaba lang ito na tila nanakawan ng pera.

*

- Arthur Forteza’s Pool Party Club House -

"Glad you came!" masayang bati ni Alice sa boyfriend niyang si Benedict at niyakap ito. Ngumiti lamang ito at luminga-linga sa paligid, "Si Bidjie nandito na ba?" tanong nito na may pag-aalala. Bago pa man makasagot si Alice, may sumigaw ng pangalan niya mula sa entrance ng club house.

"Buti naman napilit mo tong Bessy ko, Josh. Kaming bestfriends niya hindi siya napapayag tapos ikaw pa pala. Ang lakas mo kay Bessy ha! Hahaha!" biro ni Alice kay Joshua habang si Bridgette ay wala pa din sakanyang sarili ngunit nakakangiti naman siya kahit kaunti bilang tugon sa kanyang mga kaibigan.

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon