Chap. 14 - Ang Pagbabalik

13 0 0
                                    

* Flashback *

(Eto po pala ang naging usapan nina Josh at Ben bago ipaabot ni Josh kay Ben ang letter for Bidjie)

Pagkauwing-pagkauwi ni Benedict galing kila Bridgette, may tumatawag sakanya at nang makita kung sino ang caller, nagdadalawang isip ito kung sasagutin nya o hindi. Lumipas ang ilang minuto bago tumigil ang ring, nagring muli ito at napagpasyahang sagutin ito ni Ben.

"Yes?" - Ben

"Can we talk?"

"If this is about what hap---" naputol ang sasabihin nya nang nagsalita ang kausap nya sa kabilang linya.

"Alam ko galit ka sa nangyari dahil nag-alala ka kay Bridge, pero gusto ko maayos natin to."

Naghihintay ng sagot ang nasa kabilang linya ngunit bago pa man makasagot si Ben, naunahan na sya nito. "Picasso Bar. I'll wait for you there." Then the call ended.

- Picasso Bar -

Nakakabinging tugtugan ang maririnig pagpasok palang sa bar. Ipinakita ni Ben ang ID nito sa receptionist at agad ding pinapasok. Kilala na ito ng bar kaya hindi na inusisa ang binata.

Umikot ang tingin ni Ben sa buong paligid ng bar at nang mahagip na nya ang isang lalaking nag-iisa malapit sa bartender, agad na itong lumapit. Umupo ito sa tabi ng lalaki at sinalubong ito ng isang walang-buhay na pagngiti.

"I knew you would come. Tara, labas tayo." masayang pagsigaw ng lalaki sa tenga ni Benedict. Kinailangan nyang sumigaw dahil sa ingay ng tugtugan sa loob ng bar at minabuting sa labas na lamang mag-usap.

"Go ahead, Josh." utas nito sa kaibigan nang makarating na sila sa labas ng bar. Agad namang inayos ni Joshua ang kanyang sarili para magsalita ngunit tila bang walang mailabas ito kahit magbuga man lang ng hangin mula sa kanyang bibig.

"You know how much I care for her, Bro. And hindi lingid sayo na gusto ko siya. At hig---" panimula ni Josh ngunit agad ding pinutol ni Ben.

"You just like her. You don't even know na mahal mo na sya." mahinahon na sabi ni Ben, ngunit may galit sa boses nito.

"I do. I do love her, Ben." sagot nito at bahagyang ngumiti at nagpatuloy nang mapansing hindi makaimik ang kausap, "It started when I stopped liking Glacy. Siya yung nagpangiti sa akin nun, siya yung naging...."

"Tulay mo para mapasagot ang babaeng gusto mo. NOON." pagpapatuloy ni Ben at hinarap si Josh na may bahid ng sama ng pagtingin sa mga mata nito. "And isn't it ironic na magkagusto ka sa tumutulong sayo para mapasagot ang babaeng gusto mo? At nalaman mo lang na crush ka nya, you took advantage!" pasigaw na sabi nito samantalang hindi natinag ang kausap. Sa halip ay nakangiti lang ito sakanya.

"Yah, it's ironic. Pero anong magagawa ko kung bigla namang ito (sabay turo sa kaliwang dibdib) tumibok?" nakangiti pa din ito habang si Ben ay nakatingin lang sakanya at parang naiinis na.

"You can call me playboy but I know in myself na si Bridge yata ang hindi lang naging tulay sa mabubuong couple pero tulay din para makapagpabago ng isang tao, in a way na mapabuti ito." nawala ang inis na nasa muka ni Ben nang matapos iyong sabihin ni Josh.

"I've changed, Ben. And it's because of her. At gusto ko, sa pagbabago kong ito..sya ang kasama ko." seryosong sabi ni Josh habang nakatingin sa malayo at may kinuhang papel mula sa kanyang bulsa. "Sinulat ko ito nang malaman ko ang nararamdaman mo sakanya."

Nagulat si Ben sa nasabi ng kausap kaya nagtanong ito, "What do you mean?"

"It's obvious, Ben. You're her bestfriend and it's easy for you to fall for her." nakatingin na ito kay Ben para tignan ang reaksyon. Nakayuko lang ito ngunit agad ding tumingala upang pigilan ang luha sa pagbagsak.

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon