Chap. 5 - ChisMax Encounter

25 0 0
                                    

--At the Library--

Papasok sina Bridgette at Joshua sa library nang mapansin nilang nagtitinginan sakanila ang mga estudyanteng nasa loob ng library. Hindi na yun inalintana ni Bridgette at patuloy lang sa paglalakad patungo sa book shelves. Samantalang si Joshua ay nanatili pa ring nakasunod sa dalaga.

Huminto si Bridgette sa pangalawang shelf at may tinignan na libro doon. Isa-isa niyang tinitignan ang mga libro na parang may hinahanap. Marahil, para iyon sa takdang aralin nila sa klase.

"Bridge.." tawag ni Joshua kaya't napatigil saglit si Bridgette sa paghahanap ngunit nagpatuloy din ito. Naghihintay siya ng sasabihin ni Joshua.

"Yung tungkol kanina.." hindi maituloy ni Joshua ang sasabihin kasabay ang pagbuntung-hininga nito. Bakit ba ako mag-eexplain? Hindi naman ako ang gumawa nun diba? Saisip pa nito habang papalapit nang papalapit kay Bridgette.

Napatingin sakanya si Bridgette at tinitigan nang walang kahit anong ekspresyon sa muka nito at naghihintay pa din ng sasabihin ni Joshua.

"Pagpasensyahan mo na si Glacy. I know it's rude na mismong girlfriend ko ang gumawa nun pero.. ako na ang humihingi ng dispensa dahil nadamay ka pa.." sabi nito. Nakayuko lamang siya at naghihintay naman ng sagot ni Bridgette.

"Hindi ako galit, Joshua. Wag kang humingi ng patawad." sagot ni Bridgette at nilagpasan na lamang si Joshua. Patungo siya sa isang mahabang lamesa na kung saan may bakanteng upuan. Umupo siya doon at nagsimulang buklatin ang aklat na kinuha niya sa book shelf.

Naiwang tulala si Joshua sa kinatatayuan niya ngunit hindi pa din siyang tumigil sundan si Bridgette sa kinauupuan nito. Lumapit siya doon at umupo na din sa katapat na inuupuan ni Bridgette.

"Ayaw kitang istorbohin pero sana makinig ka sa sasabihin ko.." napakamot muna siya sa ulo niya at nagpatuloy, "S-si... Si Glacy.." bumuntong-hininga muna siya, "Hindi ko talaga siya...mahal.." kasunod ang paglunok nito ng sunod-sunod dahil kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Bridgette.

Nagulat si Bridgette sa sinabi ni Joshua kaya napatingin na ito sakanya. Sinarado niya ang aklat na kaninang binabasa at tumingin nang masinsinan sa kanyang harapan. "Bakit mo sinasabi sa akin yan, Joshua?" halata sa boses nito ang isang malamig na emosyon dala na din ng galit.

"All along, niloloko mo lang si Glacy? All along, pinahirapan mo lang akong gumawa ng effort para mapalapit kayo sa isa't isa? And worst, non-sense lang pala ang tinulong ko sa'yo pagtapos mong humingi sa akin ng favor? Yun ba, Joshua?" mahinang sabi nito, hindi niya magawang taasan ang boses niya kahit gustuhin niya dahil nasa loob sila ng library.

Nananatiling pa ding discrete si Joshua habang si Bridgette ay kanina pa talak ng talak at naghihintay ng eksplanasyon mula sakanya.

"Bridge.. That's not what you think.. I just-" hindi na siya pinatapos ni Bridgette sa pagsasalita nang bigla syang tumayo sa kinauupuan at nagsalita, "You just what? You just used me over your own intention?" napalakas na ang boses niya kaya nagtinginan ang mga estudyante sa dalawa. Nagsimula na din ang mga bulungan sa loob ng library.

Napansin ni Bridgette na napalakas ang boses niya kaya napatakip siya sa kanyang bibig, kasunod ang paghakbang palabas ng library. Nahihiya siya dahil unang una, nagkaroon siya ng scandal dahil sa pekeng poster na naka-post sa bulletin board at ngayon naman ay nakikipag argumento siya sa lalaking 'kahalikan' kuno sa poster na iyon at worst, narinig ng marami ang sinabi nito sa kausap.

Mabilis na lumabas si Bridgette at unti-unting nag-uunahan ang mga luha nito habang naglalakad siya sa hallway ng eskwelahan. Sobra na! Hiyang-hiya na ako! Wala na akong mukang maipapakita sa lahat! Saisip niya.

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon