Chap. 16 - Soon-To-Be...

27 1 0
                                    

Chap. 16 - Soon-To-Be...

"Anak, gusto lang kitang makasama kahit sandali lang. Kung pumayag lang sana ang Mama mo na isama sa London, hindi ako magsisinungaling pero hin---"

"KAHIT NAAA!!!" pasigaw na pagmamaktol ni Bridgette na naging sanhi ng pagtitinginan ng mga pasahero sakanya. Bigla naman itong napatakip sa kanyang bibig at nag-peace sign sa bawat matang mahagip nito. Pero may isang pares ng mata ang nagbigay ng pansin sakanya. Aww, seducing eyes?? Saisip nito at napailing nalang at yumuko.

Hindi pa din siya nagpasubaling tignan muli ang pares ng mata na nahagip niya kanina. Pagtingin niya rito, pakiramdam niya'y namula ang kanyang pisngi at kumalabog bigla ang puso nito sa sobrang kahihiyan. Nakita na lamang niyang kinindatan siya nito at doon na siya nanigas na parang yelo at unti-unting natutunaw nang lubusan. Umiwas na ito at nanumbalik ang pagtatampo niya sa ama kaya nang tignan niya ang kanyang Papa, napansin niyang tumayo ito at nagpaalam kay Bridgette, "May kakausapin lang ako, anak."

Sinundan niya ng tingin ang kanyang Papa at napansing papalapit ito sa lalaking kumindat sakanya na kasalukuyang umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Napanganga siya nang makitang nagkamayan ang dalawa na tila magkasosyo lamang sa isang business. Nagpalitan ng ngiti ang dalawa at parehong lumingon kay Bridgette kaya nabalot nanaman ito ng hiya at umiwas ng tingin.

"Makapag-soundtrip na nga lang." bulong ni Bridgette sa sarili at kinuha ang kanyang Ipod sa bag. Akmang sasalpakin na niya ang earphones sa kanyang tainga nang may isang lalaking nakatayo sa gilid niya kaya napatingin ito dito. Sa di inaasahang pangyayari, naamoy niya ang napaka-manly perfume ng lalaki nang ilagay nito ang mga bag sa bandang itaas na compartment at bumaba ang tingin kay Bridgette. Ngumisi ito at umupo na sa kabilang upuan na katapat nito sa kanyang gilid. Muli, kinindatan nanaman siya nito bago magpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Anak, gusto mo ba ng kape?" tanong ng kanyang Papa nang makaupo na ito sa tabi ni Bridgette. Hindi niya ito pinansin dahil sa pagtatampo. At dahil hindi sumagot ang anak, umupo na lamang ito at nagsalita, "Nakita mo yung kausap ko kanina? Siya nga pala ang bestfriend ni Austin nang nasa London pa siya. Siya rin ang anak ng CEO ng Schuartz watches & gadgets doon. Nakakatuwa nga kasi napakama---"

Hindi na natapos ni Luis ang sasabihin dahil nagsalita ang anak nito, "Pa, hindi ko na kailangan malaman ang buong background ng lalaking iyan. Pakelam ko ba sakanya. Tss." malamig na sabi nito at tuluyan na ngang sinalpak ang earphones sa kanyang mga tainga.

"Ano ka ba anak, may pakialam ka na sakanya dahil sooner..he will be your fiance."

Hindi mapakali si Bernadette sakanyang pagkakahiga. Hindi siya makatulog. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil nag-aalala pa rin siya kay Bridgette. Hindi siya sanay na hindi kasama ang anak kahit isang gabi lang, pero ngayon ay ilang araw ito mawawala sa tabi niya. Hindi lang siguro mga araw, dahil baka abutin pa ito ng ilang buwan, taon o baka marahil ay hindi na sila magkita. Kung sana'y sinabi na lamang niya noon ang katotohanan, hindi malalagay ang lahat ng ito sakanila ngayon.

Samantalang si Austin ay nasa kusina lang at umiinom ng tubig. Pawisan ito habang nakakunot ang noo dahil sa isang malalim na pag-iisip. Pinupukaw nanaman siya ng nakaraan kung kaya't hindi niya naiwasang maihagis ang babasaging baso na pinag-inuman nito.

"Dude, I don't think  I can marry that woman. Dad is really an asshole, he wants me to marry that sugar mom just to win this shitty business! Well, I must prefer to marry your sister instead. And I think Tito Luis can surely allow me to. We'll be one family soon, yeah?"

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon