Chap. 4 - Mission Impossible

19 0 0
                                    

---Day 1---

***Mission: Paglapitin ang dalawa at isagawa ang 'Get-to-know' stage.

Teka, tapos na yun diba? Pinaglapit ko na sila kahapon sa church? Pero may naganap nga kayang Get-to-know sakanila? Matanong nga mamaya si Besty. Saisip ni Bridgette, kasabay ay paglingon sa kinauupuan ng Bessy niyang si Alice pero wala iyon doon.

"Girl, ano na ang status natin kay Ryan?" naiinip na tanong ni Ayah kaya napalingon si Bridgette sakanya.

"Ah..ehh.." may pilit na ngiti at napakamot siya sa ulo at nagsalita muli, "Nakausap ko na si Kuya. Atsaka akong bahala, don't worry.. Hehe.." palusot niya dito. Sa totoo niyan, hindi pa kasi niya nagagawan ng move para sa Ayah-Ryan Mission dahil focus siya ngayon sa Alice-Benedict.

Hayss. Hirap naman pagsabayin ang dalawang pair ng mission ko. Paano ko ba ito uumpisahan? naiinis na isip ni Bridgette.

"Ateng, ayan na siya.. Awww.. Seryoso siya masyado.. That's why I like him!" kinikilig na sabi ni Ayah sa kaibigan.

Papalapit si Ryan sa kinauupuan ng dalawa kaya naman lalong kinilig si Ayah kasabay ang paghigit ng pagkakayakap nito sa mga braso ni Bridgette.

"Girl, wag ka nga pa-obvious jan. Uso naman ang magpakipot, kahit konti." seryosong pagkakabulong ni Bridgette kay Ayah. Tama, kay Ayah muna ako mag-uumpisa, tutal mapapadali lang dahil classmates kami.

"OMG. Is that Benedict? Ang OMG! Hinatid niya si Alice Sakitin sa room natin?" Girl 1

"Oo nga. Baka mahawa pa siya kay Alice!" Girl 2

"What more pa kaya kung classmate natin si Benedict? Edi super PDA much na?" Girl 3

"Anong PDA ka jan! Hindi pa sila noh!" Girl 4

Narinig ni Bridgette ang mga bulungan ng mga kaklase na nasa likod lamang ng kinauupuan nila kaya napalingon ito sa likuran at tinaasan ng kilay ang mga iyon kasabay ang pagtahimik nila sa pagchichismis. Palibhasa, mga chismosa. Saisip nito at napalingon nalang kung nasaan ang dalawa niyang bestfriend.

"Buti pa sila Alice oh.. Nagkakamabutihan.. Bakit kasi sila pa inuna mo? E diba nauna akong mag-request sayo friend?" nakatulis ang nguso ni Ayah pagtapos niya yun isumbat kay Bridgette.

"Hindi kasi ako nahirapan sakanila. Sila ang gumagawa ng paraan, hindi ako." seryosong sagot nito sa kaibigan habang napayuko nalang at kitang-kita ang kalungkutan nito sa kanyang muka.

"Pero ikaw pa rin ang dahilan kung bakit sila nagkakamabutihan. Kung hindi mo besty si Benedict, at kung hindi mo bessy si Alice.. Tsk! Ewan nalang.." paliwanag ni Ayah sakanya.

Tama si Ayah, isa lang naman akong hamak na tulay. Lagi naman eh. Pero ineenjoy ko naman. This is me! determinadong isip nito sa sarili niya.

------------------------------------------

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon