Chap. 13 - Love Letter

16 0 0
                                    

CHAPTER 13 - LOVE LETTER

- Delos Reyes Residence -

MAGDAMAG ang buhos ng ulan kasabay ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ni Bridgette. Hindi niya lubos akalaing sa iisang iglap ay magbabago na ang lahat. Isa na rito ang naging isang Bridgette na noon ay masayahin ngunit ngayo'y mistulang isang istatwang walang ibang kinikilos at tanging paghikbi lamang ang kanyang kayang gawin. Ang Bridgette na noon ay tila walang kamuwang-muwang sa pag-ibig para sa isang lalaki, ngunit ngayo'y labis na ang pagtibok ng puso dahil sa nararamdaman nito at kahit kamatayan pa ang sumubok ay hindi ito titigil sa pagtibok.

Maaaring isang panaginip lamang ito na kayang pigilan sa pamamagitan ng paggising. O isa ring malakas na kidlat na nanggagaling sa kalangitan na mawawala rin dulot ng isang malakas na bagyo at pagkatapos ay sisikat ang araw na magiging maaliwalas na muli ang buong kapaligiran. O marahil isang malalim na bangin na kung saan ay hindi ka matatakot na mahulog dahil alam mong sa pinakailalim nito'y may isang napakalambot na kamang sasalo sa'yo.

Tahimik na ang gabi at hindi pa din natutulog si Bridgette dahil sa nangyaring diskusyon sa kanila ni Benedict nung araw nang malaman niya ang dahilan ng pagkakabawi ni Benedict sakanilang pagpapalitan ng deal.

"Teka.. Binabawi mo?" nagtatakang tanong ni Bridgette pagkatapos sabihin ni Benedict ang pagbawi nito sa deal nila. Bago pa man tumango si Benedict bilang tugon, mahinahong nagtanong muli si Bridgette, "Dahil ba panalo ka na? Dahil ba kayo na ni Alice?" Hindi agad nakasagot si Benedict.

At dahil naging mabigat na ang galit na kanina pang tinatago ni Bridgette, ay nilabas na lamang niya ito, "Ano magsalita ka! Sagutin mo ko!" habang tinulak ang kausap na naging sanhi ng pagkaatras nito nang napakalakas. Hindi ganun kalakas si Bridgette ngunit talagang mahina lang si Benedict dulot ng sobrang kalungkutan. "Kung inaakala mong wala lang sakin to tulad noon na kahit lagi mo kong dinadaya sa paglalaro.. Pwes ngayon ibahin mo to Ben! This has something to be different. Hindi ito Truth or Dare na kapag sinabi kong Truth, ibig sabihin totoo na agad. At kapag sinabi kong Dare ay gagawin ko na agad.."

Tahimik lang ang buong paligid at tanging pag-iyak lang ni Bridgette ang namayani. Para siyang isang batang dinaya sa paglalaro ng taya-tayaan. Lagi syang taya sa laro. Siya na mismong anak ay hindi magawang mabuong muli ang pagmamahalan ng kanyang magulang ngunit sa ibang tao'y nagagawa niya. Kaya nga, "Napakadaya...napakadaya..ang daya-daya...bakit ang daya-daya..lagi nalang akong nadadaya..." yun lang ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ni Bridgette habang patuloy lang sa pag-iyak.

Dahan-dahang lumapit si Benedict sa bestfriend at sinusubukang abutin ang katawang nangagailangan ng pagpapagaan ng loob mula sa isang KAIBIGAN. Akmang mahahawakan na niya ang braso ni Bridgette nang lumayo ito bigla at nagpunas ng mga luha. "Lahat naman kayo madaya, hindi ba? Ha-ha sino ba namang hindi mandadaya para lang manalo? Ay teka, ako pala yung nag-iisang tanga sa mundong nagpaparaya.. Yung taong hindi kailangang manalo kundi para lang malibang." derecho lamang ang tingin niya sa kausap samantalang si Benedict ay nakayuko lang at humahanap ng tiyempo para sabihin ang mga salitang makakapagpabago sa lahat.

"Mali ka ng inaakala, Best. Hindi kita dinaya." Sa wakas ay nakapagsalita din si Benedict. Sa pagkakataong ito, nakaharap na sila at derecho ang tingin nila sa isa't isa. "I just..I just had to do this kasi.." bumuntung hininga muna siya bago ipagpatuloy ang susunod. "ayokong maging kayo ni Joshua.." paliwanag pa nito habang si Bridgette ay natulala sa narinig.

"Nagpapatawa ka ba? Sino bang humamon sakin sa deal na to? Hndi ba ikaw Ben? Binawi mo lang nman ksi kayo na ni Alice. Bakit ba hindi mo na lang ako derechuhin!" naiinis na sabi ni Bridgette at biglang tumalikod. "

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon