Chap. 15 - Papa, Bakit?

20 0 0
                                    

CHAPTER 15 - PAPA, BAKIT?

"Alam mong hindi natin gusto ang nangyari sa atin noon, Bernadette. Si Bridgette ay isa lang pagkakamali!" sigaw sakanya ng kanyang asawa habang siya nama'y lumuluha't nakaluhod, nagmamakaawa.

"Parang awa mo na, Luis. W-wag mo kaming iwan ng anak mo. Batang-bata pa si Bridgette para mawalan ng isang ama. K-kailangan ka niya sa tabi niya.  P-please..." hindi pa din tumigil si Bernadette sa pagmamakaawa sa asawa para lang hindi ito umalis.

"May anak kami ni Shionie." sagot ni Luis na ikinabigla ni Bernadette.  "Hindi ko sila pwede nalang talikuran sa London. Sila ang una kong pamilya. Alam mo yan, Bernadette." mahinahon na pagpapatuloy pa nito.

Dalawang taon pa lamang noon si Bridgette nang tuluyan na silang iwan ni Luis. Nangako naman si Luis na magpapadala ito ng pera para sa pangangailangan ng mag-ina bilang suporta nito.

Lumipas ang ilan pang nagdaang taon, lumalaki na si Bridgette at hindi maiwasang magtanong ito sakanyang ina kung nasaan ang kanyang ama ngunit iisa lang lagi ang sinasagot nito sa kanyang anak,  "May sakit kasi ang Papa mo, nak. Kailangan niyang magpagaling ng ilang taon sa Amerika. Babalik din siya rito sooner or later. I assure you that."

Nabalitaan ni Bernadette na umuwi si Luis sa bahay ng magulang nito sa probinsya. Close kasi sila ng pinsan ni Luis na si Sharon, in fact siya ang tagapagbalita nito ukol sa kanyang asawa. Based on her resources, umuwi si Luis kasama ang lalaking anak nito na halos dalawang taon lang ang tanda kay Bridgette. Wala namang nabanggit na dadalaw ito kila Bernadette ngunit nagdaan ang ilang araw nang magulat si Bernadette sa pagdating ni Luis sa kanilang bahay.

"Bernadette, I am sorry. I'm s-sorry.. Patawarin mo'ko.." nakaluhod na pagsusumamo nito sa harapan ni Bernadette. Napaluha na din si Bernadette at niyakap ang asawa. Madali lang naman magpatawad si Bernadette lalong lalo na kay Luis dahil sobra niya itong mahal kahit pa hamak na kabit lamang ito.

"Iiwan ko muna sayo si Austin, hahanapin ko si Shionie at pagbalik ko magpapakasal tayo. Mahal kita, Bernadette."

Hindi maipinta ang muka ni Bernadette dahil sa sinabi ni Luis. Masaya siya dahil finally nasabi ni Luis na mahal siya nito at magpapakasal pa sila. Ngunit meron din namang lungkot sa kanyang mga mata dahil nabanggit nitong hahanapin nito si Shionie, na kanyang totoong asawa at nag-aalangan siyang umalis ito dahil baka marealize ni Luis na kainin nalang ang kanyang mga sinabi at pagtabuyan siya nito.

"Bye, Papa!" paalam ni Bridgette sakanyang ama bago ito umalis papuntang London. Laking saya noon ni Bridgette dahil nakita nito ang kanyang ama at nagkatotoo din ang kanyang inaasam-asam na pangyayaring makita ang kanyang ama at makasama ito kahit sa maikling panahon lamang.

Samantalang si Austin naman ay umaastang prinsipe ng bahay dahil lumaki talaga itong mayaman nung nasa London pa ito kasama ang mga magulang. Tanggap naman ni Bridgette na may kapatid ito sa ibang asawa ng kanyang ama samantalang si Austin ay hindi matanggap ang bagay na iyon.

Laging nag-aaway ang magkapatid dahil lamang sa maliliit na bagay lamang tulad nalang sa panonood ng TV, nag-aagawan sila sa remote. Ganun din sa pagkain, nag-aagawan sila sa natitirang ulam na nakahain sa lamesa. Sa paglalaro naman, kung nasaan si Austin, nandun din nakabuntot si Bridgette at ayaw niya iyon. Gusto lang sana ni Bridgette na may makalaro kaso aloof lang talaga itong si Austin.

His Bridgette (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon