bullet 1 - hellhole

13.2K 259 53
                                    

If I would have to choose...

Blood is better than tears

... if I would have to choose.

+++

Bullet one

Labing-anim na gulang pa lang ako ay nagmamay-ari na ako ng magarang sasakyan, tirahan, at… well, pangalan. I had everything in life but you know what? I wasn't happy.

The thing was, ako ang nag-iisang anak ng may-ari ng pinaka-malaking Pharmaceutical Company (Fronda Drugs Incorporated) sa buong mundo. The money of this company accrues as I speak. That isn't an exaggeration, totoong sa bawat galaw ng kamay ng orasan lumulobo ang pera ng FDI. Why wouldn't it, kung itong kumpanyang ito ang nakadiskubre ng Chemotheraphy?

You may be imagining that I was sitting in a duchess' chair with a crown over my head. No, I was not. Sa isang wooden armchair sa loob ng isang classroom ako nakaupo, kasama ang mga kagaya kong freshmen. Hinihintay namin ang aming magiging guro para sa pinaka-una naming asignatura sa unang araw ng kolehiyo.

"Wala pa naka-upo doon, oh," narinig kong bulong ng isang babae sa kanyang kasama habang nakatingin sa bakanteng upuan sa aking tabi.

Humakbang silang dalawa patungo sa kinauupuan ko.

"Sa iba na lang pala," wika niya nang magtama ang mga mata namin. I sighed.

It was not a good feeling seeing two vacant chairs beside yours. Ganito ang parating eksena kapag unang araw ng klase mula noong unang beses ako umupo sa loob ng silid-aralan, laging bakante ang dalawang upuan sa aking tabi. The worst case pati sa aking harap at likuran ay bakante kung minsan. Seriously? Hindi iyon magandang maranasan.

Akala ko magbabago ang eksena kapag kolehiyo na ako dahil sa hindi exclusive university ako nag-enrol, hindi pala. Ganoon parin, I was still the outcast. Tiyak naman hindi ako overdressed para ka-ilangan nila. Naka-plain white V-neck shirt, black skinny jeans at doll shoes lang naman ako. I tried to blend in and I was not doing well. They knew I am Venice Fronda, the heiress of FDI. I even defied my parents para makapasok sa isang normal na school primarily to gain friends. I guessed I set my hopes too high.

This might seem stupid pero kung pwede lang pumili ng magiging buhay bago lumabas sa mundong ito ibang buhay ang pipiliin ko. And I would have chosen a normal life. Mas pipiliin ko ang bumaba mula sa taxi at salubungin ako ng mga magulang ko ng yakap bago pumasok sa maliit na tirahan. Ipagpapalit ko ang aking Lamborghini at mamahaling condominium para sa isang araw na buhay na ganoon.

My musing stopped when the school bell rang, a buzzing sound. Time na but the professor was not yet in the room.

Suddenly, dalawang lalaki ang pumasok na magkasunod sa pintuan at napatingin lahat sa kanilang dalawa. Ako lang ba o talagang nakakaagaw ng atensyon ang lakad at tindig nila? They walked like they owned the room.

The first who entered was wearing a black jacket and a bonnet. He was, uhm, big to be sixteen-considering fifteen to seventeen ang normal age range ng mga freshmen kagaya ko. Kahit pa naka-jacket siya makikita na may matipunong hubog ang katawan niya. The other one was wearing a gray shirt and was chewing a gum. He was slimmer than the bonnet-man but the way his shirt fitted him gave a clue that his favorite pastime was gym.

They scanned the room noong nasa harap na sila, maybe looking for a vacant seat. Sa likuran ako naka-upo kaya kitang-kita ko na itong dalawang upuan na lang sa aking tabi ang bakante. Kitang-kita ko rin kung paano pinapanood ng mga babae ang dalawa. Pfft. Girls were really into badboys and that was a phenomenon Science could not enlighten.

The bonnet-man looked at the chair in my left and I met the eyes of the chewing gum guy. Chewing gum-guy walked towards the chair beside me, not holding off of my eyes.

"May nakaupo na ba rito?" narinig kong tanong ni bonnet-man, I turned to him and thus breaking my eye contact with the chewing gum guy. Umiling ako. He smiled a little at umupo na sa kaliwang upuan. The chewing gum guy sat back without asking kung may naka-upo na sa kanang bakanteng upuan.

My wish to have a seatmate was granted pero hindi ko naman hiniling na lalake ang makatabi ko. I was hoping for girls, iyong pwedeng maging bestfriends... But I settled for less, kaysa wala. Kaso, some of the girls started shooting me eye daggers. I gained two seatmates and in return half of the feminine specie in the room wanted to oust me.

Dumating ang professor namin at nalipat ang atensyon sa harap. He cleared his throat first before speaking. "Good morning freshmen. Welcome to Brent University," wika niya. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa lamesa sa harapan niya. "Your subject with me is Business Admin 101-basics. And..." he trailed off. "Welcome to Hell."

Katahimikan lang ang naging reaksyon ng buong klase. Masasabi kong mabisang panakot ang sinabi niya. I instantly disliked his ego. Hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangan manakot.

Then an ear piercing sound broke the silence in the room. Panes of glass shattered. Lahat napatinging sa nabasag na salamin ng bintana na katabi ng professor namin. He was about to stride away from it...

Bang.

Napatalon ako patayo dahil sa gulat. Naghiyawan ang mga kaklase ko nang bumagsak sa sahig ang professor namin. Nagkagulo. Ang iba nagsitayuan at hindi alam kung lalapitan ba nila siya o hindi. Ang iba naman ay yumuko at nagtago sa ilalim ng mga mesa. I was in shock that I couldn't even move. I watched action films a lot pero iba na ang pakiramdam kung nasa eksena ka na rin. Sigurado akong nanggaling sa labas ang putok ng baril. I saw it! It came from the broken window! Nakikita ko ang pamimilipit ng professor namin sa nagdurugong braso niya.

Three loud gunshots came next. Umiigkas ako sa bawat putok ng baril. Kitang-kita ko ang pagsabog ng ulo niya kasabay ng tatlong putok na iyon. I was beyond fear. Yumuko narin ako sa sahig at napagtanto kong naluha na ako sa takot.

And then I saw a gun on the floor.

+++

Trigger and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon