HDDL 21 - His Eyes and Lips

173K 1.8K 129
                                    

A/N:

Sorry nalate ang UD... Busy po sa thesis namin this past month eh... ^___^

Namiss ko 'to... Super... Dapat kahapon pa 'to kaso nagbrown-out eh kaya ngayon ko lang napost... ^___^V

I'll answer the messages kapag nakapagcomp ako... ^___^

Chapter 21

>>>Exer's POV

Bahagya ko lang napansin ang bulalas ng mga kaibigan ni Cleo. All my attention was caught by the most enchanting and most beautiful woman I've ever seen. Halatang hindi sya sanay sa suot nya pero hindi yun nakabawas sa ganda nya.

"Panong naging kayo ang ka-date ng dalawang 'to?"tanong ni Jill pero nanatili lang akong nakatitig kay Cleo. She never fails to amaze and captivate me. That night on Tyler's stag party, she looks like a temptress. But now, she looks like a goddess, an innocent goddess. Who would have thought that a woman in front of me is the same woman who's with me that fateful night?

Nakatitig lang din sya sa kin pero halata ung pamumula nya na. I found her blushing face cute.

Naputol lang ung pagtititigan namin na ikinadismaya ko nang humarangan sa pagitan nami si Jill. Nakapameywang pa ito sa harap namin ni Blake.

"We invited them,"sabay na sagot namin ni Blake.

Kanina, nagulat pa ko nang sabay kaming dumating ni Blake sa salon ni Jewel. Dun ko nalaman na kadate pala nya para sa party si Sapphire. It never occurred to me that they're a couple. Sapphire is a beauty but she's far from Blake's type of women. Blake prefers sophisticated women, a model type. Sapphire is somewhat on the boyish side. I think she doesn't even care what she would look like. Idagdag pa ang mga pag-aaway ng mga ito.

Nawala sa harap namin si Jill dahil muli itong umikot kina Sapphire at Cleo. Pagkatapos bumulong ito kay Cleo na lalong ikinapula ng mukha ng dalawa.

Nakakaaliw pagmasdan si Cleo. Her every reaction and every emotions that I can see in her beautiful face somehow affect me and I don't even know why and how.

>>>Cleo's POV

"Can't take your eyes off with your date?"nakangising bulong sa kin ni Jill sabay talikod.

Ang kaninang namumula kong mukha ay lalong namula sa tingin. Guilty kasi ako. Kanina pagkakita ko pa lang sa kay Exer, para na kong hihimatayin sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. He's wearing a light-blue long sleeves na bukas ung unang dalawang butones sa taas. It made him look so incredibly hot. May nakasampay na coat sa balikat nya.

Unang tumayo si Harry. Dun ko lang talaga sya tuluyang napansin. Napakagwapo rin nyang tignan sa tuxedo nyang suot. He looks like a prince. Pero wala akong makaramdamang kabog ng dibdib tulad nung naramdaman ko kay Exer. Bakit kaya?

Naglakad sya papunta sa min ni Sapphire. Magkatabi lang kasi kami ni Sapphire. Sa kin sya nakatingin habang papalapit sya.

Huminto sya sa harap sabay sabing,"You're stunning, Ginny,"masuyo nyang sabi.

Simpleng 'salamat' sabay tungo lang ung nagawa ko. Naiilang kasi ako.

Pagkatapos, inilahad nya ung kamay kay Sapphire.

"Hi, amazon princess. Looking so hot?"nakangising tanong ni Harry. Napalo tuloy ni Sapphire nang wala sa oras ung kamay ni Harry na nakalahad na ikasinghap naman ni Harry.

"Perv,"bulong ni Sapphire. Tumawa lang si Harry.

"IRE!" Sabay na bulalas nina Jill at Candice para sawayin.

"Cleo, can I take my date now?"salubong ang kilay na sabi sa kin ng nasa gilid ko na si Exer pala. Hindi ko sya napansin na nasa tabi ko na pala. Natutuwa kasi akong panoorin sina Harry at Sapphire eh.

Nagtaka pa ko kung bakit salubong ang kilay nya. Ano kaya nangyari dito? Hindi naman 'to ganito kanina eh.

Kahit nag-aalinlangan, sumagot na lang ako. "Let's go,"

***

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa daan. The silence made me feel so awkward. Nagtangka akong magbukas ng usapan pero ang tipid nyang magsalita kaya sumuko na lang ako at nanahimik.

Kami lang nasa kotse nya. Sina Jill at Candice kasi, may sumundo sa kanilang driver. At syempre si Sapphire, kasama ni Harry

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga dinadaanan namin. Pero sa totoo lang, nag-iisip din ako kung bakit nag-iba ang mood ni Exer. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Pero hindi ba sabi naman nila, mga babae daw ang masyadong moody?

Dahil nga malalim ang iniisip ko, hindi ko namalayang tumigil na pala ung kotse ni Exer sa tapat ng isang mansyon.

Akmang bababa na ko nang pigilan ako ni Exer sa braso. "Wait,"

Napamaang ako sa kanya hindi dahil sa expresyon ng mukha nya kundi sa hawak nya. I can feel bolt of electricity coming from his hand.

"B-Bakit?"

He sighed before answering my question,"Sorry, kitten,"

"B-Bakit?"

"For acting strangely tonight,"simpleng sagot nya. Wala na ung salubong na kilay nya pero kita ang pamumula ng mukha nya.

"B-Bakit?"

Natawa sya nang marahan. "Don't you have anything to say other than 'Bakit?"

"Huh?"naguguluhan kong tanong.

"Great. Now, huh? You're really something, kitten,"sabi nya sabay pisil sa ilong ko. Pagkatapos, bumaba sya ng kotse.

Dun ko lang narealize ung mga sagot ko sa kanya. Nag-init ang buong mukha ko dahil mukha pala akong sirang plaka kanina kaka-bakit. Kasi naman, sya may kasalanan eh. Nawindang kasi ako sa hawak nya.

Lumigid sya sa tabi ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Dahil hindi ako sanay sa matatakas na takong, natapilok ako. Muntik na ko matumba kung hindi lang naging maagap si Exer na saluhin ako. Hinapit nya ko sa bewang ko. Ako naman, napakapit sa dibdib nya.

"Careful,"bulong nya.

Tumingala ako. Doon lang ako naging aware kung gano kami kalapit sa isa't isa lalo na ung mukha namin. Parang ilang pulgada lang ang layo ng mga labi namin. It's a very intimate position. Napakagat ako ng labi nang wala sa sarili. Pagkatapos, nakita ko syang napalunok habang nakatingin sa labi ko. Para ding nanghihina ang tuhod. Mabuti na lang, hawak nya ko kaya hindi ako tuluyang natutumba.

Hindi ko rin alam kung san titingin, sa mata ba nyang mapanghalina o sa labi nyang nakakaakit? Para pang tinatambol ung dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nun. Para ring nawalan kami ng pakialam sa paligid namin. The music and the people from the house were gone. All that were left is him, me and the magic around us that very moment.

Itinaas nya ung isa nyang kamay at humaplos sa pisngi ko.

"You're so beautiful,"anas nya habang nakasapo ung isang kamay sa pisngi ko.

Pagkatapos, unti-unting bumaba ung ulo nya habang ako naman ay napapikit.

"KEN! CLEO!"

Naputol ang mahika na nakapalibot sa min dahil sa sigaw na un. Sabay kaming humiwalay sa isa't isa. Pero hindi ako hinayaang tuluyang makawala ni Exer. Hinapit lang nya ko sa bewang. Para siguro alalayan ako.

Napalingon kami sa pinanggalingan ng sigaw.

Jewel was standing there, few feet away from us and as usual, she looks like a real model ready for the catwalk.

Dapat ba kong manghinayang dahil hindi natuloy ang nangyari o dapat matuwa pa ko at hindi iyon nangyari?

A/N:

Kayo? Sa tingin nyo? Nakakatuwa o nakakapanghinayang? XD

>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon