Chaptere 19: Roadtrip

619 6 0
                                    

Naalimpungatan ako sa tunog. ‘Yung cellphone, may tumatawag. Akala ko kasali pa rin sa panaginip ko ‘yung tunog. Naibalik tuloy ako sa reyalidad. Sayang, ganda pa naman ng panaginip ko. May napulot daw akong pera, P15,000.00 na nakalabalumbon sa isang itim na tela, tapos nilagay ko agad sa bulsa. Kaya eto, kinapa-kapa ang bulsa, baka magkatotoo.

 

                At sino namang alagad ng tiyanak ang pagkaaga-agang bwisit na, istorbo pa?  Asar-talo pa naman ako sa mga taong umiistorbo sa tulog. Sarap itali at ihagis sa bulkan. Isa pa naman sa ayaw ko sa buhay ang maistorbo sa mahimlay na tulog. Lalo pa na alam kong wala akong pasok kinabukasan at inaasahan kong matiwasay akong matutulog hanggang sinlaki na ng bigas ang muta ko.

                Nakakunot ang noo at malabo-labo pa ang paningin ng basahin ang caller id. Si Ate Precy. Ano naman ang kelangan nito?

                “Hello ate?” medyo paos ang boses ko, di pa maganda ang simoy.

                “Hey, good morning! Magbihis ka. Roadtrip tayo kaya magdala ka ng damit. Susunduin ka namin diyan after 30 minutes. Wait lang namin si Diego, pero on the way na rin daw siya.” Sunod-sunod na salita. Malakas ang boses at parang nagmamadali. Parang palengke ang background sounds sa dami ng nagsasalita at ingay ng mga sasakyan.

                “Gala? Anong gala? Sino may sabi? Saan naman? Tsaka ang aga pa a!” sunod-sunod kong tanong sabay tingin sa orasan: 5:50 am.

                “Wag na masyado matanong okey? Basta darating kami diyan after 30 minutes. Bilisan mo kumilos para di tayo gabihin. Bye!” at dali-daling binaba ang telepono.

                Anak ng muta naman o! 30 minutes? Super demanding naman ata. Ni hindi ko pa nga alam kung gising na diwa ko! Baka pwede hanapin ko muna saglit ang sarili ko para makapagkape man lang?

                Eto ang minsan ayaw ko sa tropang ‘to. Basta maisipan gumala, larga. Wala ng plano-plano. Kung magpaplano man sila, mas madalas na hindi ko alam o hindi ako kasali. Para daw hindi na ko makapalag. Paano nga naman, lagi akong tumatanggi lalo pa kung sobrang alanganin ang plano. Kaya napagkasunduan nila na gumawa na lang ng lakad na siguradong hindi ako makakapalag. Yung paniguradong wala na kong magagawa kun’di umoo, sa ayaw at gusto ko.

                Paano naman ako papayag sa trip nila kung alam ko namang gastos at pagod lang ang aabutin ko? Mas pipiliin ko na lang manahimik sa bahay at gumawa ng muta kesa sumakit ang bulsa ko ng wala sa oras. Hindi ako kuripot, nagtitipid lang. Wala din akong pinagiipunan kung ano man. Basta, hindi ako basta-basta gumagastos kung alam ko namang gastos lang ang mangyayari na sa huli e kakamot din ako ng ulo sa panghihinayang.

                Kaya eto, chinese get-up naman ako ngayon. Kung makautos naman kasi ang bruha, pakiramdam niya suot niya ‘yung singsing sa “The Lord of the Rings”. Wala ng muni-muni. Wala ng oras para gumamit ng natatagong common sense. Kelangan ko ng kumilos na para kaming nasunugan. Pagkakuha ng tuwalya at kapalit na salawal, diretso agad sa kubeta. Binuksan ang gripo, upo sa trono, habang nagtu-toothbrush. Multi-tasking.

                Parang ang layo naman ata ng pupuntahan? Ang aga-aga pa. Bakit kelangang magdala pa ng damit? Paniguradong hindi naman kami gugulong-gulong sa kalsada para lang maging exciting ang gala. Malamang na tinubuan na naman sila ng pigsa sa pwet kaya nakabuo na naman sila ng plano na paniguradong ako lang ang hindi makakapalag. At lagi akong kabado sa salitang ‘roadtrip’. Kung hindi man maghapon ang gala, kinabukasan na ang uwian. Kaya paniguradong absent ako kinabukasan kung sakaling natapat ng weekdays ang galaan.

Ang Babae sa Kabilang PintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon