Chapter 17: Ang sarap ng Kape at ang Wrong Move

641 4 0
                                    

Ayaw ko sa kinauupuan ko ngayon. Hindi ako mapakali at hindi rin komportable kumilos. Kung bakit naman kasi kelangang dito pa pumwesto para lang magkape at makipagkwentuhan. Pareho naman kaming hindi konsehal o negosyante.

           

            ‘Nak ng tokwa, hindi ako bagay dito!

           

            Ang dami namang pwedeng pag-inuman ng kape, dito pa! E ni minsan, hindi ako napapadpad sa gantong klaseng sosyal na kapehan kahit mahal na mahal ko ang amoy at lasa ng kape. Tsaka bukod sa mahal, parang hindi ko naman kauri ang mga taong ginagawang tambayan ang coffee shop.

           

            Pare-pareho lang namang kape ang iniinom, naging maarte at pinasosyal lang ang mga flavor para lang maiba. ‘Yung tipo ng kape na nakakabuhol ng dila ‘yung pronunciation at spelling. ‘Di gaya ng mga instant, mainit na tubig lang ang katapat.

           

            ‘Yung iba ngang nakikita ko, kun’di nakayuko sa notebook o laptop, nagpapahinga lang para magubos ng oras. Tapos ‘yung iba naman, parang kanina pa iniinom ‘yung kape. Pinapatagal para sulit. Siguro sobrang init ng kape nila kaya hindi nila agad maubos-ubos?

           

            “Are you ok?”

           

            “Oo…siguro.” Tugon ko habang kunot ang noon a nakatingin sa mga nakasulat sa pader. Daming flavor. Ewan kung alin ang masarap at alin ang hindi magloloko ang sikmura.

           

            “Ano gusto mo?”

           

            Nakatingin pa rin sa pader. Hindi naaalis ang kunot-noo. Hindi ko mahanap ang salitang magkakasundo kami ng meaning.

           

            “Hindi ko alam...bahala ka na.”

           

            “Geez…fine. Sige umupo ka na.”

           

            Inabot ko ‘yung pera, pero hindi niya kinukuha. Patay-malisya.

           

            Bahala ka na nga.

           

            Minabuti ko na lang humanap ng pwesto. Lingon-lingon sa lahat ng direksyon. Mabuti at may magandang pwesto na malapit sa bintana. May view kahit papano.

           

            Ano naman kaya ang napapala ng mga tambay dito?

           

            Sabagay, bukod sa maganda ang lugar, malamig, may libreng wi-fi pa. Kaya ‘yung presyo ng mga kape, para ka na ring nag-check in sa motel ng 3 tatlong oras. At sa laki ng baso, malamang sa malamang na tamarin ka ng kumain. Umay ang aabutin pag nagkataon, gising pa ang diwa ng ilang oras.

           

            Okey din naman ang nakaisip ng ganitong gimik. Nga naman, hindi lang naman sa umaga nae-enjoy ang kape. Kahit anong oras, pwede lalo na sa mga nagaadik sa kape. Siguro naisip niyang gawan ng tambayan ang mga coffee lovers para magkaron ng kakaibang estado ng buhay kahit pansamantala. At para na rin siguro sa mga taong walang oras magpakulo ng tubig. Lalo na ‘yung mga taong laging nagmamadali.

Ang Babae sa Kabilang PintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon