Chapter 15: LQ at biglang sulpot ni Hannah

664 4 0
                                    

Kung gaano katagal ako nakapila kanina na halos madagdagan ang height ko dahil sa kalyo, ganun kabilis ko naman sinentensyahan ang kanina ko pang tinititigang pagkain sa counter na may pangakong sulit at garantisadong uuwing bondat. Inakala nga ng kahera kanina na pang-dalawang tao ang order ko. Ang hindi niya alam, pang-dalawang sikmura ang kinakain ko.

            Hindi naman sana ako oorder ng marami kung hindi lang talaga malupit ang inabot kong gutom kanina sa nakakapanis na laway na pila. Si ateng mataray na gumawa ng eksena kanina na parang may shooting ng telenobela, inabot na ng siyam-siyam kakaangal at kakareklamo. Ang ending, nilantakan din naman niya ang mga nireklamong pagkain. Nakita ko pang masayang-masaya siyang kumakain kasama ng mga kapwa niya…mataray. Kala ko nga nagdasal muna bago kumain. ‘Yun pala, pininktyuran muna ‘yung inorder. Baka bagong primary photo o kaya cover photo.

            Tapos na ko kumain, at puno na naman ang bahay-imbakan ko sa tiyan. Solve. Parang dinumog ng daga at langgam ang plato ko, malinis. Gusto ko na sanang tumayo at maglakad-lakd pero hindi ko magawa dahil sa isang interesanteng eksena: may nagaaway na mag-jowa sa tapat ko. Siguro isang cartwheel lang ang layo sa’ken. Kanina pa nila halos hindi magalaw ang inorder nila kakadebate at palitan ng bad words. Naguusap sila na parang nagbubulangan na medyo nagsisigawan:

            “Wrong send?! Paano naging wrong send?! Sige nga?! Tinawag kang ‘babes’ ng ex mo, tapos ngayon sasabihin mong wrong send?! Sinong ginagago mo?!” galit na galit si babae habang winawasiwas nito ang mamahaling cellphone sa kanang kamay at tinidor sa kaliwa.

            “Eh sa hindi ko nga alam kung bakit niya ko tinext eh! Paulit-ulit na ko ah!” depensa ni lalake.

            ‘Yung ibang nakakarinig, napapalingon na lang. May mga matang curious at may mga noong napapakunot. Meron ding napapangiti na lang at napapailing. Medyo nakakaagaw na nga ng atensyon. Kaya yung atensyon ko sa pagkain, medyo nahati. Nakakain na ko, may live streaming pa ng love story sa harap ko.

            “Shit ka! Magte-text ba sa’yo ng ‘babes’ ang malanding ‘to kung hindi mo ine-entertain ang mga text niya?!”

            “Kulit mo ah! Sinabi ng hindi ko nga pinapansin ang text niya! Lagi mo na ngang tsini-check ‘yang putang inang cellphone na ‘yan, naghihinala ka pa rin?!”

            “Aba malay ko! Malay ko kung sikreto mo siyang tinetext!” nanlalaki ang dalawang mata. ‘Yung butas ng ilong, nanlalaki din. Konti na lang, masisilip na ‘yung utak niya.

            “Ngayon naman magbibintang ka?! Sige! Ano?! Gusto mo ng away?! Gagawa ka ng iskandalo dito?! Ba’t hindi mo lakasan ang boses mo para marinig ka ng lahat. Punyeta!” padabog na sagot ni lalake. Lumalamig na ang kaninang mainit na order. Palingon-lingon naman ang babae sa kung saan. Pati ‘yung ilang service crew, nakiusyoso na rin.

            “Ba’t hindi mo na lang kasi aminin na naglalandian pa rin kayo ng ex mo?! Totoo ‘di ba?! Aminin mo!”

            “Anong aaminin ko? Eh sa wala naman talaga! ‘Tangina paulit-ulit na ‘tong away na ‘to ah Nakakasawa na!”

Ang Babae sa Kabilang PintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon