Chapter 7: Spaghetti sa panaginip

630 10 0
                                    

As usual, ang katagang “sandali lang tayo mag-iinom” ay katumbas ng “hindi tayo aabutan ng araw, promise!”. Alas 4:17 na ng madaling-araw, ngayon pa lang ako nakauwi. Buti na lang talaga at may tsikot ang tropa, nakauwi din ng matiwasay kahit papano, ligtas pa sa pamasahe. At ang huling eksena? Sandal-batok sa upuan at maaliwalas na hilik ang buong tropa, pwera kay Precy na pinipilit magmaneho ng maayos at nanghihiram ng lakas sa kung sino mang santo. Mabuti na lang at napigilang kumonsumo ng sobrang alak, dahil malamang tig-iisang kwarto kami sa ospital, 2-3 araw naka-check in.

            Saglit na hininto sa tapat ng apartment ang sasakyan. Kay Precy na lang sana ako magpapaalam, tutal nasa tono na ang hilik nila, pero halos sabay-sabay na rin silang naalimpungatan. Bumaba na rin ako. Wala na, lowbatt na rin katawan ko.

            “Thanks a lot guys, kahit zombie na naman ako mamaya.” Sabay beso at apir. “Ingat sa pagmamaneho, marami kang babayaran sa ospital, sige ka.” Kaway at ngiti na lang ang tugon niya. Kumaway pa muna sila bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

            Salamat at nakauwi din.

            Gaya ng inaasahan, naka-padlock ang main gate. Sandaling sinusian ang padlock, at nakapasok din. Naamoy ko pa sarili ko: hindi maganda. Tapos yung pakiramdam ko, hindi rin maganda. Inaantok na nagugutom na naglalagkit sa pawis. Tapos mamaya pagpasok sa trabaho, hindi rin maganda. Haay…buhay.

            Isa pang padlock sa second gate pataas, ilang baitang ng hagdan, tapos main door, tapos ilang hakbang ulit, kwarto na. Kalahating-ligo lang gagawin ko (shower sa mayayaman), mawala lang ang espiritu ng pawis sa katawan. Mahirap maligo ng malagkit, lalo na bandang singit. Amoy zonrox.

            Pero sandali akong napahinto.

            Bukas ang ilaw sa kwarto ni Hannah.

            Gising pa? Naisip ko. Sabagay, call center nga naman. Schedule na hindi maintindihan. Tapos ilang hakbang paakyat, akala ko guni-guni lang.

            Si Hannah! Anong meron at gising pa siya?

            Pero hindi ako nagpahalata na kunwang natuwa ako na makita siya. Dahan-dahan akong naglakad, hindi humihinga at pinipigilan ang sariling amoy na umabot sa baga niya, kunwang busy sa paghahanap ng susi sa pinto at nakayuko. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang suot niya. Tulad pa rin kanina, hindi ko maintindihang sando at very good na short. At kakaiba ang trip: kumakain pa ata ng ice cream. Cool!

            “Amoy alak ah?” mahina man ang boses pero umabot sa ear drum ko. Dinig na dinig.

            Ngumiti muna ako, “Sorry…”. Saka binagalan ang pagsusi ng doorknob. Kunwaring hindi magkasya ang susi. Hindi ko halos maaninag ang mukha niya, pero kitang-kita ko yung ngiti niya. Ang ganda talaga.

            “Sorry for what?” medyo lumakas ang volume ng boses. Patuloy pa din siya sa paglantak ng ice cream. Nakita ko pang dinilaan niya yung ilalim ng kutsara. Parang bata kumain. Kulang na lang lumagpas yung subo niya hanggang ilong.

            “Amoy alak eh. Medyo nakainom lang.” bumukas na yung pinto. Shit. Wrong timing.

            “Tsk…tsk…tsk…ano bang pinagkaiba ng nakainom sa lasing? Eh parehas lang naman amoy alak ang hininga?” natatawang napapailing siya habang busy sa paghahanap ng mani o anuman sa ice cream. “Want some?”

            Hinanap ko muna yung CCTV camera o hidden camera sa kung saan. Baka patibong. O sumobra ako sa alak. Nag-rewind ako saglit sa utak. INALOK AKO NG ICE CREAM.

Ang Babae sa Kabilang PintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon