Chapter 9: Tukso, iwas-iwas din pag may time

814 10 1
                                    

Feeling ko, close friend na kami. Yung halos isang oras naming paguusap, parang isang buwan ko na rin siyang naka-ututang dila. Kahit halos isang porsiyento pa lang ng buhay niya ang alam ko, okey lang. Sapat na yun para masabi ko na ring “friend ko siya” at hindi na lang basta-basta katabing-pintuan. Pero hindi ako dapat magpahalata na interesado sa kanya. Baka ma-turn off. O baka bukas lumipat na ng tirahan.

      Kakaiba nga agad yung tanong, lovelife agad. Ni hindi man lang muna nag-intro kung ano paborito kong pagkain, kulay, palabas sa TV, pelikula o kung naniniwala man lang ako sa kulam. Yung delikadong tanong agad ang binato sa’ken.

      Ano naman sa kanya kung ano man ang status ko ngayon? Kung may nililigawan man ako o wala, ano naman?

      “Anong oras na kaya?” tanong ko sa sarili. Nagsisimula na kasing sumilip ang liwanag ng araw. Tunaw na rin ang ice cream.

      “Ba’t ba panay ang bantay mo sa oras? Bampira ka ba kaya dapat iwasan mo ang sinag ng araw?” hanep. Ngayon naman, napagkamalan akong uhaw sa dugo. Pero kung magboboluntaryo siya para maging biktima ko, bakit hindi?

      “Di ba nga, may pasok ako ng alas dos mamaya? Paulit-ulit?” hindi ako pinansin. Pumasok sa loob, pero lumabas din agad. May sinilip lang siguro.

      “5:25 na pala. Di ko na rin napansin oras. Well anyway…go ahead. Pwede na matulog. Alam ko naman na nakainom ka, tipsy or whatever.” Yun lang. Matutulog na ata siya. Tsk tsk…di pa ako nakakapagtanong. Gusto ko ibalik yung binato niya kanina.

      “Tutulog ka na ba?” segway muna para di masyado halata.

      “Di pa naman. Actually 8 am pa tulog ko, tutal 7 pm pa naman pasok ko later. Pag ganitong oras kasi, kun’di man nakatitig sa TV, nakahiga lang hanggang makatulog.” Buti pa siya mahaba-haba pa ang oras para matulog. Musta naman sa’ken mamaya.

      “Hanggang anong oras naman pasok mo?” ok na rin, may matanong lang. Ako naman ang maglalabas ng bala.

      “Depende, but usually until 3 am lang. Kung ayaw ko pa umuwi, mga 4 or 5 am na. Lam mo na, medyo delikado maglakad ng ganung oras, so nage-extend na lang.”

      “Sabagay. Eh ba’t di ka na lang gumimik? Magpalipas ng oras sa bar? Balita ko yun ang social life ng mga call center” kainin pa rin ang ice cream na tunaw. Sayang.

      “I can’t, even if I want to. And hindi naman ako magimik. Hindi lahat ng iniisip niyo ‘bout sa anatomy naming mga call center agents eh pwede niyo i-apply.” Suplada. Nagtanong lang eh.

      “Ano pala palipas mo ng oras? O gimik?”

      “Wala. Ayoko, tsaka nakakatamad. Wala akong hilig sa mga malls, bars o maglakad-lakad para lang makakita ng mga bagay na pwede namang hindi ko makita.”.

      “Buti ‘di mo naisipin mag-suicide? Boring nun ah?” o baka nga nasubukan na rin niya?

      Tumingin siya sa’ken. Seryoso, parang yung nagi-interview sa trabaho, “Would you believe na nag-attempt ako mag-suicide?”

      “Oh? Bakit naman?” Wag mo na balakin ulit! Andito pa naman ako!

      “Nevermind…”

      Ewan, pero parang nawalan ako ng sasabihin o itatanong. Bigla kasi siyang sumeryoso. Parang parehas kinapos yung utak namin. Siguro nga inaantok na. Gusto ko ng humiga na parang ayaw ko rin.

      Ano nga kaya ang idahilan at naisipan niyang magpakamatay? Pera? Pamilya? Lalake? Showbiz? Politika? Eh daming ngang gusto ibenta ang kaluluwa nila sa demonyo maging maganda lang sila, tapos siya na halos hindi nauubos ang pila ng manliligaw, nakakaisip pa ng ganun?

Ang Babae sa Kabilang PintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon