GONE FOR A SPELL 13 -- Don't Cry

42 1 2
                                    

A/N: Sorry po sa late update. Comment naman po kung nagbabasa kayo, o! :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gone for a Spell 13: Don't Cry

[ZETA]

 

"Bobo ka Zeta! Nagpatumpik-tumpik ka pa!" pagalit sa akin ni Eule, nang hilung-hilo akong pumasok sa throne room.

"H-Hindi ko lang po napigilan ang sarili ko, p-patawad po, Panginoon ko," sagot ko, saka isinalya ang sarili sa trono ko. Iika-ikang lumakad si Gamma't napaupo sa isang gilid ng kwarto.

"Isang batang babae lang, nawalan ka na ng kontrol sa sarili? HAH! Zeta! Di ko inaasahan yan mula sa iyo!”

“H-Hindi na po mauulit, panginoon . . .”

Dapat lang! At isa pa, yung chimerang biglang sumulpot kanina . . .”

“P-Pamilyar po sa akin ang aura nya, hindi ko lang maalala kung kani—“

“Pwes alalahanin mo! Zeta, Zeta . . . Zeta!!! Di mo alam kung gaano kalaking balakid ang isang ganyan kalakas na bagay! Ayaw ko namang maantala ang pag-iipon ko ng lakas dahil sa kung ano man!”

“Opo, makakaasa kayo . . . gagawin ko.”

“At nailaglag nyo pa ang Mano de Justicia—MGA INUTIL TALAGA KAYO!”

“Patawad po, di na mauulit.”

Bwisit. Kanino ba ang chimerang yun?

Bwisit.

[TROY]

 

PREVIOUSLY on Kill-the-Handsome-Dude Reality Show: nahuli kami ni Gamma sa perya at ikinulong kami sa isang lumang warehouse. Unang beses kong nakadaupang palad namin si Zeta, at sa unang pagkikita naming yun nagpamalas na sya ng out-of-this-world na kawalangh’yaan. Pero sa kabutihang palad, isang monghe/magician/superhero ang nagligtas sa amin mula sa mga kamay ng Council. At sa kasamaang palad . . . DJARAAAAN!!! Kaaway rin pala namin sya!

Umiwas kami sa spell ng chimera, na dumiretso sa pader ng warehouse at pinasabog ito, at nag-iwan ng isang malaking butas rito.

“O-Oy! Time first! Time f-first! Wala kaming kasalanan! Kamir agrabyado rito repapips!” sigaw ko, pero mukhang di sya nakikinig. Sinugod lang nya si Tamra. Agad kong dinukot ang Maju—kahit medyo takot sa anumang pwedeng mangyari—at sumibad para sunggaban sya. Sa kabutihang palad naitumba ko sya, bago pa magmorph ang Maju sa isang . . . ehem, toilet plunger.

Ipinlunge ko ang plunger sa mukha nya—oo muntanga na kung muntanga, e sa wala na akong alam gawin e! Hinawi lang nya ako at tumayo lang sya, habang nakakapit pa rin sa mukha nya ang ginintuang pambomba ng inidoro. Agad nya itong tinanggal at ibinato pabalik sa akin.

Pero alam nyo ang weird nang nakita ko ang mukha nya? Wala. Kasi wala naman syang mukha, as in blangko. Yung ulo nya gawa sa makinis na kahoy, parang manikin na ewan. Creepy kung tutuusin, pero matagal-tagal na rin naman talagang di ako nakakita ng kahit anong hindi creepy.

Dumiretso sya kay Tamra, handang bumanat ng spell. Bumangon agad ako para bambuhin sya ng toilet plunger pero nauna na si Mang Kulas na silaban sya.

“Seville! Natio!” tumawag si Tamra, kahit papano e nabawi na ang composure nya. Sa isang iglap naging isang ulap ng itim na usok na parang ipo-ipong pumalupot sa chimera. Nagtakip ako ng tenga sa nakakangilong rebolusyon ng usok na para bang barenang umaandar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroWhere stories live. Discover now