GONE FOR A SPELL 9-- Jealous? DEFINITELY NOT.

36 2 1
                                    

Gone for A Spell 9: Jealous? DEFINITELY NOT.

[TAMRA]

 

Weirdly enough, naging tahimik ang sumunod na mga linggo. Well, oo, sa bagay gumamit ng ilang spells si Mang K para itago sa mga halimaw ang presence namin, pero sa desperasyon kaya ng Council at ng Zetang yun na mahuli kami, e di sya makagawa ng paraan para masakote kami? Either may life-changing event si Zeta na nagpabago ng outlook nya sa buhay at ginawa syang isang maka-Diyos at kapakipakinabang na myembro ng lipunan OR may plano syang binubuo. As much as I like the first possibility, the odds seem vastly in favor of the latter. Bad for us.

Pero maiba tayo.

Kahit sa sandaling panahon na kasama namin sila, masasabi kong endearing talaga sina Mang K at Jewel. Mabait sila sa ‘min ni Troy: masarap magluto si Jewel, habang si mang K naman e interesanteng kausap, gaano man sya kakorning magjoke (di tulad ng iba dyan na korni na nga. . . well. . . basta). Matalino sya, at di nauubusan ng intellectual topic na ibi-bring up. Mapa-politics, science, philosophy, nakaka-amaze marinig sya pag nagdidiscuss ng kung ano-ano. Minsan napag-usapan din namin itong Council at natutunan kong di pala sa Aguila ang headquarters nya kundi sa China pa, at isa pa, nalaman kong pag na-expel ka pala mula sa listahan ng opisyales ng Council, buburahin nila ang memorya mo tungkol sa lokasyon ng lahat ng headquarters ng organisasyon. Kaya walang kaalam-alam si Mang K kung saan naruruon ang HQ rito, much less yung isa pang paraan para makalabas ng Aguila na sabi ni Xi e hawak nila. Huli daw nyang naalala, nang umalis sila ni Sigma (na nalaman kong ang pangalan pala e Sofia di Avvotolio, isang Italianang lumaki sa Pinas), e ginamitan daw sila ng kung anong spell ni Zeta, at nang magising sila nasa isang eskinita na sila kung saan sa Beijing.

Pero speaking of Sigma? Sinabi ko sa kanya yung insidente kung saan dinalaw kami ng kung anong lamang-lupang kamukhang-kamukha ng asawa nya na naging pulbos matapos balaan si Troy ng kung ano tungkol sa pagseseryoso sa mga bagay-bagay, saka nag-iwan ng bakas na parang bubog, pero ngumiti lang si Mang K at nag-iba ng topic, kahit na napansin mukhang nagulat sya dun sa bubog part. Bakit kaya? Ano meron? Ang weird.

Sa stay namin sa kanila, naging para bang little sister ko si Jewel, na di naman napaka-subtle tungkol sa fact na crush na crush nya si Troy. Sabi pa nga nya, oras daw na maging magkaribal kami kay Troy, di sya mangingiming paulanan ako ng sandamukal na Goodbye Universe at sakalin gamit ang mga sinturon ni Hudas. Subukan nya, e di makalimutan kong magkaibigan kami’t itransform ko sya sa isang bloke ng parmesan cheese. Di naman sa talagang me balak akong makipagkompetensya kay Troy, no, baka ma-misinterpret nyo ‘ko, ha.

So bale, ayun nga, nagtitirintasan kami ng buhok, sabihan ng kung anu-anong girly things, kinekwentuhan ko sya tungkol sa mga magagandang sights na nakita ko in between mga pagtakas ko mula kay Zeta: Taj Mahal, Borobudur, Eiffel Tower, Colosseum, Macchu Picchu, Giza Pyramids at kung anu-ano pa. Sya naman kinekwentuhan ako tungkol sa mga kabarkada nya sa eskwelahan, mga dati nyang crush, pati yung sinusulat nyang fanfiction ng artistang si Ronan na ina-upload daw nya dun sa website na tinatawag nyang, ano, Wattpad? Dun nga daw sa kwento nya, si Ronan daw e isang cyborg na mapapaibig daw ng isang babaeng kalahating tikbalang, na ginaganapan daw ni Janette Lazaro--yun daw bang ka-loveteam ni Ronan sa Pinoy remake ng Kimi ni Todoke. Sabi ko parang walang sense yung plot nya kasi may eksena pang mamamatay si Ronan at mabubuhay muli sa ikatlong araw, pero sabi nya meron daw syang iilang readers na basta may malaking cult following yung taong gagawan ng fanfic, e sige lang. And for good measure pa nga, dinagdagan nya ng ilang lumalagablab na bed scenes para mas patok. Isipin nyo, 13 years old na bata, sumusulat ng bed scenes ng isang kalahating makina at isang kalahating kamag-anak ni Fanny D. San ka pa.

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroWhere stories live. Discover now