GONE FOR A SPELL 5-- Gatekeeper

98 5 2
                                    

Gone for A Spell 5: Gatekeeper

[TROY]

6'1". Masaabi nyo namang hindi basta-basta ang height ko. Nung elementary pa lang nga ako Kapre na ang tukso sakin ng mga kaklase ko't mga pinsan. Nung nag-high school ako, naging Troy Ming ang turan sakin. Okay, sabihin na nating mataas ako, pero "kapre"? Mukhang medyo kapos. At bakit ko ba sinasabi 'to?

Malalaman nyo rin.

Sa harap ng punong balete, inilapag ni Tamra si Seville at lumuhod sa tabi nito. Mahinang umungol ang malaking aso, pero sumagot si Tamra, "Ayos lang yan. Di mo na kakayanin pag pinilit mo pa. Magpahinga ka muna. Vectys."

Nagliwanag ang katawan ni Seville at nang humupa ito, ang nakita ko na lang sa kung saan sya kanina nakahiga ay isang bowler hat.

"Cool," puna ko, "Rottweiler-slash-fashion accessory. The perks of a witch."

Isinuot ni Tamra ang sumbrero. "Hindi nya pwedeng pwersahin ang katawan nya. Pag bumigay sya, pati ako malamang masunog."

"Bagay pala sayong magsuot ng aso."

Tinaasan nya ako ng isang kilay na para bang di sigurado kung insulto yun o papuri. "Tara na, pumasok na tayo sa Pinto."

"Uy, compliment yun!"

Sa base ng puno, sa pagitan ng mga ugat, may napansin akong isang lumang kahoy na pintong nakaipit. "Iyan yun, tama?" tanong ko.

"Obvious ba," lumapit sya sa Pinto at hinarap ito, saka bumigkas, "aathen resh eplyth gattaque, marevore tens d'ejire s'arraque!"

Nagliwanag ang pinto, pero bago pa man kami makalapit, yumanig ang lupa. Lumilindol? Ewan. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Tamra.

"P-Paano syang nagising?" gulat nyang tanong. "Hindi naman sya lumalabas nang araw!"

"Sinong sya?" tanong ko, kahit papano'y umaasa pa ring isang cute na giant teddy bear ang tinutukoy ni Tamra. No such luck.

Naamoy ko ang mabahong amoy ng nasusunog na tabako. Umuga nang kaunti ang puno, at muling yumanig ang lupa, mas malakas. Umalingawngaw ang isang nakakabinging atungal sa malawak na sementeryo. Napafacepalm na lang si Tamra. "Pag minamalas ka nga naman, o."

Nagpakita mula sa lilim ang isang dambuhalang lalaki, mga nasa twelve feet ang taas, na nakasuot ng gula-gulanit na checkered na light blueng salawal na abot-dibdib ang pagkakasuot, at may maitim na balbuning katawan. May nakapasak na tabakong kasing-kapal ng braso ko sa bunganga nya. Pupungas-pungas pa sya.

"Holy kamote," na lang ang nasabi ko.

"Narinig mo na siguro yung mga kwento tungkol sa kapreng gumagala sa sementeryo tuwing gabi?" tanong ni Tamra.

"Hula ko--ito yun?"

Tumango sya.

"MGA MAKIKIGAMIT NA NAMAN NG PINTO!" reklamo ng kapre, "MGA LABAS-MASOK--HINDI MAPIRMI SA ISANG LUGAR!"

"Sir," ani Tamra, "nagmamadali kami. Kailangan po namaing gamitin ang Pintong yan."

"HINDI PWEDE! MGA ISTORBO KAYONG LAHAT! NATUTULOG AKO TAPOS GINAGAMBALA NYO AKO! DI KO NA NGA LANG PINAPANSIN YANG MGA MAGIC-MAGIC NYO NUNG UNA. . . MAHIYA NGA KAYO!" hiyaw nya, at napansin kong namumula ang mga mata nya dahil sa puyat. Ganun siguro kadalas gamitin ang Pintong 'to, at sa ekspresyon ng mukha ni Tamra, mukhang wala akong magandang dapat asahan. Bumaling sa 'kin ang kapre at inamoy-amoy ako. Agad kong inihanda ang Maju. Please, kung plano akong gawing Gwapo Puree ng halimaw na 'to, bigyan naman sana ako ng kagalang-galang na armas.

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon