GONE FOR A SPELL 6-- Roots of Wrath

68 3 6
                                    

A/N: Salamat po sa mga nagbabasa ng Gone for A Spell at ng iba pang gawa ko. Idol ko talaga kayo! Btw, ang Darkness Behind Stars na istorya ko ay papalapit na po sa 3000 reads! Lol! Kung medyo di nyo trip mag-intay ng updates ng GFAS, pwede nyong basahin ang DBS kasi completed na sya. Salamat po uli, enjoy reading!

P.S. Eto po yung drowing ko kay Tamra. Sorry kung pangit, noob na noob ako e!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Gone for A Spell 6: Roots of Wrath

[TROY]

 

Sa lahat ng mga may pangarap dyang magkaroon ng magic walis na parang kay Harry Potter at maglaro ng Quidditch, may isa lang po akong tip: WAG NYO NANG MITHIIN. Hindi masaya ang sumakay sa isang lumang walis na tumatakbo malapit sa bilis na 200 km/h. Lalo na kung dalawa kayong nakasakay at di mo alam kung kakayanin kayo ng isang marupok na piraso ng kahoy. Best-case scenario, pwede kayong magcrash at maputulan ng ilang binti o braso, at may tsansa pang mabali ang spinal cord nyo na nangangahulugang mababalda kayo buong buhay, or sumalpok kayo sa isang poste ng kuryente at maelectrocute sa high-tension wires.. Worst-case scenario. . . well, wag nyo nang isipin.

At yung best-case scenariong kasasabi ko lang? Wala pa dun ang mga warfreak na opisyal ng Council na gusto kayong tustahin.

Sanay na sanay na talaga ako sa mga Trojans (i.e. mga kababaihang sumasamba sa mala-Adonis na kagwapuhan ni Justin Troy Magno) na naghahabol ng papicture. Di naman nalalayo rito ang mga galit na magicians: yun nga lang, nakasakay sila sa mga magic walis, mayroon silang makalaglag-pangang  superpowers, at di nila kami hinahabol para sabihan ako ng "Troy ang gwapo-gwapo mo kindatan mo lang ako papakasalan na kitaaaa!!!"

Di ko alam kung saan sila nagsimulang humabol sa amin, pero malamang inalerto sila nung negrong may umaapoy na kamay at pamatay na dreadlocks.

"HINDI MO BA SILA PWEDENG MADYIKIN?!" pasigaw kong tanong kay Tamra.

"Mawawalan ako ng focus!" pasigaw rin nyang sagot, habang halos makain ko na ang buhok nya kasi papunta sa mukha ko ang bayo ng hangin.

"WALA NA BANG IBIBILIS 'TOOO?!"

"PAG BINILISAN KO PA, BAKA MAGBLACKOUT NA AKO SA PAGOD! PAREHO TAYONG DEDO!"

Bigla kaming kumanan, at sa pagliko naming yun para bang naramdaman kong lumundo ng konti ang kahoy. Mababali na yung walis.

Unti-unting pinabagal ni Tamra ang takbo. Di ko alam kung nasaan na kami eksakto, pero mukhang lumilipad kami sa ibabaw ng isang ilog na napakalakas ng agos. Lumingon-lingon si Tamra't tiningnan ang paligid. Biglang nawala ang mga tumutugis samin? Weird.

"N-Nasaan na sila?" tanong ko.

Humihingal si Tamra. Siguro naubos ng paglipad ang lahat ng lakas nya.

"Ayos ka lang?"

"Malamang hindi. Maghanap tayo ng pansamantalang pagtataguan."

"At sa'n naman--"

"Hindi ko alam! Wag ka na nga lang matanong! Please? Mahirap ba yun?"

"Okay, okay, wag hayblad! Sorry naman!"

"Haaay. Di ko alam kung anong ilog 'to. Pero malamang malayo 'to sa sementeryo. Mga ilang kilometro. Nakakapagtaka naman--paanong nawala sila?"

"Tortang ice  candy naman, o. Nagugutom na 'ko," reklamo ko.

"Ikaw lang ba? Hmm. Dapat rin makahanap tayo ng makakainan. Pwede na siguro kahit--"

Napalingon ako, pero huli na para makaiwas nang makita ko ang isang rumaragasang bola ng apoy na sumisibad parang rocket diretso sa amin.

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon