GONE FOR A SPELL 3-- Foreshadowing

64 5 4
                                    

A/N: Trivia--iisa ang universe ng GFAS at Darkness Behind Stars. Well, read, vote, comment! Pa-share po ng istorya ko sa iba! Salamat!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gone for A Spell 3: Foreshadowing

[TROY]

"It's time you explained these things to me," sabi ko kay Tamra. Ngumiti lang sya habang sinususian nya ang pinto ng bahay nya. Nang bumukas ang pinto, ang sinabi lang nya e, "Maya-maya. Magpahinga lang tayo saglit. Bukas kailangan natin uling umalis."

"Ha?"

Pumasok kami sa isang simpleng sala.

Okay. So limang napakagagandang dilag ang nag-agawan sakin ngayong maghapon lang. Di na bago sakin--pero ang kakaiba, apat sa kanila ay mga gutom na halimaw na ipinadala para todasin ako, at yung isa e isang weird na babaeng ni ayaw magpaliwanag kung bakit nasa bingit na ako ng kamatayan.

At nga pala. Patay na ang lolo ko. Ayaw pa ring rumehistro sa utak ko nung balitang yun. Nakapanlulumo--isang understatement. Parang pinunit ang kaluluwa ko. Parang nawala ang lahat ng iniisip ko. Di ko maexplain e, para bang. . . a, ewan. Ang sakit.

Bigla kong naisip na technically naglayas ako. Nasa States sina Mama't Papa, gaya ng lagi, at ako lang mag-isa sa bahay, kaya kung may unang makapansing missing in action ako, malamang ang kababaihan lang ng Aguila High. At--

Isang malakas na tahol ang bumungad sakin mula sa likod, at pagtingin ko pa lang isang malaki't maitim na bagay ang sumunggab sakin at itinumba ako sa sahig.

"AAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" hiyaw ko nang makita ang mga naglalakihang pangil na nakaduldol sa mukha ko.

"Seville!" sigaw ni Tamra, at agad umatras ang malaking hayop, pero ako patuloy pa rin sa "AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!" pero nang madilat ako ang nakita ko na langay si Tamrang hinihimas-himas yung higanteng Rottweiler habang nagpipigil ng tawa. Yung aso naman tinititigan ako gamit ang mga mapupula't mababalasik nyang mata.

"Ito si Seville," paliwanag ni Tamra, "ang familiar ko."

At isa na naman pong di "FAMILIAR" na term. "Familiar?"

"Wala ka bang alam sa folklore talaga? Mga alaga ng mga Witch! Sya yung ginamit ko para gumawa nung ilusyong pinadala ko kina Guinevere kaninang tanghali."

"Aaah," sagot ko, kahit wala naman talaga akong nagets.

"Mmm. . . 'lam mo dapat maglinis muna tayo siguro ng katawan. Ayaw mo namang matulog na puro putik diba?"

Pagkapasok ko ng banyo agad kong binuksan ang shower at sabay sa pagbagsak ng tubig naalala ko yung mga bagay na ulit-ulit kong narinig.

Zeta.

Council.

Papatayin ako. At may reward pa. Para bang pa-contest ng Kill-the-Troy.

Dinala ko rito itong piraso ng bakal na regalo sa akin ni Lolo. Kumikinang yung nakaukit na "Mano de Justicia." Naalala ko yung palakol na biglang napunta sa kamay ko kanina. Di ko alam kung ano nangyari, pero alam ko nung mga oras na 'yun na desperado akong wag mamatay.

Ngayon sinubukan ko ulit palabasin yung palakol. Nag-isip ako katulad ng inisip ko kanina.

Di ako pwedeng mamatay. Inulit-ulit ko yun, inisip nang inisip. Di pwede. Inisip kong kailangang mabuhay ako--tulad kanina, kung kailan yun lang ang tumakbo sa utak ko. Nag-init yung bakal. Nagpatuloy akong mag-isip. Gumagana. Di ako pwedeng mamatay! Di ako pwedeng mamatay!

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroWhere stories live. Discover now