GONE FOR A SPELL 7-- Trouble With Talking Semi-Equines

52 2 1
                                    

Gone for A Spell: Trouble With Talking Semi-Equines

[TROY]

 

Biglang pumasok si Jewel sa pinto.

"Ate, Kuya, padating nang tatay ko! Magugulat yun pag nakita nyang may kung sino rito! Baka mainit ang ulo--lagot kayo pag nagkataon!"

"Sows, di rin!" sagot ko, "mag-iinit ba ulo nyan pag nakita na nya ang kagwap--ARAAAYYY!!!"

"Wag ka na ngang humirit," ani Tamra habang tangan-tangan ako sa tenga, "ayos lang," baling nya kay Jewel, "kailangan na rin naming umalis. Salamat talaga sa tulong."

"A-Ayos ka na ba, Ate?" tanong ni Jewel, "pwede kong pakiusapan si Tatay, magtago muna po kayo. Malay nyo--"

"Hindi na, salamat na lang."

"Oo tama," hirit ko, "at syempre salamat sa CPR. Bravo, Jewel."

Namula yung batang babae, at napangawa na naman ako nang diniinan ni Tamra yung pagkakapingot sa akin. "Wag mo 'tong pansinin," aniya, "may sayad ang utak neto. Pasensya na. Aalis na kami."

Tumango sya, at hinila na ako ni Tamra papunta sa pinto.

"WENG!" tawag ng isang malalim na boses na kumakatok sa pinto. Napatigil kami ni Tamra at dagling pumihit papakabilang direksyon, at nakita namin si Jewel sa sumisibad para pagbuksan ang kumakatok, at minwestrahan kaming pumunta sa likod. Tumango si Tamra at hinatak ako paparuon, habang nakabuntot si Seville.

"Eto na ho, 'Tay, andyan na po," sagot ni Jewel sa taong naghihintay pagbuksan. Agad kaming kumaripas papunta sa isang bukas na back door (hindi ko na naisip nun kung bakit di dun pumasok yung manong, pero saka ko na lang naisip na malamang lasing yun kaya medyo awas ang utak), at nakalabas, sabay karipas paalis.

"Cool!" sarcastic kong puna, "ngayon lagalag na naman tayo! Salamat talaga Tamra kaya sayo 'ko e! Idol!"

"Idol-in mo mukha mo! Ikaw ba mananagot pagka sumulpot yung mga taga-Council at napahamak silang mag-ama? Ha? Ha?" sagot nya, diretso ang tingin sa makapal na kakahuyan habang tumatakbo.

"Okay, fair point, kaya lang--"

"Pedo ka siguro, no? Pati trese anyos na bata pinapatos mo! Ipapulis kaya kita?"

"Ano?! Nagpapasalamat lang ako sa CPR nya e! Champion sa Pagpapa-energize na 'Rrozcaldo. Ano kala mo? Cardio-Pulmonary Reshishishitation?"

"Ewan ko sa 'yo."

"Ah! Selos ka 'no! 'Kala mo yung reshishishitation nga 'no? Ikaw ha! Di pa tayo matagal magkakilala may feelings ka na sakin a! Wahaha!"

"SHUT UP! Ipapalapa kita kay Seville e!"

Tumahol ang aso sa pag-sang-ayon.

"Oo nga pala," puna ko, "ba't di mo na lang madyikin 'tong familiar mo para maging magic motor o magic Lamborghini? Dehins mo kaya yun?"

"Nabasa sya dyan sa ilog. Di ko alam kung ano mangyayari pag gumamit ako ng familiar magic. Baka magshort-circuit syang parang makina. Di ko masabi."

"So. . . di ka pa 'FAMILIAR' sa 'FAMILIAR' magic?"

"Sinusubukan kong maging mabait sayo, ha?! Huwag mo 'kong sagarin!"

"Pinapatawa lang kaya kit--TEKA!"

Napahinto ako, na ikinagulat ni Tamra. "Bakit, Troy?"

Tumuro ako sa isang puno sa may tabi. Sa paanan nito, may mga nagkalat na bote ng lotion, pabango, mga lumang make-up kit, at isang Louis Vuitton na bag na putik-putik na. Sa katawan ng puno nakaukit ang salitang "Lambda + Sigma = True Love." "Tingin ko, mukhang nadaanan na natin ang lugar na 'to. Weird," sabi ko kay Tamra, "Lambda? As in Mary had a little Lambda, little Lambda blah blah blah fleece as white as snow?"

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon