GONE FOR A SPELL 1-- The Surprise

143 8 8
                                    

Author's Note: Nagbabalik ang gwapong author ng Darkness Behind Stars na si Israel Santiago para sa bago nyang kwento! Hahaha!

Bago ko simulan, magpapasalamat muna ko sa mga nagbasa ng DBS na nagpaabot rito sa 2600 reads! Oo, konti lang yun, pero kahit na! Mahalaga binasa nyo! At salamat kay ScarletBlazingSoul para sa title, kaya para sa kanya ang buena manong chapter ng GFAS. Enjoy, people!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gone for A Spell 1: The Surprise

[TROY]

Ang nakakatawa't nakakaasar sa mundong ito ay kung gaano kabilis ito maaaring magbago. Minsan nga, mapapaisip ka, kung sa bawat sandaling lumilipas ay nakaangkla ka pa rin sa realidad na pinaghahawakan mo. Kung kasali ka pa nga ba rito. Lumalangoy ka pa rin ba sa agos na kinabibilangan mo, o unti-unti ka nang nawawalay? Ito bang mundong alam mo ay kung anong natatalos ng mata, o manipestasyon lang ng kung sino ka at anong pinapaniwalaan mo? Baka naman ang nakikita mo ay mas nagpapahayag ng kung sino ka kaysa sa kalikasan ng iyong mga nadarama?

O baka naman gutom ka lang. Gaya ko.

"Bagal naman nung Ashley na 'yun. Kanina pa 'ko nagpabili ng pagkain a!" sabi ko nang ipinatong ko sa likod ni Ruby ang notebook ko habang kinokopya ang notes nya sa Physics. Inangilan ako ng bituka kong wala pang laman kanina pang alas-diyes. "Oy Ruby pwede pakopya rin sa Filipino?"

"Sure Troy, 'kaw pa," sabi nya at saka naghalungkat sa kupas nyang Jansport na mukhang 19-kopong-kopong pa nabili. Iniabot nya sakin ang isang gula-gulanit na notebook. "Eto, o."

"Pinamunas pa yata ng pwet ng kapatid mo to e," sagot ko sabay baling kay Iris na nagkukumahog magreview ng notes. "Oy Iris nagawa mo ba yung project ko sa MAPEH?

Napakamot sya sa ulo. "A--e--Troy, di ko nagawa e. Tinapos ko kasi yung akin, 9 na 'ko nakatulog. Sori talaga."

"Sori mo mukha mo," sabi ko, "sabihin mo nuknukan ka ng tamad. Dali-dali nung hinihingi ko sayo di mo magawa?"

"Sori na kasi, Troy; libre na lang kita mam'ya sa 7-11, gusto mo?"

"Kwento mo sa pagong."

Ehem.

Ang pangalan ko ay Troy. Bolton. De, joke (syempre di hamak namang mas pogi ako run!). Ako si Justin Troy Magno--17 years old, gwapo, fourth year high school student, gwapo, 6'1", gwapo, Spanish sa side ng tatay, at gwapo. Teka, nasabi ko na bang gwapo ako? Ako ang sabihin nating "epitome" ng kagwapuhan sa buong Aguila National High School: ang sinasamba ng kababaihan--na nagpapaliwanag rin kung bakit mayroon akong mga kasamang magagandang uto-utong handang gumawa ng projects at homework ko. Kaya ako, Dota-Dota na lang.

Humahangos si Ashley nang dumating dala-dala ang dalawang hamburger. "T-Troy. . ." humihingal niyang sabi, at hinablot ko agad yung isang hamburger at agad nilantakan. Pero bago pa ako maka-dalawang subo e binuga ko agad yung pagkain. "WATDAPAK!" pareklamo kong sigaw, "ba't lasang di pa nalabhang medyas to?!"

Gulantang lang na tingin ang naisagot ni Ashley, na tumatagaktak na ang pawis sa init ng panahon. Napakamot na lang ako ng ulo, nang pagkadaka'y dalawang palad ang tumakip sa mata ko.

"Nakatikim ka na ba ng medyas na di pa nalalabhan?" pabiro nyang sabi.

"Guinevere," hula ko, "nag-overtime na naman si Ms. Barrameda?"

"Oo, e," umupo sya sa tabi ko at hinalikan ako.

"Uy, bawal PDA dito," nakangiti kong sagot.

"Walang bawal hangga't di nahuhuli," aniya, "teka, share tayong pagkain? Bistek 'to."

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon