GONE FOR A SPELL 2-- A Promise to Fulfill

67 5 5
                                    

A/N: Geh, salamat po uli sa mga nagbasa ng 1st chapter! Eto na yung 2nd. Enjoooooyyyy~

Favor? Pwede pa-share din ng story ko sa iba? Haha lol

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gone for A Spell 2: A Promise to Fulfill

[TAMRA]

Mukhang mahihirapan akong sundin ang ipinapagawa sa 'kin ng lolo ni Troy na bantayan yung bobo nyang apo.

"Guinevere, Ruby, Iris, Ashley," usal ko, "ang gandang mga cover names.

Inangilan ako ni Guinevere. "Huwag kang makialam rito, naghahapunan kami."

"Binalaan ko na kayo kaninang tanghali. Nasa pangangalaga ko ang taong 'yan."

"Di kami takot sa 'yo! May utos mula kay Zeta na patayin ang taong 'to," ani Iris, "at kung may pipigil sa 'min--"

"Leset!" bigkas ko, at sa sandaling iyon parang hampas palayok na sumabog ang ulo ni Iris at kumawala ang napakaitim na usok. Bumalintuwad siya sa sahig.

"IRIS!" palahaw ni Ruby. Nabitawan nya si Troy na sa tinginko ay nawalan na ng malay tao dahil sa kagat.

"Ibigay nyo sakin si Troy at wala nang iba sa inyong masasaktan."

Ngumiti sakin nang nanunuya si Guinevere. "Sa tingin mo, nasisindak ako sa iyo, ha, bata? Ruby, tapusin mo ang isang yan!"

Sinubukan akong lapitan ni Ruby, pero bago siya makalapit ay umusal agad ako: "Gloriam!"

Napabalikwas sya sa isang nakakabulag na ilaw na isinalubong ko sa kanya. tumili siya nang magsimula siyang umusok at tumuba sa sahig.

Kumaripas magtago si Ashley sa isang sulok. Naging matalim ang tingin ni Guinevere sakin.

"Sana man lang malakas-lakas ang ipinadala ni Zeta," pagtuya ko sa kanya, "nang ma-exercise man lang ako kahit kaunti, no?"

"Sinasabi mo bang--"

"Oo, tingin ko mahina ka lang. Ilang linggo pang inabot mo para makuha lang ang tiwala ni Troy."

"Ipapakita ko sa iyo kung sinong--"

"Arrathsep!"

Bigla siyang tumumba sa sahig na animo'y minagnet siya rito. Linapitan ko agad si Troy na hanggang ngayo'y knocked-out pa rin, at sinubukan siyang buhatin kahit pa napakabigat niya. Ang laking lampa naman nire. Di man lang nakagawa ng paraan para mabuhay. Sigurado bang apo 'to ng Master ko?

"Di na kita pag-aaksayahang patayin, Guinevere," sabi ko dun sa halimaw na yakap-yakap na ang sahig. "Pag pinuntahan ka ni Zeta, sabihin mo ang pangit nya." Lumabas ako sa kalsada--isang medyo kulang sa height na 16-year old na may buhat-buhat na six-footer. Talk about awkward.

Nang makalayo-layo na kami sa bahay, inilapag ko sya sa may tabi ng isang puno at umupo sa tabi nya nang mapansin ko ang mga namamagang puncture marks sa balikat nya kung saan sya nakagat ni Ruby. Iwinasiwas ko ang kamay ko sa may parteng iyun at bumigkas muli: "Elearis osir."

Umilaw ng isang madilim na pula ang mga namamagang ugat at nagsimulang magsiangatan ang mga puting usok mula sa katawan nya na para bang nagbabagang uling na binuhusan ng tubig. Umubo sya, na sensyas na bumabalik na sya sa ulirat.

Bigla kong naalala ang Master ko nang ipinadala nya ako rito sa Aguila para bantayan si Troy at ipabigay sa kanya ang huling pamana nito sa kanya.

Madrid, Spain.

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroWhere stories live. Discover now