GONE FOR A SPELL 10--When Smiles Become Tears

40 3 1
                                    

A/N: 3100 reads (and counting!) na ang Darkness Behind Stars! I love you people! Here's Nina sa gilid to thank you for this achievement. :)) Keep rocking guys!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gone for A Spell 10: When Smiles Become Tears

[JEWEL]

 

Sa sobrang gwapo ni Kuya Troy, di ko na napansin ang pagkamatay ng kuryente sa arcade.

Shemay naman kasi e--may kung ano sa kanya na ang daling magustuhan e. Yung bang napakagaan ng personality nya. Napaka-uncomplicated, carefree, yung bang napakahonest ng pagkatao nya--walang mga tinatago. Kahit pa may kahanginan sya, at least di sya plastik. Masaya rin syang kasama kahit na napakawaley ng mga hirit nya. Paniguradong si Ate Tamra nga e konti na lang aamin nang gusto nya si Kuya Troy. Personally, tingin ko bagay sila. But don't get me wrong ha, I think na mas bagay pa rin kami at seryoso akong papaulanan ko si Ate ng sandamukal na Goodbye Universe at sasakalin ng Judas's Belt pag kinaribal nya ako. Lalo pa ngayong iniisip ko na ang araw ng kasal namin ni Kuya Troy. Hihihi.

Nagsilabasang medyo asar ang ga naglalarong malamang e nabitin sa games nila. Akala pa nga ni Ate Tamra e inaatake na kami, pero thankfully, di pa naman. Sa ngayon.

"KORNI! Ni di pa nga ako nagtatagal sa arcade a! Parang Level 2 palang ako! Badtrip naman o," reklamo ni Kuya Troy, "Tara nga sa iba! Ano ba meron dito?"

"M-Merong mga booth dito na uhm. . . ayun, tulad nun. Yung booth ni Ka Ador."

"Booth ni Ka Ador?" ulit ni Kuya Troy, "Ang boooooring ng pangalan. Bakit di na lang The ADORable Booth yung ipinangalan dito para masaya? Syete, walang creativity mga tao rito, a!"

"Edi sa kanya ka magreklamo," turo ni Ate Tamra sa may-ari, isang balbas-saradong maton na sa mukha pa lang e halatang di na gusto ang trabaho nyang magbantay ng isang pambatang booth habang suot-suot ang isang masikip na pink t-shirt na may nakatatak na "I Wuv U." Natameme si Kuya Troy, at sa ekspresyon ng mukha nya parang may dilemma sya kung maiintimidate o hahagalpak sa pagtawa.

"Ahem," aniya, "well, sino ba'ng may kailangan ng creativity? Bwisit yan aksaya lang sa panahon yan e. Tara na nga."

Ilang punta na rin ako sa peryang 'to, at most of the time tumatakas lang ako sa bahay pero kalaunan mahuhuli rin ni Tatay, at sa mga nakita ko itong Booth ni Ka Ador ang talagang nagustuhan ko kahit mukhang kriminal ang may bantay (ahem, no offense). Meron kasing prize na teddy bear dun na gusto ko talaga. As in. Ilang beses na akong tumataya pero wala pa rin talaga. Si Tatay naman tatawa lang at sasabihing matsatsambahan ko rin yung teddy bear na yun. Ang pinakamaganda ko lang nakuhang premyo sa booth na ito e isang umiilaw na yoyo.

Ang palaro sa booth na 'to e isang pader na punong puno ng lobo. Ta's yung mga lobo may corresponding na premyo. Ta's pupukulin o ng darts. Tsambahan lang kung may premyo yung mapuputok mo.

"UUUUY, cool! Sa bagay, sandali pa bago magsimula ang palabas ni Little Mermaid, este, Mang Kulas," ani Kuya Troy, "masubukan nga." sabay lapit kay Ka Ador at tinanong kung magkano ang bayad, saka dumukot mula sa bulsa nya ng pambayad kapalit ng tatlong pirasong darts. Ako naman, nakatitig  sa cute na cute na blue teddy bear na animo nakatitig sa 'kin.

Halos marinig ko na nga syang nagpi-plead: "Iuwi mo na ko. . . pleeease? Maglaro tayo. . . kawawa naman ako o. . ."

Narinig kong biglang pumutok ang lobo. "Cool!"ani Kuya Troy, "ano prize nyan manong? Ha? Ha?"

Naghalungkat si ka ador sa ilalim ng isang mesa at bumalik na may dalang mumurahing stainless steel na bracelet. "Eto hijo," aniya, saka inabot kay Kuya na inalis ito sa pagkakabalot.

Gone for a Spell: Heartthrob-to-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon