Chapter-42: "Beskie"

37.6K 678 140
                                    

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

GAB'S POV:

Maya-mya ay napalingon sa akin si Renren. Buti naalala pa na kasama niya ako. Nilapitan niya ako at dinala patungo dun sa babaeng mukhang namiss niya ng sobra.

"Gab, eto nga pala si Aizza, ang kababata ko." pagpapakilala niya. Kababata pala niya. Parang kami lang ni Tintin. Kaya pala ganun nalang siya kasaya nang makita niya ito.

"Aizza, eto nga pala si Gab, ang BOYFRIEND ko."

Nakita ko ang pagka-gulat sa mukha ni Aizza nang marinig niya yun.

"Boyfriend? Mag-dyowa kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Aizza.

Tumingin ako kay Renren, at nakita kong tumango siya at ngumiti ng ubod ng tamis.

"Wow! Astig! Uso rin pala dito ang bromance? Dun sa lugar namin madami din ganyan. Pati mga lesbian din." naka-ngiti niyang sabi.

Natawa naman si Renren.

"Nice to meet you Gab!" naka-ngiting sabi niya sa akin sabay yakap sa akin.

"Hindi ko akalain na may pagka ganyan ka pala Darren! Ang playboy mo kaya noon!" si Aizza

"Haha! Noon yun! Wala eh, iba apekto sa akin nitong mahal ko eh, nababakla ako." sabay akbay at halik sa ulo ko ni Renren.

"Nuks, Sweet! Pasok muna kayo sa loob. Para makapag-kwentuhan tayo." yaya sa amin ni aizza na hindi naman tinanggihan ni Renren at hinila ako papasok sa bahay.

"Pasensya na at medyo magulo pa ang bahay. Kalilipat lang ulit namin ni Mama kaninang umaga." si Aizza

"Ayos lang! Gusto mo tulungan pa kita sa pag-aayos eh." sabi naman ni renren.

"Talaga tutulungan mo ako??" si Aizza

"Oo naman! Basta para sa beskie ko!" si Renren

"Sabi mo yan Beskie ah! Ge upo muna kayo dyan sa sofa. Yaya Sonia, pakibili naman kami ng softdriks sa tindahan" si Aizza

Nagkwentuhan lang sila nang nagkwentuhan. Tawanan, inisan, kantsawan. Naramdaman ko nga na na OP na ako eh. Parang sila lang kasi ang tao. Hello! Nandito ako! Gusto ko ngang sabihin yun eh.

Medyo naiirita ako pag naririnig kong tinatawag na "BESKIE KO" ni Renren si Aizza. Pwede namang Beskie lang at wala ng "Ko" diba?

"Gaano na nga pala kayo katagal ni Gab, Beskie ko?" si Aizza

Yun oh! Napansin pa ako. Sabi ko sa isip ko.

"One year na kami ni Gabby." sabay akbay niya sa akin.

Ang pwesto nga pala namin sa sofa, nasa gitna namin si Renren samantalang nasa kaliwa niya ako, at kanan naman si Aizza.

"Matagal na din pala kayo. Medyo mahihirapan pala akong agawin ka Beskie kay Gab"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Aizza

"Joke lang! Hindi kita type! Haha" hirit ni aizza

"Hahaha! Loko-loko ka talaga! Wag ka ngang magsasalita ng ganyan, baka maniwala tong Gabby ko, eh magseslos yan!" natatawang sabi ni Renren.

"Ay ganun ba? Sorry Gab ah! Joke lang talaga yun! Hindi ko naman talaga type yang si Darren! Ayoko kasi sa mestizong bangus."

Nginitian ko naman siya. "Ok lang." sabi ko

"Hoy! Gwapo ko kaya! Dati nga nung 13 palang tayo aminin mo, may crush ka sa akin. Sinabi sa akin ni Lola Luring yun!"

Nakita kong namula ang pisngi ni Aizza sa sinabi ni Renren

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon