Chapter-18

63.7K 1.2K 53
                                    

------------------------------------------

***GAB'S POV***

.

.

.

Isang buwan na ang nakalipas simula nung ipinagtapat ko kay darren ang tunay na nararamdaman ko para sakanya, na mahal ko siya na higit pa sa pagiging isang kaibigan.

simula nun, hindi na muli nagkrus ang landas namin darren. kahit na magka-salubong man lang sa kalsada. siguro tadhana na din ang may gusto na hindi na kami magkita.

wala na rin akong balita tungkol sakanya, hindi na din kami nagkakatext. minsan naiisip kong itext o kahit imiskol ang number niya para malaman kung yun parin ang gamit niya, pero pilit kong pinipigil ang sarili ko.

kahit na burahin ko pa ang number niya wala din silbi dahil kabisado ko din naman. kaya pilt ko nalang pinipigil ang sarili ko na tawagan o itext siya. tska desidido na din kasi ako na kalimutan si darren.

salamat nalang kay caloy na palaging andyan para sa akin. pasayahin ako pag nakakaramdam ako ng lungkot. tinupad niya yung sinabi niya sa akin na tutulungan niya akong makalimutan si darren.

madalas kaming umaalis, pumupunta sa mall para maglaro sa timezone at kumain sa paborito naming fast food chain. nagiging masaya ako pag kasama ko siya. pero aminado ako na hanggang ngayon isang kaibigan parin ang tingin ko sakanya. si darren parin ang mahal ko. hindi nagbago yun, at hindi ko alam kung kailan magbabago yun.

naalala ko na malapit na ang bday ni Darren, 1 linggo nalang mula ngayon. naisip ko kung ibibigay ko pa yung t-shirt na binili ko para sakanya. pero paano ko naman maibibigay yun? pupuntahan ko siya sakanila? baka hindi lang ako pansinin nun, mapahiya pa ako.

tska alam ko naman mas bonggang regalo pa ang maibibigay sakanya ni cez. kaya wag nalang, itago ko nalang yun o kaya naman ibigay ko nalang kay memeng o lito.

nakakasama ko pa din naman yung 2 mokong na yun. minsan inaaya nila akong mag-inuman, pero tumatanggi nalang ako. alam ko kasing kina darren yun gagawin kaya minamabuti ko nalang na wag na pumunta. pero minsan sila naman ang inaaya ko dito sa bahay para mag-inuman.

nagtataka nga ako na hindi nagtatanong yung mga yun kung bakit hindi na kami nagkikita ni darren, kung may napag-awayan ba kami ni darren. ni hindi nga nababanggit nung 2 yun ang pangalan ni darren eh. pag umiinom kami sa bahay, minsan nga hinihintay ko kung magbabanggit sila ng kahit na anong tungkol kay darren, kung ano ang bago kay darren pero wala, wala silang nababanggit.

.

.

.

.

kaya ko din naman pala mabuhay na wala si darren. kaya ko palang maging masaya kahit hindi ko siya nakakasama. kalungkot lang na kailangan matapos ang pagkakaibigan namin. pero ganun siguro talaga, may mga taong dumadating sa buhay natin na pansamantala lang, at hindi na natin makakasama pang habang buhay.

marami din naman akong natutunan kay darren, kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko siya kahit misan ay nasaktan niya ko. kasi sakanya ko unang naranasan magmahal, ang kiligin, ang umibig.

hala, tama na drama. andito ako ngayon sa mall, magkikita kasi kami ni shae. yung bff ko. tagal na naming hindi nagkita nung palakang yun!

kasama ko dapat ngayon si caloy kaso may importante silang pupuntahan ng mama niya, kaya ako lang mag-isa ang lumuwas. ok na din yun, marami kasi akong gustong ikwento kay shae, na hindi ko kayang sabihin na kasama siya, isa kasi si caloy sa mga ikukwento ko kay shae :p

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon