Chapter-38: "Ang Bitch at Ako"

38.5K 671 153
                                    

-----------------------------------------------------------------------

GAB'S POV:

Pinagbigyan ko na siya. Dinala ko siya sa terrace namin para makipag-usap sakanya.

"Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin? Paki-bilisan."

Sabi ko sakanya.

"Layuan mo na si Darren! Makipag-hiwalay ka na sakanya!"

Mataray niyang utos sa akin.

Napa-ngisi at napailing nalang ako sa sinabi ng babaeng to.

"Bakit naman kita susundin? Sino ka para utusan ako?" sabi ko sakanya.

"Sinasabi ko sayo to dahil yan ang dapat! Gab, parehas kayong lalaki ni Darren! Anong hinaharap ang magkakaroon kayo? Hindi mo siya mabibigyan ng sariling pamilya, ng mga anak."

Natamaan naman ako sa mga sinabi ni Cez.

"Alam kong pangarap ni Darren ang magkaroon ng sariling pamilya, magkaroon ng madaming anak. At yun ang hindi mo kayang ibigay sakanya!"

"Gab, kung talagang mahal mo siya, hindi mo siya ikukulong sa buhay na hindi talaga niya gusto. Napipilitan lang siyang tanggapin ang lahat ng iyon dahil sayo!"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Cez. Parang sampal sa akin ang mga sinabi niya.

"At ako, kaya kong ibigay sakanya yun. Kaya ko siyang bigyan ng mga anak. Kaya ko siyang bigyan ng sarili niyang pamilya." dagdag pa ni Cez.

"Kaya mo nga siyang bigyan ng anak pero hindi ka naman niya mahal... Kaya namin maging masaya kahit kaming dalawa lang. Pasensya ka na pero hindi ko siya hihiwalayan dahil lang sa mga sinabi mo, at lalo na kung dahil lang sayo. Makaka-aalis ka na." sabi ko sakanya.

Tumalikod na ako sakanya para pumasok sa bahay nang magsalita siya.

"Bakla ka na nga, maka-sarili ka pa! Naawa ako sa Mama mo dahil isa ka lang kahihiyan sa pamilya niyo!"

Napahinto ako sa sinabi niya sa akin. Parang nag panting din ang tenga ko sa mga sinabi niya.

"Anong sabi mo?!"

"Hay! Bakla na, bingi pa! Ang sabi ko, bakla ka na nga, maka-sarili ka pa! Nakakaawa ang Mama mo dahil lumaki kang kahihiyan sa pamilya niyo!"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hindi ko napigilan ang sarili ko... Kasabay nang pag harap ko sakanya, ay sinapak ko siya!

Nabuwal siya sa lakas nang pagkaka-suntok ko sakanya. Kita ko din ang ang pag putok ng labi niya. Pero sakit din ng kamay ko ah! Kapal ng mukha nitong bitchesang to.

"Bruha kang bakla ka!" sabi niya sa akin.

"Sumosobra ka na eh! Punong-puno na ako sayo! Lahat nang sinasabi mo sa akin pinapalampas ko, pero wag na wag mong idadamay ang pamilya ko!" nangingilid na ang luha ko dahil sa galit ko sakanya.

Maya-maya ay dumating si Renren kasama si Memeng.

"Anong nangyari dito? Cez bakit ka nandito?" si Darren

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sumunod na ginawa ng bitchesa.

"Darren, sinaktan ako ni Gab! Pumunta lang naman ako dito para sabihing wala akong alam tungkol dun video natin at para humingi ng sorry. Pero hindi niya tinanggap." umiiyak niyang pagsisinungaling kay Darren.

Napailing nalang ako.

"Napaka sinungaling mo talaga! Ako pag mumukhain mong masama!" susugurin ko pa sana siya nang awatin ako ni Darren.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon