Chapter-8

71.6K 1.3K 109
                                    

---------------------------------------

Bumalik na ako sa inuman, umupo na ulit ako sa pwesto ko. Pero wala na si memeng sa tabi ko. Yung pinsan na ni lito ang nakatabi sa akin, si caloy.

Caloy: pare, bakit ang tagal mo ata?

Gab: ah, may kinausap pa kasi ako sa phone.

Caloy: ah.. Akala ko kinain ka na ng undin sa banyo eh.

Gab: hahahaha.... Gagu!

Napatawa ako sa sinabi niyang yun.

Nagkwentuhan kami ni caloy ng kung ano-ano. kahit walang ka-kwenta kwentang bagay pinag-usapan namin.

Para pala siyang sila lito. joker din at masaya kasama. Kahit papaano nakalimutan ko na may dalawang tao sa harap ko na nagpapasakit ng damdamin ko.

Napansin ko din na tinitingnan kami ni darren. Ng mapatingin ako sakanya, nahuli ko na naka-tingin siya sa akin. Nagkatinginan kami.

Walang expression ang mukha niya. Hindi manlang ako nginitian ng loko... inirapan ko nga!

Nagpa-tuloy padin ang inuman. si caloy ang tanggero. medyo napaparami na din ang nainom ko. parang tinatamaan na ako.

Tatagay na sana ako ng biglang nagsalita si darren...

Darren: Tol, tama na yan... napaparami na ang inom mo...

Gab: huh? Hindi noh! Ni hindi pa nga ako tinatamaan..

Pag sisinungaling ko sakanya. (medyo hilo na ako sa mga oras na yun.)

Darren: hihintayin mo pang tamaan at malasing ka, bago ka tumigil? Seryoso niyang pagkakasabi.

Biglang nagsalita ang barkada.

Memeng: naku, napaka strict talaga ni daddy darren.

Lito: oo nga, ayaw niya kasing malalasing ang baby gab niya...

At tumawa silang dalawa..

Darrren: tumigil nga kayo!

sinabi niya sa seryosong tono.

Memeng: joke lang tol. eto naman...

Nagsalita na ako

Gab: hayaan mo nga ako darren. iinom ako kung gusto ko. wag mo akong paki-alaman!

Nagulat siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya. Eto kasi ang unang pagkakataon na kinontra ko siya sa pag pigil niya sa akin sa pag-inom.

Hindi nalang nagsalita si darren. At hindi na ako pinigilan uminom. nakita kong sinusubuan pa ni cez ng bbq si darren, at hindi naman tinggihan yun ng loko.

Tinagay ko na yung alak na ibinigay sa akin ni caloy.

Mga bandang 8pm, nag paalam na si cez...

Cez: sige guys uwi na ako. gabi na eh, baka hinahanap na ako sa bahay.

Memeng: sige, ingat ka. balik ka ulit dito sa susunod.

Ngumiti at tumango si cez.

Darren: hatid ko lang sa sakayan ng trycicle tong si cez.

Lito: sige tol..

Memeng: wala na pala tayong iniinom eh.

Caloy: bibili ako. Sasabay na ako umalis kila darren..

Lito: sama ako!

At umalis na silang 4. Kaming 2 ni memeng ang naiwan.

Tinabihan niya ako at kinamusta

Memeng: o tol, ok ka pa ba?

Gab: oo naman... para ka namang si darren.

Memeng: hehe.. Nagtatanong lang.

Biglang pumasok sa isip ko na mag tanong tungkol kay cez at darren...

Nagka-balikan na ba sina darren at cez??

tanong ko kay mameng.

Mameng: ewan ko. alam ko may boyfriend yung si cez eh. Ikaw ang magtanong kay darren. Kayo mag bestfriend eh...

Gab: sa tingin mo mahal pa ni darren si cez?

Memeng: siguro, 2years din silang naging mag syota. Kahihiwalay lang nila. Hindi siguro agad makakalimutan ni darren yun. Matindi magmahal yung unggoy na yun eh.

Nung marinig ko yun, parang tinusok nanaman ang puso ko. Siguro nga mahal pa ni darren si cez. siguro nga hindi pa niya ito nakakalimutan.

Kinuha ko yung baso na may lamang juice para inumin ng bigla magsalita si memeng

Memeng: nagseselos ka ba kay cez???

At hindi ko napigil na maibuga ang juice, sa pagka-bigla ko sa tanong sa akin ni memeng...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon