Chapter-34: "Teddy Bear"

40.7K 705 107
                                    

GAB'S POV:

-----------------------------------------------------------------------

Mabilis lumipas ang mga araw at nagbalik eskuwela na ako. Excited ako dahil makikita ko ulit ang mas bakla pa sa akin na kaibigan kong si Shae. Masaya ako na malapit na ako mag graduate.

Pero may isang bagay ang nagpapalungkot sa akin ngayon. Yun ay ang napapansin kong pagbabago kay Darren. Napasin kong nitong mga nakaraan araw pag magkasama kami, ay parang may malalim siyang iniisip, parang may problema siyang dinadala. Minsan nakatulala lang siya at hindi na ako napapansin.

Sinabi ko sakanya yun at tinanong ko kung may problema siya, pero wala naman daw. Pagod lang daw siya nitong mga nakakaraang araw. Naghahanap na rin kasi siya ng trabaho. Ayaw na daw kasi niyang umasa sa Mama niya.

Siguro nga, pagod lang siya. Halos araw-araw kasi siyang umaalis. Sinabayan pa ng pagbabalik ko sa school, kaya kung magkita kami sa gabi lang. Kagaya ngayon, andito kami sakanila at nanonood ng DVD.

Magkatabi kaming nakaupo, habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Renren, gusto mo softdinks? Kuha ako sa baba?" tanong ko sakanya. style ko lang yun para magsalita siya. mula kasi nung nagsimula kaming manood hindi na siya umimik. Sobrang focus sa pinapanood.

"Ayoko. Hindi ako nauuhaw." malamig niyang tugon.

Yan pa ang isa kong napansin sakanya. Ang pagiging malamig niya sa akin. Hindi na siya katulad nung dati na palagi siyang malambing sa akin. Minsan naisip kong baka ayaw na niya sa akin? Baka napag-isip isip niyang hindi talaga niya ako mahal? Pero hindi, mahal ako ni Darren. Naniniwala ako sa sinabi niyang yun sa akin pati na rin kay Mama.

"Kamusta pala ang paghahanap mo na trabaho?" tanong ko ulit sakanya.

"Ganun padin. Wala parin tumanggap sa akin. Tatawagan nalang daw ako, pero alam kong ibig sabihin nun hindi ako tanggap." sagot niya.

"Wag kang mag-alala, makakahanap ka din. Tiwala lang. Kaunting tiyaga lang." naka-ngiti kong sabi sakanya.

Tumango lang siya bilang tugon sa akin. Hindi manlang inaalis sa TV ang paningin para tumingin sa akin.

Maya-maya biglang nag ring ang cellphone niya. Tiningnan niya ito at tumingin sa akin. Tumayo siya.

"Sandali lang. May kakausapin lang ako." sabi niya sa akin sabay labas siya ng kwarto.

Ito ang pangalawang beses na may tumawag sakanya na kailangan pa niyang lumayo sa akin para kausapin ito.

Nang bumalik siya ay agad akong nagtanong sakanya.

"Renren ko, sino yun?"

"Yung kabarkada ko. May alam daw siyang pwede kong pag applyan ng trabaho. Pinapupunta ako bukas." sagot niya.

"Ah...ok."

"Manonood ka pa ba? Inaantok na kasi ako. Gusto ko nang matulog." sabi niya

"Ah, hindi na. Tara matulog na tayo."

Pinatay niya yung DVD player at TV, at humiga na sa kama. Gaya ng lagi kong ginagawa pag magkatabi kami matulog. Sa dibdib niya ako nahiga habang nakayakap ako sakanya.

"Goodnight Renren ko." sabi ko sakanya

"Goodnight din Gabby ko." sabay halik niya sa ulo ko at niyakap niya ako.

Sa ginawa niyang yun, parang nawala ang lahat ng tampong nararamdaman ko sakanya.

Naka-tulog ako ng naka-ngiti.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon