Chapter-39: "Ang Kasabwat"

36.8K 745 170
                                    

-----------------------------------------------------------------------

GAB'S POV:

"Ano naman ang gusto mong sabihin?" tanong ko sakanya. pero magsasalita na sana siya nang magsalita bigla si Memeng

"Diba kinausap ka na ni Darren na tigilan mo na si Gab? Bakit nandito ka nanaman?!" sabi ni memeng kay cez

Hindi nagsalita si Cez at nahalata ko ang takot sa mga mat nito. bigla siyang hinawakan ni Memeng sa braso at hinatak papalabas ng terrace namin.

"Meng! Meng! Teka sandali!" sabi ko

"Ako na bahala kay Cez. Wag ka nang sumunod Gab."

Lumingon sa akin si Cez at nabakas ko sa mukha niya na may gusto talaga siyang sabihin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Tuluyan nang umalis si Memeng kasama si Cez. Susundan ko dapat sila kaso bigla akong tinawag ni Mama dahil tumatawag daw si Tintin. Kaya gustuhin ko man sumunod ay hindi ko nagawa at pumasok nalang ako sa bahay.

-----------------------------------------------------------------------

Hindi padin mawala sa isip ni Gab ang nangyari kanina. May iba siyang pakiramdam sa gustong sabihin ni Cez. Gusto niya iyon malaman. Sinabi niya ito kay Darren, pero gaya ni Memeng, sinabi nitong wag nalang pansinin si Cez dahil baka manggugulo nanaman ito.

"Pero parang hindi panggugulo ang ipinunta niya eh." sabi ko kay Renren. Andito kami ngayon sa kwarto habang nanood ng tv.

"Hay naku Gabby! Tama na nga yan.. Nagseselos na ako ah! Kanina ka pa Cez ng Cez!" binatukan ko nga ang ulupong!

"Siraulo ka talaga! Seryoso ako noh! Tama nga si Memeng. Hindi ka talaga makakausap ng matino!"

"O, bakit naman napasok si Memeng sa usapan?! Ano meron dun?!" tanong niya sa akin.

"Kasi, kaya siya nagpunta dito kanina kasi gusto daw niyang may matinong makausap. At hindi kayo ni Lito yun!" sabi ko

"Ano naman pinag-usapan niyo?"

"Sa tingin ko may pinagdadaanan ngayon si Meng... Inlove siya ngayon!"

"Talaga?! Kanino naman?! Hayop na yun, hindi nagkukwento!" reklamo naman ni Renren.

"Hindi ko alam eh. Naputol kasi yung usapan namin nang biglang dumating si Cez." hindi ko sinabi yung hinala ko na si Lito ang gusto ni Meng. Hindi pa naman kasi ako sure. Mahirap na makuryente at matawag na tsismosa.

"Loko-loko yun ah! Matanong nga bukas kung sino ang kinalolokohan nun! Hindi marunong mag kwento." si Darren

"Huy! Wag mong sabihin sakanya na sinabi ko! Wag mo nang itanong sakanya. Hayaan mong siya mismo ang magsabi sayo. Lovelife niya yun, wag nating pakialaman." sabi ko naman.

"Sabagay may punto ka. Hintayin ko nalang na sabihin niya kung sino naman yung pinagnanasahan niya ngayon. Ang asikasuhin natin ang relasyon natin." naka-ngisi niyang sabi, sabay yakap sa akin at halik sa tenga ko.

"Renren ano ba?!" reklamo ko naman

"Bakit? Diba gusto mo naman na hinahalikan kita sa tenga? Parang ganito." hinalikan niya ulit ako sa tenga.

"Renren wag muna ngayon ok? Pwede ba sa ibang araw nalang? Wala ako sa mood sa mga ganyang bagay ngayon."

Kitang-kita ko ang pag tamlay ng mukha niya sa sinabi ko. Tumulis nanaman ang nguso niya. Nagpapa-cute nanaman! Pero sorry siya. Hindi eeffect sa akin ngayon yan. Wala talaga ako sa mood. Pagod ako dahil sa pag-aaral.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon