Chapter-25: "Pangako"

63.8K 972 68
                                    

==========================

GAB'S POV

-------------------------------------------------------------

.

.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung tanungin niya sa akin yun. Agad kong binalik sa bag ang condom at humarap sakanya nang kabang-kaba. Naka-tayo siya sa harapan pintuan ng kwarto.

"Huh? Re-ready saan??" nauutal kong tanong

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakangisi. Habang papalapit siya sa akin, lalo akong pinag-pawisan at lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinawakan niya ako sa bewang at hinila ako papalapit sa katawan niya. Kaunti lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Kitang-kita kong may kakaiba sa mga mata ni Darren. May iba sa pagtitig niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapalunok.

"Eto na ba to?! Gagawin na ba namin yun?!"

sabi ko sa isip ko

"Diba mag suswimming tayo? Bakit hindi ka pa nakapag-papalit?"

Para naman akong binuhusan ng tubig na punong-puno ng yelo sa sinabi niya. Natauhan akong bigla. Ayan kasi, umandar nanaman pagiging assumera ko.

"Ahh... Oo nga pala.. Pasensya ka na. Akala kung ano yung tinatanong mo sa akin." bigla kong sabi

"Bakit ano ba akala mo? May iba ka pa bang gustong gawin bukod sa pag suswimming?"

nakangisi niyang tanong sa akin.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa tanong niyang yun sa akin. Kainis! Nawala na nga sa isip ko binalik pa niya. Sabi ko sa isip ko...

"Wa-wala ahh... Yun naman talaga tinutukoy ko. Sige lumabas ka na para makapag-palit na ako."

Kakawala na sana ako sa pagkakahawak niya sa akin pero pinigilan niya ako. Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko tska bumulong.

"Kung gusto mo naman, pwedeng mamaya na tayo mag swimming at may iba muna tayong gawin."

Bulong niya sa akin sa mapanukso niyang tono.

Nung sinabi niya yun, parang may dumaloy na boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Dagdagan pa ng pagdikit ng labi niya sa tenga ko.

Bago pa ako tuluyang madala sa panunukso ng impaktong to, itinulak ko siya sa akin papalayo...

"Ga-gago ka talaga! Lu-lubayan mo nga ako sa panunukso mo!" nauutal kong sabi sakanya

Ngumisi lang sa akin ang impakto at muli akong hinila papalapit sa kanya.

"Bakit Gabby ko, natutukso ka ba sa akin? Nag-iinit ka ba?"

Ibinaling ko na ang tingin ko sa ibang direksyon dahil hindi ko na kayang tumingin sakanya. Baka madala na ako sa panunukso niya :">

Inilapit nanaman niya ang bibig niya sa tenga ko at muling bumulong

"Ilabas na natin yang init na yan Gabby ko.."

Sabay halik sa tenga ko... Juskooooooooo !!! Lord tulungan mo koooooo !!! Ilayo mo po ako sa tuksooooooo !!! :3

Naiinis na ako sa impaktong to ah! Pinagtitripan nanaman yata ako! Kaya ang ginawa ko para makawala sa pangtitrip nito!

BOOOOOOOOGGGGGSSSS!!!! Inapakan ko ang paa niya!

ARAAAAAAAAYYYYY!!! Sigaw ng impakto!!

Tska ko siya itinulak papalabas ng kwarto tska ko isinara ito at ni-lock!

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon