Chapter-26:"Ang Kontrabida"

58K 900 172
                                    

==========================

DARREN'S POV

-------------------------------------------------------------

.

.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung maging mag BOYFRIEND na kami ng Gabby ko. Simula nun bumalik na ulit ang sigla ko. Muling nagkaroon ng kulay ang madilim kong buhay. Baduy ko noh?

Ewan ko nga kung ano ang ginawa ni Gabby sa akin. Lumalabas ang pagiging keso ko dahil sakanya. Hindi naman ako ganito kay Cez noon. Iba kasi si Gabby eh. Siguro siya na nga ang true love ko. Ang taong gusto kong makasama habang buhay.

Naging maayos naman ang lahat mula nung makabalik kami galing sa maikling naming bakasyon.

Balik kami sa normal naming buhay.

Siyempre masaya para sa amin ng Gabby ko ang dalawang mokong na sina Memeng at Lito. Hindi daw nasayang ang effort nila sa pag tulong sa akin na mapa-sagot ko si Gabby.

Sa bagay totoo naman yun, nagpapasalamat nga ako at nandyan yang dalawang mokong na yan para tulungan ako. Hindi magiging matagumpay ang lahat ng ito kung wala sila (NUKS NAMAN!) HAHA :D

Ayaw nga akong tigilan nung dalawang mokong na yun eh, pilit na pinakukwento sa akin kung may nangyari daw ba sa amin ni Gab nung nasa Zambales pa kami. Pero sabi ko wala pa, parang ayaw pa ni Gabby na may mangyari sa amin kaya hindi ko siya pipilitin.

Katakot-takot na panunukso ang inabot ko sa dalawang mokong. Porket mahina daw ako. Panis na daw ako. Hindi naman daw ako ganun sa mga naging gf ko dati. Kay Gabby lang daw pala malalaos ang sex appeal ko.

Naisip ko na tama sila. Kung iba siguro yun hindi na tatanggi sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo naman talaga ako. Fil-am ang dating, mestizo at masasabi kong yummy ako haha ;)

Sinabi ko sakanila na ginagalang ko si Gabby at handa kong hintayin kung kailan siya magiging ready na gawin ang bagay na yun.

Tinanggap naman nila yung sagot ko. Malaki na daw talaga ang ipinagbago ko dahil kay Gabby. Basta masaya daw silang dalawa para sa amin ng asawa ko.

Pero ang pinaka naging masaya para sa amin ni Gabby ay si Lola Luring. Masayang masaya daw siya na sa wakas ay apo na rin niya si Gabby. Matagal na daw niyang napapansin na bagay kami sa isa't isa (GUMAGANON PA SI LOLA ;P)

Pwede na ngang Presidente ng LoveTeam namin ni Gabby ko si Lola Luring eh. Haha :D

Masayang masaya kami ni Gabby sa relasyon namin ngayon. Relasyong higit pa sa pagiging magkaibigan.

Yun nga lang medyo nabawasan ang pagPPDA namin dahil na rin kay Tita ni Claire (Mama ni Gab)

Maingat kami sa bawat kinikilos namin pag nasa kalsada kami, lalo na pag nasa bahay kami nila Gab. Sa totoo lang nahihirapan ako. Gusto ko kasi laging naglalambing sa Gabby ko eh, gusto ko lagi ko siyang hina-hug at kinikiss parang nung nasa Zambales pa kami. Pero mula nung bumalik kami dito, naging denumero na ang galaw namin. Nagiging malaya lang kami pag andito kami sa bahay.

Mabuti pa nung nasa Zambales pa kami. Malayang malaya kaming gawin ang gusto namin ni Gabby ko. Walang tinataguan. Walang iniiwasan. Pero naiintindihan ko naman si Gabby. Ginagalang ko ang desisyon niya na itago muna namin to. At handa akong maghintay kung kailan na siya handang sabihin sa Mama niya ang tungkol sa relasyon namin.

Mahal na mahal ko siya, at kung ano ang gusto niya ay susundin ko nalang. Basta ang mahalaga ngayon, mag boyfriend na kami at akin lang siya. Tapos.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon