Chapter-22: "Umaasa Lang Ako"

65.4K 1K 264
                                    

==========================

Eto na ang kauna-unahang POV ni Caloy :)

Kilalanin natin ang isa pang nagmamahal kay

Gabriel Lastimosa na napaka-haba ng buhok :p

Enjoy! :)))

==========================

CALOY'S POV

-------------------------------------------------------------

.

.

.

"UY CALOY! MUSTA? MUKHANG BUSY KA ATA AH?"

Ang text sa akin ni Gab na paulit-ulit kong binabasa.

Hindi ko din mapigilang mapangiti at kiligin habang binabasa ko to.

Babaw ko lang noh? Pero ganun naman yata talaga, kung ano ang gawin o sabihin sayo ng taong mahal mo, eh kikiligin ka at ma-aappreciate mo...

Eto kasi ang unang pagkakataon na nag text siya sa akin para kamustahin ako. kasi ako lagi ang nagtetext nun sakanya. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi mahilig magtext o tumawag sa kaibigan si Gab para mangamusta. Kaya laking tuwa ko nung magtext siya sa akin ^____^

#kiligmuch lol :p

Siguro namimiss na niya ako? Assumero ko lang noh? Hahaha, pero kung totoo ang ang pag-aassume ko na miss na niya ako. Pwes effective pala ang drama kong hindi masyadong mag paramdam sakanya para mamiss ako...

Tama, drama ko ang lahat ng ito. Pinaplano ko kasing muling magtapat ng pag-ibig ko para kay Gab. Na muli siyang tanungin kung pwede na ba niya akong maging BOYFRIEND.

Umaasa ako na sa loob halos ng isang buwan na madalas kaming magkasama, ay may nagbago na sa pagtingin niya sa akin. Na may puwang na ako sa puso niya.

Diba ganun daw yun? Pag lumayo o nawala yung isang tao sayo, dun mo lang malalaman kung sino ba sa buhay mo ang taong yun.

Sana nga maisip ni Gab kung ano ba talaga ako sa buhay niya. Sana marealize niya na mahal na pala niya ako. Na mahal na niya ako na higit pa sa pagiging isang kaibigan.

Alam ko na walang kasiguraduhan tong gagawin ko, na maaring hindi 'OO' ang mataggap ko mula sakanya.

Pero umaasa ako, kahit 1% lang. Na tatagapin na niya ako. Na sasagutin niya ako..

Pero kung hindi pa siya handa, ay paninindigan ko parin ang sinabi ko sakanya. Na handa ko siyang hintayin kung kailan siya magiging handa na tanggapin niya ako bilang Boyfriend.

Ganun ko kamahal si Gab. Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sakanya. Basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya...

Haaay,,, tama na nga ang drama. Ako nga pala si Antonio Carlos Perez. Caloy nalang para mas cool! Parang pang matanda kasi pangalan ko eh.

Simpleng estyudante lang ako. Hindi ako yung matalino, hindi din naman ako bobo. Kumbaga, sakto lang... Business Administration ang course na kinukuha ko.

Sabi nila gwapo daw ako, pero hindi naman nila kailangan sabihin yun. Kasi alam ko naman talaga na gwapo ako eh :p (yabang lang noh)

Gaya ng pagkaka-alam ninyo, pinsan ko si Memeng. Kapatid ng Mama ko ang Papa niya. madalas din akong bumisita sakanila. Malapit din naman kami ni Memeng sa isa't isa.

Matagal tagal ko na ring kakilala yung mga kabarkada niyang sina Lito at Darren. Pero hindi ako ganun ka-close sakanila. Pero madalas ko silang makainuman. Yun lang naman ang hilig gawin nung mga yun eh, ang tumagay...

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon