"Ang Kapalit Ng Lahat"

8K 274 0
                                    

Kinuha ni Andrea ang maliit na kahon. Ipinatong nya ito sa munting altar na ginawa lamang ni Elena.

Muling kinurot ang puso nya ng makita at matitigan nya ang maliit na bahay bahayang gawa ni Elena.

Napangiti sya at..

"Dyan sila naglalaro ng mga munti nyang kaibigan..yan ang kanilang bahay bahayan.."

Muling nalukot ang mukha nya.

Ngunit binawi din nya agad yun ng maalala ang galit sa mag asawa. Muli nyang hinarap ang maliit na kahon.

Sa totoo lang ay magulo ang kanyang isip. Dahil ito ang unang pagkakataong sasalungat sya sa isang napakatindi at di pang karaniwang bulong.

Ang dasal ng ama para sa kamatayan ng sarili nyang anak.

Kahit magulo ang kanyang isip ay alam nya kung paano lahat uumpisahan. Di dahil sa kanya itong pinag aralan,kundi dahil sa kanyang awang nararamdaman para kay Elena.

At buo ang loob nya na kaya nyang gawin lahat,alang alang sa buhay ng bata.

Binuksan nya ang maliit na itim na kahon. Pagbukas nya dito ay tila may malakas na hanging sumampal sa mukha nya.

"Hah.."

Nasilayan nya ang munting libro.

Pagdampot nya dito ay umusok ang kanyang mga kamay at bigla nyang nabitiwan ang munting libro dahil sa napaso sya dito.

"Agh!"

Huminga sya ng malalim. Ipinikit ang kanyang mga mata at may inusal.

Ilang segundo rin ang pinalipas ng pag usal nya at..

"Akina ang sugat mo."

Ang sabi ni Andrea sa ama ni Elena.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Bilisan nyo!!"

Ang sigaw ni Andrea.

Pagtayo ng ama ni Elena at pagtapat kay Andrea ay bigla nitong diniinan ang parte ng dibdib nitong may sariwa pang sugat at tinusok nya ito sa pamamagitan lamang ng kanyang mga daliri.

"Agh!"

Kitang kita ng ina ni Elena at ni Abel kung paano umagos ang dugo ng ama ni Elena mula sa kanyang suot na puting damit.

Nanlaki ang mga mata nila dahil tila isang kutsilyo ang mga daliri ni Andrea na tumutusok dito. At..

"Di ko mabubuksan ang librong yan..tanging dugo ng nag alay ang makakaalis ng selyo nyan!"

At nang naglalawa na ang kanyang kamay sa dugo ng ama ng bata ay pinatulo nya ito sa munting libro.

At ng sumayad na ang dugo sa munting libro ay tila may narinig silang isang tinig. Tinig na tila isang nilalang na nabusog at nakuntento sa kanyang kinain. At..

"Anu po yun nay Laura?"

Ang takot na tanong ni Abel.

"Di ko alam Abel.."

Ang nanginginig na sagot ng ina ni Elena.

"Ito ang unang pagkakataon na mabubuksan ang libro pagtapos ialay ang isang kaluluwa dito..at ito rin ang unang pagkakataon na ginamit mo ito ama!"

Sandali pa at..

Napangisi si Andrea.

Nang matuyo at higupin ng munting libro ang dugo ay alam nya na,na maumpisahan nya na ang lahat.

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Where stories live. Discover now