"Ang Aking Panauhin"

8.8K 266 7
                                    

Elena's POV-

Hatinggabi ng may kumatok ng marahan sa pintuan namin. Ito na yata ang aking hinihintay.

Pinagbuksan ni Abel ng pinto ang aming panauhin.

Nagulat ako sa nakita ko,isang dalaga ang aming bisita. Ngayon lang may dalagang dumulog sa amin. Anu kaya ang gusto nito.

Pinaupo sya ni inay at itinanong kung ano ang kailangan nya. Ang sabi ng babae ay gusto nya daw maturuan ng leksyon ang malanding babae na humuhuthot ng pera ng kanyang nobyo,at gusto nya daw na pumangit ito para layuan na ng kanyang nobyo. Nang nalaman na ni inay ang kanyang gustong mangyari ay nanghingi na sya ng kahit anung pag aari ng babae. Nakita kong naglabas ng litrato ang babae. Di ako nakatiis at lumapit na talaga ako.

"Ang ganda nya.."

Sambit ng makulit na dila ko.

Napatingin bigla sa akin ang babae at..

"Ayos lang po ba na narito lang ang bata at nakikinig sa'tin?"

Ang tanong ng dalaga sa aking ina. Ang di nya alam..ay ako ang tatapos sa problema nya.

Ngumiti lang ako at lumayo na. Halos lahat ng mga lumalapit sa amin ay walang alam na ako ang nagsosolusyon sa mga problema nila. Ang buong akala ng lahat ay ang mga magulang ko ang gumagawa nito. Ngunit yun ang akala nila. Ako lang at ang aking mga insekto..

Hindi nagtagal ang usapan,pagtapos ng kasunduan ay magbabayad muna ng kalahati at pag natapos na ang trabaho at nasiyahan sila ay saka ibinibigay ang kabuuan. Ngunit malungkot kong sasabihin na halos ilan lang madalas ang nasisiyahan sa trabaho ko.

Madalas kasi ay gusto lamang nilang maghirap at madala ang mga ito. Ngunit madalas din kapag ako ay nasisiyahan ay nakakalimutan kong hanggang dun lamang pala..At mapapansin ko na lang na huli na pala..naputol ko na ang hininga nila.

Ganun madalas ang kinalalabasan ng trabaho ko kung kaya at madalas kaming lumipat. Di ko kasi talaga mapigilan lalo na pag nakiusap na sa akin si Ben. Kahit kailan ay talagang di ko natatanggihan si Ben. Parang kapatid na kasi ang turing ko sa kanya.

Nagpaalam na ang dalaga at inihatid na nila tatay hanggang sa labas lamang.

Pagtapos nun ay lumapit sa akin ang inay at iniabot ang litrato.

"Hindi daw papatayin yan! Wag matigas ang ulo mo!"

Ang paalala sa akin ng inay. Kumibit balikat lang ako sabay ngiti.

Nagmamadali pa ako dahil sa labis na pagkasabik sa aking gagawin. Ang huli ko pa kasing paglalaro ng matagal ay mga ilang linggo na rin ang nakakalipas.

"Halika na Ben..hi hi..saka na natin atupagin si Abel..Hi Hi Hi.."

Ang bulong ko sa aking sarili.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay isa isa ko ng inilabas ang mga kaibigan ko. Pinipili kong mabuti kung sino sa kanila ang nararapat sa aking misyon ngayon.

"Ikaw? Ikaw? Hmm..ikaw ang mas bagay! Hi hi.."

Ang aking napili ay ang mga sundalo kong langgam na itim. Ang mga langgam kong ito ay di basta langgam lang..nakuha ko pa ito sa nahukay kong bangkay ng sanggol sa malapit na sementeryo sa aming dating tinirhan. Ang mga langgam na ito ay maiitim na maliliit at masakit mangagat.

At ang mga sundalong ito ang nababagay dahil sa malandi daw ang babae. At naaalala ko pa ang dating sinabi ng aking panauhin na makati daw ang mga babaeng nang aagaw ng asawa kung kaya at naisip kong sila ang gamitin.

"Hik Hik Hik.."

Ang hagikgik ko. At nag umpisa na ako sa aking trabaho.

Kumuha ako ng isang garapon sa aking paboritong baul.

Inilagay ko ang litrato ng babae dun. Isa isa kong kinausap ang aking mga sundalong itim na langgam ibinulong ko sa kanila ang aking mahiwagang orasyon.

At sinabi ko rin sa kanila ang gagawin nila. Unti unti ko silang ipinasok sa loob ng maliit na garapon. Nakikita kong nag uunahan pa sila. Ang sabi ko sa kanila ay umpisahan nila sa paa,pagapang paakyat sa kanyang mukha.

Sunod na inilagay ko ang maliit na piraso ng bulok na kahoy. Iyun ang magsisilbing tirahan ng aking mumunting si Ben. At ang huli ay konting lupa,para naman sa aking mga sundalo.

Ang lahat ng mga inilagay ko doon ay para sa dalaga. Lupa at bulok na kahoy nga iyon ngunit nakakulong dun ang kaluluwa ng dalaga. Ang mga bagay na yun ang magsisilbing sya. At dahil sa isa sya sa mga makakati kung kaya at nilagyan ko sya ng mga langgam. Dahil makati ang kagat ng langgam. Ang pinagkaiba nga lang ay isang buong lahi ng langgam ang kakagat sa kanya. At para naman sa kahoy na nabubulok na,yun ay para sa katawan nya. Unti unti syang matutuyo hanggang sa magmukha na syang kahoy. At di naman titigil si Ben hanggat di nya nauubos ang laman nito.

Tumingin ako sa orasan. Alas dose pasado na pala. Ito ang magiging oras ng pag atake ng mga kaibigan ko sa kanya. Sa ganitong oras nya lahat mararamdaman yun.

Pagpatak mismo ng itinakdang oras ng aking orasyon nya mararamdaman lahat. Sisigaw sya ng todo sa sobrang kati at sakit ng mga kagat nila.

"Ha Ha Ha!! Ha Ha Ha"

Napakasarap ng pakiramdam ko. Buhay na buhay na naman ang mga kalaro ko.

Maging sila ay nakikita kong sabik na sabik.

"Hanggang bukas muli...mga kaibigan ko..Ha Ha Ha!"

Ang paalam ko sa kanila.

"Bukas ay matitikman nyo na sya! Ha Ha!"

Paggising ng babaeng makati bukas ay mararamdaman nya na unti unti ang galit ng dalagang kanyang inaagawan ng nobyo.

"Ha Ha Ha! Ahahaha!!"

At muli..pinakawalan ko ang isang napakasarap sa pandinig kong tawa..

Itutuloy..

June_Thirteen

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant