"Paalam..Munting Kaibigan"

8.3K 267 4
                                    

Elena's POV-

Nahuli ako.

Nakahanap na sila ng gagamot sa dalaga bago pa man makarating dito ang dalagang nagpagawa nito.

"Aahh! Aahh!"

Ang hapdi na lalo ng mga balat ko. Tila nasa loob ako ng isang pugon. Manghingi kaya ako ng tulong kina inay?

Ngunit..

Bakit ko kailangang gawin yun?

Ito nga ang unang pagkakataon na may makakalaban ako at gusto kong harapin ito ng ako lamang. At hindi ako magpapadaig sa kanya.

***

Samantalang kina Andrea naman ay-

Ipinapahid pa rin ni Andrea ang malabuhanging bagay sa mga bitak na balat ng dalaga.

"Wag kang mag alala..di ka naman masasaktan dito..ang lahat ng gagawin ko sa'yo ay sya ang makakaramdam.."

Ang nakangiti pang sabi ni Andrea sa dalaga.

Pagtapos ni Andrea sa pagpahid ay tumayo ito sa harapan ng dalaga at..

Hinawakan nya sa ulo ang dalaga at..

***

Elena's POV-

"Agh! Ang ulo ko!! Bakit di ako makagalaw!!"

Sabay sa paghapdi ng mga balat ko ang bilang pagtigas ng buong katawan ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam?

Nasasaktan na talaga ako!!

Pero di ako papatalo..papatayin ko ang dalagang ito kapag ginalit ako ng manggagamot na'to!

"Agh! Agh!"

Nanginginig na ang buong katawan ko sa sakit.

Ang sakit..parang di ko kakayanin.

"Hah Hah Hah.."

Kinakapos ako ng hininga. Parang may nakabara sa lalamunan ko papunta sa dibdib ko..

"Hah Hah Hah.."

***

Andrea and Elena's POV-

Paghawak ko sa ulo ng dalaga ay agad kong naramdaman ang bata. Di naman pala sya ganun kalakas. Para lamang syang naglalaro.

"Sino ka??"

Ang unang tanong ko sa kanya.

"Sino ka?? Bakit ka nakikialam??"

Ang sagot ng dalaga sa akin na boses ng bata ang lumalabas. Kitang kita ko sa mga mata ng kanyang mga kasama ang kilabot sa nasasaksihan nila.

***

Si Elena-

Kanino ang mga boses na yun??

Nasasaktan na talaga ako! Sino itong kausap ko?? Ganito ba talaga ito??

"Sino ka at bakit ka nakikialam??"

Ang bulyaw kong pabalik sa kanya.

***

Si Andrea-

Mukhang matigas ang ulo ng batang ito.

"Anung nagawa nya sa'yo at bakit ginanito mo sya?"

***

Si Elena-

"Wala kang pakialam manggagamot! Di ka dapat pumapasok lang basta basta!"

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon