"Ang Sermon"

8.2K 248 1
                                    

Mula sa kanilang bahay ay dinig ni Elena ang sigaw ng batang lalaki. At alam nya kung bakit ito sumisigaw.

Sa kanilang kapitbahay-

"Anu ba kasi nangyari dyan sa sugat na yan! Namamaga na!"

Ang sigaw ng nanay ng kapitbahay nila.

"Sumabit lang yan nay sa pako!"

Ang sagot naman ng batang lalaki.

Tiningnang mabuti ng kanyang ina ang sugat ng batang lalake. Nakita nyang nagnanaknak ito. Napansin nya rin na tila sobrang maumbok ito para sa isang malalim na gasgas lamang.

"Linisin mo yan at ng malagyan ng gamot? Bilisan mo! Kesa panay ang sigaw mo dyan!"

Ang sermon sa kanya ng ina.

"Nay..para kasing may mga tumutusok sa loob eh..parang may kumakagat ng maliliit sa loob eh.."

"Dalhin nyo kaya ako sa doktor! Baka tulad ng sa kaklase ko 'to..natetano!"

Ang makulit na sagot ng batang lalake.

Saglit nag isip ang kanyang ina at..

"Sige..mag ayos ka na,pumunta tayo sa bayan..dun sa may center..bilisan mo lang!"

At dadalhin nya nga ang bata sa gamutan.

Lingid sa kaalaman ng mag ina na nasa tabing bakod lamang si Elena at nakikinig sa kanilang usapan.

"Center? Ha Ha! Ako ang kailangan nyo at di doktor! He He.."

Ngumingiti ngiti pang sabi nito.

***

Elena's POV-

Ang akala siguro nila ay magagamot ng doktor ang sugat ng mayabang nilang anak. Mas lalakas pa ang sigaw mo dyan kapag nakita mo ng may itlog ng bangaw ang sugat mo. Tapos makikiliti ang buong katawan mo kapag nag umpisa na silang magpisaan.

"Hi Hi.."

Ngunit wag kang mag alala. Dahil pagtapos na nilang magsipisa ay aalisin ko na silang agad. Magugulat na lang kayo na parang wala lang nangyari.

At pagtapos nun,gagaling na agad ang sugat mo. Ngunit kapag pinikon mo ako? Papatayin na kita.

Isa isa kong palalabasin sa lahat ng butas ng katawan mo ang mga bangaw ko at tanging maiiwan ay ang maliliit na mga uod nito na syang kakain sa buong katawan mo.

"Hi Hi.."

Mangingilo ka sa sumasagitsit na tunog ng mga nagsisiksikang mga uod sa buong katawan mo. At di magtatagal ay mauubos na nila ang lahat ng laman mo.

"Ha Ha Ha!! Ha Ha!!"

Yan talaga ang bagay sa mga mayayabang na tulad nyo!

***

Kinagabihan-

"Elena..sandali nga!"

Ang sabi ng kanyang ama sa kanya. Alam na ni Elena agad ang sasabihin ng ama. Nakayuko syang lumapit dito at..

"Sya po kasi tay eh..inaway nya ako at sinabihan pa po ng baliw.."

Di pa man nagtatanong ang ama ay nagsalita na agad si Elena.

"Ihinto mo na agad yan..di ba kabilin bilinan ko sa'yo na wag kang gagawa ng kalokohan dito?? Dito kung saan tayo nakatira?? Di pa ba sapat ang ilang beses na nating paglipat??"

Galit ngunit mahinang salita ng kanyang ama.

Nag umpisang umiyak si Elena. Nakayuko ito at natatakpan ng mahabang buhok ang kanyang mukha.

"Gusto ko bukas din ay tapos na yan! Nagsindi ka ba ng kandila nya??"

Ang bulyaw na sa kanya ng ama.

"Hi..hindi po tay.."

Ang sagot ng umiiyak na si Elena.

"Mabuti naman!! Pumunta ka na sa kwarto mo at tapusin yan!"

Galit na sabi ng kanyang ama.

Sumunod naman agad si Elena. Lumakad sya papasok sa kwarto habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Masamang masama ang loob nya dahil para sa kanya ay tuturuan nya lang naman ng leksyon ang bata. Ngunit naisip nya rin na baka kaya lang nagalit ang kanyang ama ay dahil nga sa kapitbahay lang nila yun at baguhan pa lamang sila.

Pagpasok nya sa kwarto ay naupo sya sa tapat ng kanyang altar. Tiningnan nya ang garapon na pinaglagyan nya ng dugo ng bata. Umiiyak pa rin sya. At masama talaga ang loob nya.

Dinampot nya ang garapon. Sinilip ang kanyang mga bangaw.

" Patawad po tay..pero ayoko! Gusto ko syang gantihan sa kayabangan nya!"

Galit na sambit ni Elena.

At wala syang balak na ihinto yun. Sumubsob sya sa kanyang maliit na altar at nag iiyak. Iyak sya ng iyak at..

"Kasalanan nyo 'to eh..Hu Hu..gusto ko magkaron ng kalaro..gusto ko maglaro eh..pero ayaw nyo..Hu Hu..ayaw nyo.."

Ang malungkot na sabi nya habang nakayukong umiiyak.

Ang nais nya lamang talaga ay kalaro. Kahit na ganun si Elena ay bata pa rin ang puso nya. Umedad na nga lang sya ng ganun ngunit di pa rin talaga natikman ang magkaroon ng kaibigan.

Hindi nakikita ng mga magulang nya ang mga bagay na kulang sa pagkatao nya. Ang tanging iminulat lamang nila sa kanya ay ang kanilang mga paniniwala. Nakalimutan nilang kailangang pagdaanan ang kabataan. Minulat nila si Elena sa mundong kanilang ginagalawan simula't sapul pa. Ngunit di sila nakaramdam ng awa dito. At dahil yun sa paniniwala nila. At ngayon,nahihirapan naman silang kontrolin ito.

Habang lumalaki sya ay mas gumagaling pa sya at ginagawa nya na lang laro ang pagpatay. Lalo na sa mga kinaiinisan nya lamang.

Pinunasan nya ang mga luha nya. Tumayo sya at pumunta sa kanyang baul. Binuksan nya ito at agad na dinampot ang isa pang kandilang itim. Ang kandila nyang di pangkaraniwan.

Lumakad sya pabalik sa kanyang altar at itinayo ang kandila.

Ipinikit nya ang kanyang lumuluha pa ring mga mata at..

"Elena!"

Sisindihan nya na sana ang kandila ng marinig ang tawag sa kanya ng kanyang ina. Dali dali nyang kinuha ang kandila at ibinalibag sa kanyang baul.

"Tsk!"

Ang pitsi nya dahil..

Naudlot ang balak nya.

Itutuloy..

June_Thirteen

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Where stories live. Discover now