"Ang Muli At Huling Pagkikita"

7.6K 259 5
                                    

Di nag aksaya ng oras si Andrea. Sumama sya sa batang lalake na di man lang nya talagang kilala ngunit di sya nagdalawang isip.

Sinuong nila ang malakas na ulan at binaybay ang maputik na daanan. Kahit na sobrang layo ay di yun ininda ni Andrea.

Dahila ramdam nya ang totoong pangangailangan ng mga taong yun sa tulong nya.

Padilim na ang langit ng makarating din sila. At di pa rin tumitila ang ulan.

"Andito na po tayo.."

Ang sabi ni Abel.

Nanatiling nakatayo si Andrea at pinagmamasdan ang paligid. Di naman gaano nakakatakot dahil may mga kapitbahay kang madadaanan at may isang maliit na bahay ding katabi ang bahay na pinasukan ng bata.

Muli syang tinawag ni Abel.

Pagpasok nya sa loob ng bahay ay naramdaman nya agad ang di normal na paligid nito.

Sinalubong sya ng ina ni Elena at..

"Ikaw ba ang manggagamot?"

Ang matamlay na pagbati nya kay Andrea.

At..

"Dahil sa iyo kung bakit nagkaganyan sya.."

Nagulat si Andrea sa tinuran ng babaeng sing edaran lang nya.

"Ako?"

Ang matipid namang sagot ni Andrea.

"Naroon sya loob at naghihintay ng kamatayan nya.."

Umiiyak na sabi ng ina ni Elena kay Andrea.

Di kumibo si Andrea at tuluyang lumakad papasok sa kwartong itinuro sa kanya.

Pagpasok nya ay nangilabot sya sa nakita nya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Ang batang malungkot na mahaba ang buhok na madalas nyang maisip ay nakita nyang nakahiga at kulay itim ang mga binti hanggang sa kanyang kamay.

Nilibot nya ang kanyang mga mata sa kwarto at..

"Dito nya ginagawa ang trabaho nya.."

Ang sambit ni Andrea.

Lumingon sya sa kabilang sulok at nakita nya ang ama na nakaupo at tila wala na sa sarili. At..

"Gusto kong gamutin mo sya..bawiin mo sa kanya ang sumpa ko..ang mga bulong ko."

Ang sabi ng ama ni Elena.

Tinitigan ni Andrea si Elena. Hinaplos nya ang mga binti nito at..

"Nasa hukay na ang bahagi ng katawan nya na ito.."

"Konting oras na lang at aakyat na ito sa kanyang puso."

Di napigilan ng ina ang kanyang damdamin at sinigawan nito si Andrea.

"Ikaw ang lahat ng may kasalanan nyan! Kung di ka nanghimasok sa mga ginagawa nya ay sana buhay pa sya ngayon!!"

Galit na usal nito.

"Pareho lamang tayo na napag uutusan at di maka ayaw.."

At..

"Kung di ako nanghimasok ay malamang patuloy pa rin sya sa gawain nya..na kayo ang may kasalanan lahat!"

Nakasalubong na ang mga kilay ni Andrea.

"At ngayon?? Iniiyakan nyo sya dahil sa kamatayan na kayo mismo ang nagbigay??!!"

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Where stories live. Discover now