"Bulong"

7.9K 266 9
                                    

Pagdating na pagdating ni Elena sa kanilang bahay ay agad na nagkulong ito sa kanyang kwarto. At..

"Ang boses na yun..sya ang manggagamot!"

Ang pabulong na sambit ni Elena habang habol pa ang kanyang hininga.

"Ngunit! Naabot nya ang aking buhok at naramdaman ko ito!"

"Anung gagawin ko??"

Natataranta si Elena sa nangyari.

Lumalabas ang kanyang pagkabata.

At ngayon ay natututo na syang matakot.

At ang kanyang kinatatakutan ay ang manggagamot.

Naupo na lamang sya sa tabi ng baul nya at..

"Ben.."

Sambit nito.

"Ben..asan ka na?"

Ang muling sambit ni Elena sabay sa pagbukas ng kanyang baul.

Tila may hinahanap ito. At saglit pa nga at nakita nya na ang hinahanap.

Dinampot nito ang isang lalagyan ng posporo. Niyakap nya ito at hinalikan.

"Ben..sana nandito ka para may kausap ako.."

Ang kahon pala ng posporo ay ang ginawa nyang libingan ni Ben. At ngayon ito ay hawak hawak nya at iniiyakan pa.

Kung makikita lamang sya ng mga tao na ganito ay di nila iisiping masama sya. Sya ay mistulang bata lamang na iniiyakan ang kanyang laruan.

Sya nga ay utak halimaw ngunit pusong bata pa rin,na sabik sa kalinga at pansin.

At tumulo na naman ang mga luha nya. Sa sobrang lungkot nya sa pagkamatay ni Ben ay di na nya naisip ang pagganting pinaplano nya para sa manggagamot at..

"Tama nga kayo..Hu Hu..Na ang pagmamahal ang sisira sa lahat..Hu Hu.."

"Ayoko na..Hu Hu..gusto kong mag aral at maglaro..Hu Hu.."

At muli nyang niyakap ang maliit na kahong nagsisilbing libingan ng kanyang matalik na kaibigang anay.

***

Ang ama ni Elena at si Abel-

Pagdating ni Abel sa bahay ay agad syang pumunta sa kwarto ng ama ni Elena. Halos magkasunuran lang sila ni Elena na dumating. At sadyang pinauna nya si Elena bago sya pumasok ng bahay.

At dun,ay may lihim silang pinag uusapan.

"Natagpuan mo ba sya?"

Ang tanong ng ama ni Elena kay Abel.

"Opo."

Ang nakangisi pang sagot ni Abel.

"Ipinagtanong ko po sya sa bayan..at agad ko naman syang natagpuan dahil sa tiyempong narun sya sa pamilihan kanina."

Ngumisi lamang ang ama ni Elena.

Ang ipinahahanap pala ng ama ni Elena kay Abel ay ang manggagamot na si Andrea.

"Asan ang nakuha mo?"

"Ito po.."

Ang sabi ni Abel sabay abot ng mga buhok na nakuha nya sa kamay ni Andrea.

"Hmm.."

Tiningnan ng kanyang ama ang mga buhok. Palibhasa ay walang pakialam sa anak kung kaya at di nya alam na ang buhok palang ibinigay sa kanya ni Abel ay ang buhok ni Elena.

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz