"Elena ang ngalan ko..."

14.5K 344 10
                                    

TEASER

"ELENA ang ngalan ko..."

"Naging malupit ang tadhana para sa akin. Hindi man lang niya ako binigyan ng masayang kabataan, ni wala matatawag kahit na isang kaibigan kung'di ang mga insektong madalas kong paglaruan.

Wala akong ginawa kung'di ang tumulong sa aking mga magulang. Walang ginawa kung'di ipaglaban ang karapatan. Wala naman talaga akong ipinagkaiba sa lahat. Ako rin ay tao lamang, sugatan mo ako at magdurugo rin ito. Iyun nga lang..

Ay kung kaya mo!

Sa murang edad ko na 'to ay kaya kong kitilin ang buhay mo sa loob lamang ng bente kwatro oras, at iyun ang isang bagay na ikinaiiba ko. Ako ang pinaka-malupit na armas ng mga magulang ko..

Ako at ang aking mga insekto.

Elena ang ngalan ko, trese anyos. Nag - iisang tagapagmana ng itim na karunungan ng aking mga magulang.

Sa napakaraming lugar na aming pinuntahan at pinagpirmihan ay dito sa isang maliit na baryo manganganib ang buhay at hanapbuhay na matagal na naming iningatan. Dito lang pala namin mahahanap ang aming katapat.

Ngunit hindi kami ganoon kadaling pasukuin. Lumalaban kami hanggang kaya namin kung lalo na sa tulad niya lamang na isang..

Apo ng manggagamot..

Itutuloy..

June_Thirteen

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon