"Kalaro"

9.4K 270 6
                                    

Dahil sa nababagot si Elena sa bago nyang lugar ay naisipan nya munang lumabas ng bahay at maglakad lakad.

Nagpunta sya sa likuran ng kanilang bahay. Nakita nya ang isang nakataling tandang na malapit lang sa kanilang bakuran. Nilapitan nya ito. Natuwa sya dito kung kaya at sinubukan nyang hulihin.

"Ha Ha?!"

Ang syang tawa nya habang panay ang dakma nya sa tandang na pilit namang lumilipad papalayo sa kanya.

Nang biglang lumabas ang anak ng kapitbahay nila at..

"Hoy! Bakit pinaglalaruan mo yang manok namin?? Isusumbong kita sa tatay ko!"

Ang sigaw ng batang lalake kay Elena.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng manok ah!!"

Pahabol pang sabi nito.

Ngumiti lamang sa kanya si Elena. At itinuloy pa rin ang paghuli sa manok.

"Sinabi ng tigilan mo yan eh!!"

Muling sigaw nito.

At lumapit na ang bata sa kung nasaan naroon ang tandang at pilit nyang hinihila ang manok pabalik sa kanilang bakuran dahil sa halos humalik na sa lupa ang manok kaka alpas kay Elena.

Pilit pa ring hinihila ng bata hanggang sa..

"Aray!"

Sambit nito.

Sumabit ang braso ng batang lalaki sa isang kahoy na may nakausling pako dahilan para mahiwa sya at magkaroon ng mahabang sugat.

"Ikaw kasi eh! Para kang baliw!"

Ang sabi ng bata kay Elena.

Nagsalubong ang kilay ni Elena sa sinabi ng batang lalaki sa kanya.

"Pareho kayo ng nanay mo..baliw ba ako??"

Ang bulong ni Elena.

Natakot ang bata sa itsura ni Elena. Tatakbo na sana ito ng bigla syang hilahin ni Elena.

Nadulas ang bata at mas lalo syang sumadsad sa kahoy na may pako. Nadagdagan ang kanyang sugat ngunit mas malalim na ngayon. Pilit syang tumatayo ngunit mas madiin ang pagkakahawak sa kanya ni Elena sa damit kung kaya at dumadausdos lang sya pabalik. Nagdurugo na ang sugat ng bata at malapit na rin itong umiyak.

"Aray ko!! Anu ka ba!"

Matapang na sagot ng bata sabay palo sa kamay ni Elena.

Nabitiwan naman ni Elena ang damit nya at dali dali na ring tumayo ang bata. Tiningnan ng bata ang kanyang sugat.

"Kita mong ginawa mo! Baliw ka! Baliw!"

Ang sigaw ng bata sa kanya sabay takbo pauwi.

"Ha Ha!"

Ang tawa lang ni Elena.

Ang di alam ng bata ay sinadya ni Elena ang masugatan syang talaga at paduguin ito.

Sinipat na ni Elena ang pako kung saan sumabit ang braso ng bata. Binaybay nya kung saan banda may dugo rito at..

"Ayun!!"

Nakangiting sabi ni Elena habang sinasalok ang maliliit na patak ng dugo ng bata. At ng nakakuha na sya ng sapat ay dahan dahan syang lumakad papasok sa kanilang bahay,at ingat na ingat syang makita ng kanyang ama at ina.

"Hik Hik.."

Hagikgik ni Elena habang dahan dahang isinasara ang pinto ng kanyang kwarto.

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Where stories live. Discover now