"Ang Umpisa Ng Kirot"

7.5K 265 6
                                    

Masama ang panahon kinabukasan. Tila nakiisa sa nagluluksang mga kaluluwa sa paligid nila.

Nagtaka ang kanyang ama at ina ni Elena dahil di pa ito lumalabas sa kanyang kwarto.

"Tanghali na! Abel! Katukin mo na nga si Elena."

Ang utos ng ama nito kay Abel.

At pinuntahan nga ito ni Abel. Di pa man sya nakakakatok ay bumukas na ang pinto.

Nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya.

Si Elena ay nakabaluktot at nangingitim na.

"Aaahh!! Tatay Rey!! Si Elena!!"

Malakas na sigaw ni Abel.

Nabitiwan ng kanyang ina ang mga plato na hawak hawak nya at nagkasabay pa sila sa pagtakbo patungo sa kwarto ni Elena.

"Anak??!!"

Ang sigaw ng kanyang ina sabay ang pagkalong kay Elena.

Natigilan ang kanyang ama sa nakita nya. Tila alam nya ang dahilan dahil sya ang may gawa nito at alam nya ang nagiging itsura ng mga binubulungan ng pinakamatindi nilang dasal.

Napahawak sya sa kanyang mukha.

Ibinaling nya ang kanyang tingin kay Abel at..

"Pak! Pak!"

Dalawang magkasunod na sampal ang ibinigay nito kay Abel. At..

"Kaninong buhok ang ibinigay mo sa akin?? Kanino talaga yun!! Walangya ka!!"

Ang sigaw nito kay Abel habang unti unti nyang nilalapitan.

Nanlilisik ang mga mata ng ama ni Elena. Tila sa mga titig nito kay Abel ay gusto nya nang kitlin ang buhay nito nung mismong oras din na yun.

"Sa manggagamot ko po talaga nakuha yun.. Binangga ko sya at pinilas yun sa mga kamay nya..Hu Hu..maawa po kayo sa akin.."

Nangingini sa takot na sagot ni Abel.

"Pinilas sa mga kamay nya?"

Ang banggit ng kanyang ina. At..

"Di kaya nagkita si Elena at ang manggagamot sa bayan kahapon? Nagpaalam kasi syang magpapasyal dun..di kaya.."

Di na naituloy ng kanyang ina ang sinasabi.

Umiiyak na sya.

Mahal din pala nila ang anak. At ang kanyang luha ang patunay.

Nanatiling nakapikit si Elena at tila natutulog. Ang kalahati ng kanyang katawan umpisa sa kanyang mga paa ay nangingitim na.

"Unti unting kakainin ng kamatayan ang kanyang kaluluwa..kapag umabot na ang itim na kulay na yan sa kanyang puso ay hihinto na lamang ang tibok nito.."

Umiiyak na rin ang kanyang ama.

Nilapitan nya ang anak at hinaplos ang mukha.

"Hah..Hah..Patawad anak..anak ko..Hah..Hah.."

Ang kanyang hagulgol sabay ang pagluhod sa harapan ni Elena.

"Ilang araw lang ang itatagal nito..at mawawala na sya ng tuluyan..Hu..Hu..Anung pwede nating gawin Rey!! Magsalita ka!!"

Bulyaw ng ina ni Elena sa kanyang asawa habang sinasampal nya ito paulit ulit.

Di sya kumibo. At..

"Hanapin nyo ang manggagamot..ipagagamot natin sa kanya si Elena.."

Si Elena( Ang Ikatlong Yugto Ng Buhay Ni Andrea )Where stories live. Discover now