Special Chapter: Paul Eldrin's Story

152 7 19
                                    

Ito na muna ang update. Magfo-focus muna ako sa contest na sasalihan ko. Saglit lang naman yun eh. Mga 5 chapters lang naman yung gagawin ko. Tapos balik na ulit ako dito. Sana suportahan niyo ako. :3

Click niyo lang po yung external link. Yun pa po yun. :3

Short and lame update lang pala to. Vote at comment kayo ha? :)

Welcome nga pala sa mga new readers nitong IRIATW. Enjoy!

--

Special Chapter: Paul Eldrin’s Story

Matalinong bata si Paul. Sa katunayan pa nga, siya ang Valedictorian ng school nila nung Grade 6 siya. At simula Grade 1 hanggang Grade 5, laging siya ang Top 1 ng batch nila. Matalino nga talaga siyang bata!

Nagmana lang naman si Paul sa tatay niya na Summa Cum Laude nung nagtapos siya ng kolehiyo at Top1 pa sa Board Exam! Matalino nga talaga siguro ang lahi nila Paul. Pero mukhang ang katalinuhan rin yata ang magpapagulo sa buhay ng bata.

Nag-iba na ang takbo ng buhay ni Paul nung pumasok na siya sa Sekundarya. Madalas, hinahanap-hanap na siya ng mga babae sa school nila. Nagtataka nga siya eh. Hindi naman siya kagwapuhan pero habulin siya ng babae. Marami tuloy lalaking naiinggit sa kaniya at tila gusto nilang malaman ang sikretong meron si Paul. Pero, kahit naman si Paul ay hindi alam kung ano bang nangyayari sa paligid niya. Medyo magulo pero ayos lang naman sa kaniya. Hindi pa siya nakakaranas ng ganito—‘yung hinahabol-habol ng mga babae.

Nung siya ay nasa ikalawang tao na, dumating sa buhay niya si Pamela. Pero sa totoo lang, matagal niya ng kilala ang babae. Sa katunayan, crush niya pa nga ito. Kaya laking tuwa niya nung umamin din si Pamela na may gusto rin siya sa lalaki.

Hindi naman nagtagal ay naging sila na ni Pamela. Pero ang akala niyang magiging masaya sila ay mali pala. Tila ginawa siyang alila ng babae. Madalas ay siya ang pinapagawa nito ng mga assignments at projects ng dalaga. Pero ayos lang naman ‘yun kay Paul dahil mahal na mahal niya si Pamela, at gagawin niya ang lahat mapasaya lamang ang dalaga.

Pero mukhang si Paul lang ang nagmamahal ng lubusan sa kanilang dalawa.

Dumating ang mga araw na medyo iniiwasan na ni Pamela si Paul at nagpapakita na lamang ito kapag may ipapagawa siya assignment o project sa lalaki. Gustong itanong ni Paul kung may problema ba kaso wala siyang lakas para gawin ito. Pero kahit ganun pa man ang sitwayon nila’y tuloy-tuloy pa rin sa pagsunod ang lalaki sa mg autos ng babae.

Pero isang araw…

Naglalakad-lakad si Paul sa mall upang bumili ng mga gamit para sa project na pinapagawa ni Pamela. Pero maya-maya’y nakita niyang may kasamang ibang lalaki si Pamela. Nung una, inisip niya na lamang na pinsan ito ng dalaga. Pero nugn sinundan niya na ito, iba na ang kaniyang nakita. Magkahawak na ang kanilang mga kamay. Pwede ba ‘yung gawin ng dalawang magpinsan? Pero mas malala ang sumunod. Nakita niya silang naghahalikan. ‘Yun. ‘Yun ang hindi pwedeng gawin ng magpinsan. At mukhang… ipinagpalit na nga siya ng dalaga.

Lumipas ang araw... tinapos niya ang proyektong ipinapagawa ng babae. Pero iba ang naging kinahinatnan nito. Puno ito ng galit at hinagpis. At balak niya itong ipakita sa babae. Para lamang malaman niya kung gaano ba kasakit ‘yung ginawang panloloko sa kaniya ng dalaga.

Kinabukasan…

“Paul!” Tawag sa kaniya ng isang babae. Malamang, si Pamela na ito. Lumingon siya at nginitian ang papalapit na babae. “Nagawa mo ba ‘yung project ko?” Sambit ng babae. Ngumiti si Paul, pero may kasamaang nakabalot sa ngiti niya.

“Oo naman. Basta para sa’yo.” Pabiro niyang sambit.

Binuksan ni Paul ang bag niya upang kunin ang proyekto ng dalaga. At habang kinukuha niya ito ay iniisip niya na ang magiging reaksyon ng dalaga.

“Ito oh.” Inabot niya ‘yung isang makulay na notebook sa babae. Isang scrapbook kasi ang proyekto ng babae.

“Salamat.” Sabi ng babae, sabay ngiti.

“Walang anuman.” Pagkatapos non ay umalis na agad si Paul.

Nagandahan ang dalaga sa ginawang proyekto ng kaniyang kasintahan, na niloloko lang naman pala. Pero mahal niya rin naman ang lalaki, sadyang wala lang itong dating at hindi ganon maipagmamalaki ang itsura. Pero kung patalinuhan naman ang usapan, aba’t wala ng makakadaig pa sa lalaki! Kaya niya nga minahal ‘yung lalaking ‘yun para sa talino eh. Para sa talino lang, wala ng iba. Oo. Ginagamit niya lang ang lalaki para sa sarili niyang kapakanan.

Simula nung naging sila, halos tumaas lahat ng grades niya dahil ang lalaki ang gumagawa ng assignments niya at ng mga projects niya. Pero nagsasawa na rin siya sa lalaki dahil kapag magkasama sila, wala naman silang ibang pinag-usapan kundi ang pag-aaral at kung ano-ano pang may kinalaman sa pag-aaral. Ginawa niyang alila ang lalaki at hindi niya ito minahal kahit kaunti.

Si David. Siya ang isa pang lalaki ni Pamela. Matipuno, gwapo, at maipagmamalaki talaga ang kaniyang itsura. Hindi man siya ganun katalino, maipagmamalaki pa rin naman siya. Matagal ng kilalani Pamela si David at matagal niya ng alam na may gusto ang lalaki sa kaniya. Kaya nung na-bored siya sa relasyon nila ni Paul ay pinagbigyan niya na si David. At mas naging masaya nga siya kay David. Kaso nga lang, ayaw niyang bitawan si Paul dahil wala ng gagawa ng mga projects at assignments niya.

Isang scrapbook ang pinagawa niya kay Paul. Mukhang pinaghirapan ito ng lalaki. Nung binuksan niya ito… bumulaga sa kaniya ang mga ipis. ‘Yung iba pa nga ay nagliparan!

“Aaaaaaaahhh!!” Sigaw ng dalaga. At tuluyan niya ng nabitawan ang libro na isa pa lang lalagyan ng ipis! Binutas ang gitna ng libro upang magsilbing sisidlan ng mga ipis. Nagliparan at nagkalat ang mga ipis sa paligid. Ang babae naman ay pilit na inaalis ang mga ipis na dumikit sa kaniya. Takot ang ipis sa dalaga. At mukhang malala ang traumang naabot niya.

Tagumpay. Iyan ang naramdaman ni Paul ng marinig niya ang sigaw ng babaeng mahal niya pero niloko lamang siya. Sapat na iyon para sa kaniya upang ipabatid ang galit na naramdaman niya nung nakita niyang ipinagpalit siya. Ginamit lang siya ng babae. Pero, kinalimutan niya na iyon. Nakapaghiganti na siya.

Lumipat si Paul ng paaralan. Ayaw niya ng balikan ang mga masasamang nangyari sa kaniya. Nagbago na siya. Nagpaputi siya. Ipinaayos niya ang ngipin niya. Gwapo naman talaga siya eh kaya hindi niya na kailangang baguhin pa ang hugis ng mukha niya. Tinanggal niya na ang salamin niya. Nag-ehersisyo siya para maging kaakit-akit ang katawan niya. At hinding-hindi na siya magpapaloko uli sa mga babae. ANG KANYA, KANYA LANG. BAWAL MANG-AGAW.

Kaya nung nakita niya si Steph, nasabi niya na lang sa sarili niya, “Akin lang siya at wala ng ibang pwedeng umagaw sa kaniya.” Handa niyang banggain lahat ng mga humaharang sa daan niya kahit pa… umabot ito sa patayan at agawan ng buhay. Wala siyang pakielam. Basta ang kaniya, kaniya.

I Remember It All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon